Chapter 34

3.9K 108 16
                                    

"SO what is your plan, anak? May plano ba kayong sampahan ng kaso ang kaibigan ni Phoenix?" Umiling lang si Damon bilang sagot sa tanong ng ama.

Nakausap na niya si Phoenix tungkol doon at gusto nitong hayaan na lang si Marco, na huwag na itong sampahan ng kaso. Hinayaan na lang niya ang gusto ng kanyang asawa kahit na ang gusto niya ay pagbayaran ni Marco ang kasalanang nagawa nito sa kulungan. Nagkasundo na lang sila ni Phoenix na oras na muli siyang lapitan ni Marco ay ang gusto naman niya ang masusunod.

Ilang araw na ang mabilis na lumipas buhat nang pansamantala munang umuwi si Phoenix sa bahay ng ama nito na hinayaan niya dahil sa tingin niya ay kailangan nito iyon. Hindi siya nagkulang sa pag-iintindi at pag-aalaga rito at lagi niya ring ipinaparamdam dito na hindi ito nag-iisa, na hindi niya ito iiwan at lagi siya nitong kasama in good and bad times.

Pero kahit ganoon ay walang araw na hindi niya ito nahuhuling tulala at umiiyak at parang hindi ito komportable sa presensya niya lalo na kapag hinahawakan at niyayakap niya ito. Kaya hinayaan niya muna itong pansamantalang lumayo kahit na masakit para sa kanya. Pilit na lang niyang iniintindi ang pinagdadaanan ng kanyang asawa.

"Alam kong masakit para sa 'yo ang nangyari, anak. At proud ako sa 'yo dahil hindi mo sinusukuan ang asawa mo. Hindi mo pinairal ang galit at hindi ka nagtanim ng sama ng loob kay Phoenix. Hindi ka nagpadalus-dalos sa mga desisyon mo at ang mas inisip mo ay ang kalagayan ng asawa mo. Magpakatatag lang kayong dalawa. Malalampasan n'yo rin ang pagsubok na ito," wika ng kanyang Dad at marahang tinapik ang balikat niya.

Doon lang napansin ni Damon na pumapatak na pala ang kanyang luha nang hindi niya namamalayan habang inaalala ang pinagdaanan ng kanyang asawa at ang ilang araw na nahuhuli niya itong tulalang lumuluha. Alam niyang pinipilit lang nitong maging ayos at matatag kapag kaharap siya. Isa rin iyon sa dahilan kaya hinayaan niya itong umuwi sa ama nito dahil malaking katulungan din ang kalinga ng totoong pamilya lalo na ng isang ama.

"Walang kasalanan si Phoenix, Dad. Biktima lang siya. Mag-asawa kami kaya dapat ay kasama at karamay niya ako sa lahat. Inaamin kong sobrang sakit para sa akin ng nangyari pero alam kong doble ang sakit para kay Phoenix. Nangyari na ang hindi dapat mangyari at wala na tayong magagawa para ibalik at baguhin pa iyon. Wala na kaming ibang pagpipilian kundi ang tanggapin na lang iyon at magsimulang muli kahit sobrang sakit para sa aming dalawa. Mahal na mahal ko si Phoenix, Dad. At hindi ko hahayaang masira kami kahit na anong mangyari," puno ng pang-unawang wika ni Damon habang patuloy sa pag-agos ang kanyang masaganang luha. Inakbayan siya ng kanyang Dad at marahang ginulo ang buhok niya. Pareho na silang may epekto ng alak na iniinom nila dahil halos dalawang oras na silang nag-iinom. Nagsimula na silang uminom pagkatapos nilang kumain ng hapunan.

"Kung ganoon ay bakit hindi mo siya puntahan, anak? Iuwi mo siya ulit dito," mungkahi ng kanyang ama na ikinabuntong-hininga ni Damon.

"Miss na miss ko na ang asawa ko, Dad, pero natatakot akong baka itaboy niya lang ako palayo. Nasasaktan ako sa tuwing umiiwas siya kapag hahawakan, yayakapin at hahalikan ko siya. Parang ibang tao na ako kung ituring ng munting babae ko. Hindi na siya komportable sa presensya ko, Dad," malungkot at nasasaktang wika ni Damon.

"Intindihin mo na lang ang asawa mo, anak. Alam mo naman ang pinagdadaanan niya. Lilipas din 'yan, babalik din kayo ng asawa mo sa dati. Tiwala lang, Damon," pagpapalakas ng loob sa kanya ng kanyang Dad.

Lumipas pa ang halos kalahating oras bago nagpaalam ang kanyang ama para magpahinga. Tumigil na rin si Damon sa pag-iinom dahil plano niyang puntahan si Phoenix. Hindi pa naman siya masyadong lasing at kaya pa niyang magmaneho ng sasakyan. Miss na miss na niya ang kanyang asawa at parang hindi na niya kayang lumipas na naman ang gabi na hindi niya ito nakakasama at nakakatabing matulog. Napagbigyan na niya ito sa gusto nito kaya siguro naman ay ang gusto naman niya ang pagbibigyan nito. At iyon ay ang magkasama silang umuwi sa malaking bahay.

Damon's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon