MEDYO malalim na ang gabi subalit hindi pa rin dalawin ng antok si Damon sa kadahilanang nasa katabing kuwarto lang si Phoenix. Mali yata na ipinagpilitan niya na ang katabing kuwarto ang gamitin nito dahil ngayon ay siya ang nahihirapang makatulog. Kanina pa niya pinipigilan ang sariling pasukin ito sa kabilang kuwarto para tabihan ito sa pagtulog pero baka matakot ito sa kanya, baka iyon pa ang maging dahilan para lumayo sa kanya ang dalaga. Hindi niya iyon hahayaang mangyari ngayong abot-kamay na niya ito.
"Fuck! Unang gabi pa lang pero pinapahirapan mo na agad ako, munting babae." Ilang beses siyang nagpagulong-gulong sa kama bago frustrated na umupo. Ginulo niya ang sariling buhok bago siya bumangon sa magulo na niyang kama. Sigurado siyang magrereklamo na naman si Phoenix kapag nakita nito ang ayos ng kama niya. Napangiti siya nang makita ang imahe nang inis na mukha ng dalaga sa kanyang isipan.
Napagdesisyunan niyang lumabas ng silid para kumuha ng alak. Alak lang ang alam niyang makakatulong sa kanya sa ngayon dahil kahit yata magbilang siya ng tupa sa isipan ay aabot lang sa milyon pero hindi pa rin siya dadalawin ng antok. Pero hindi siya iinom ng marami dahil baka lalong hindi siya makapagpigil at makagawa ng bagay na pagsisisihan niya sa huli. Baka ang kagustuhan niyang tabihan lang si Phoenix sa pagtulog ay makalimutan niya. Kaunti lang ang iinumin niya, 'yong sakto lang para tamaan siya ng antok. Hindi rin naman siya sanay uminom ng marami.
Habang kumukuha ng beer sa ref ay may naramdaman siyang ibang pumasok sa kusina. Nanuot sa ilong ni Damon ang mabangong amoy nito dahilan para mariin siyang mapapikit kasabay ng pagtaas ng sulok ng kanyang labi dahil sigurado siyang si Phoenix 'yon. Napailing na lang siya dahil sinusubukan talaga siya ng pagkakataon. Inihahain mismo sa harapan niya ang isang masarap at nakatatakam na putahe. Sinusubukan talaga kung hanggang kailan niya kayang magpigil, kung hanggang kailan niya kayang umiwas sa tukso.
"What are you doing here? Hindi ka rin ba makatulog?" tanong niya sa dalaga bago ito hinarap.
Marahan lang itong naglalakad at napailing siya nang makitang wala itong suot na sapin sa paa. Pasimpleng nagtaas-baba ang mga mata niya sa katawan nito at nakahinga siya nang maluwag nang makitang disente ang suot nitong pantulog. Malaking t-shirt na abot hanggang tuhod ang suot nitong pang-itaas na pinaresan nito ng pajama pants. Lalo itong nagmukhang maliit sa suot nito.
"Kailangan ba kitang sagutin? Baka sabihin mo na namang feeling close ako samantalang ikaw naman itong laging tanong nang tanong," wika nito nang isang dipa na lang ang pagitan nila. Pinigilan niya ang tumawa sa sinabi nito at sa halip ay tinaasan niya ito ng kilay.
"Eh anong gusto mo, magtitigan na lang tayo kapag nagkakasalubong tayo? Mag-iiwasan at walang imikan, gano'n ba ang gusto mo?" masungit na tanong niya rito.
"'Yan ka na naman sa pagiging masungit mo," wika ni Phoenix at inikutan pa siya ng mata. "Kukuha lang akong tubig, nauuhaw kasi ako. Hindi rin ako dalawin ng antok, namamahay yata ako..." sagot nito sa unang tanong niya. Binigyan niya ito ng daan patungo sa ref para kumuha ng tubig. Nanatili pa siya sa kusina at pinanood ang bawat kilos nito.
"Iinom ka? Bakit ngayon pa kung kailang medyo malalim na ang gabi?" nagtatakang tanong nito nang makita ang dalawang beer in can na hawak niya.
"Magpaantok lang, hindi rin kasi ako dalawin ng antok. And it's your fault..." wika niya pero ibinulong lang niya ang huling sinabi kaya hindi nito iyon narinig. Bahagya lang itong tumango sa sinabi niya.
Pagkatapos nitong uminom ay lumabas ito sa kusina at sumunod naman siya rito habang dala ang dalawang beer in can. Binuksan niya ang isa at sinimulan niyang inumin 'yon habang nakasunod sa dalaga.
"Babalik ka na sa kuwarto mo?" tanong niya rito nang makarating sila sa sala. Ini-on niya ang malaking tv roon bago siya umupo sa mahabang sofa. "Samahan mo muna ako rito habang umiinom. Hindi ka pa rin naman inaantok, right?" Tahimik lang itong tumango bago umupo sa dulo ng sofa na inuupuan niya. May sapat na distansya sa pagitan nila.
BINABASA MO ANG
Damon's Possession
General Fiction"Itinuring na kitang akin buhat noong una kitang masilayan. At ngayong nasa mga bisig na kita, wala ka nang magiging kawala pa dahil akin ka lang. Lagi mong tatandaan na pagmamay-ari ng isang Damon Salvador ang isang Phoenix Specter. I will possess...