"SAAN ka natutong magluto?" Napalingon si Damon kay Phoenix nang marinig ang tanong ng dalaga. Kasalukuyan siyang naglalagay ng mantika sa kawali para painitin iyon. Siya na ang nagprisinta na magluluto ng turon na ginagawa nito habang patuloy pa rin ito sa pagbabalot ng saging sa spring roll wrapper.
"Magluto ng turon? Mabilis at madali lang naman itong gawin kaya hindi na kailangang pag-aralan. Kung sa pagluluto naman ng ibang pagkain, mag-isa lang ako sa ibang bansa kaya kailangan kong matutong magluto para sa sarili ko. Nag-aral din akong magluto dahil gusto kong ipagluto ang babaeng mamahalin ko at magiging ina ng mga anak ko. Gusto kong matutuhan ang maraming bagay na hinahanap ng isang babae sa isang lalaki. Para kung sakaling dumating ang araw na mag-asawa ako... wala siyang magiging dahilan para iwanan at ipagpalit ako sa iba dahil halos nasa akin na ang lahat," seryosong wika ni Damon habang nakatitig kay Phoenix na nakatingin din sa kanya. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa dalaga dahil sa tuwing nasisilayan niya ang labi nito ay naaalala niya ang ginawang pagnanakaw rito ng halik kagabi.
"Ang suwerte naman ng babaeng mamahalin mo," nakangiting wika nito bago muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa. "Pero para sa akin... hindi mo dapat piliting maging perpekto sa mata ng isang babae. Ipakita mo lang kung sino ka, gawin mo lang kung ano ang kaya mo at higit sa lahat ay magpakatotoo ka. Hindi lahat ng babae ay marunong makuntento kaya kahit na gawin mo ang lahat at ibigay mo ang lahat... iiwanan ka pa rin sa huli at ipagpapalit sa iba. Hindi ka kailanman magiging sapat kahit nasa sa 'yo na ang lahat kung hindi siya marunong makuntento," dagdag ni Phoenix na hindi inaasahan ni Damon. Hindi niya akalain na may ganoong nalalaman si Phoenix na parang may naging karanasan na ito at hindi niya itatanggi na tama ang sinabi ng dalaga. Mas humanga siya rito..
"Suwerte ka kung ganoon..." he whispered dahilan para muli itong mag-angat ng tingin sa kanya.
"May sinasabi ka?" kunot-noong tanong nito. Ngumiti lang si Damon sa dalaga at bahagyang umiling. Ibinalik muli nito ang atensyon sa ginagawa at sinimulan naman niyang ilagay ang ginawa nitong turon sa mainit ng mantika.
"Ikaw... kung sakaling tumungtong ka sa tamang edad, anong gusto mo sa isang lalaki?" tanong niya sa dalaga at pansin niyang natigilan ito.
"Wala pa sa isip ko 'yan sa ngayon pero ang gusto ko ay 'yong tulad ni Itay na may magandang kalooban bonus pa ang guwapong mukha at magandang pangangatawan. Pero hindi mahalaga sa akin ang panlabas na anyo ng isang lalaki. Kung hindi man siya pinagkalooban ng guwapong mukha tatanggapin ko kung siya ang pipiliin at ititibok ng puso ko. Hindi naman kasi natuturuan ang puso kung sino ang dapat nitong itibok at mahalin, tadhana na lang ang bahalang ibigay ang lalaking nakalaan at nararapat sa akin," seryosong wika ni Phoenix na parang nasa wastong edad na ito kung mag-isip ng tungkol sa ganoong bagay. Napangiti si Damon sa pagiging mature ni Phoenix mag-isip.
"Kung sakaling ako ang lalaking nakalaan sa 'yo... tatanggapin at papasa ba ako?" seryosong tanong ni Damon sa dalaga.
"Hindi... ang sama kasi ng ugali mo. Ang sungit mo pa," mabilis na sagot nito dahilan para magsalubong ang kilay niya. Sinamaan niya ng tingin si Phoenix at kumunot ang noo niya nang malakas itong tumawa na pumuno sa buong kusina.
"Pinaglalaruan mo na naman ako, munting babae," nakatiim ang bagang na wika niya.
"Joke lang! Tulad nga ng sinabi ko, kung sino ang nakalaan sa akin... tatanggapin ko. Ang mahalaga ay mahal at tanggap niya ako. At kung ikaw ang lalaking 'yon... ang malas ko pala kung gano'n," muling wika nito at muling humalakhak na ikinailing na lang ni Damon. Malawak siyang napangiti habang pinapanood ang tumatawang dalaga.
BINABASA MO ANG
Damon's Possession
General Fiction"Itinuring na kitang akin buhat noong una kitang masilayan. At ngayong nasa mga bisig na kita, wala ka nang magiging kawala pa dahil akin ka lang. Lagi mong tatandaan na pagmamay-ari ng isang Damon Salvador ang isang Phoenix Specter. I will possess...