Chapter 38

4.2K 103 12
                                    

NAALIMPUNGATAN si Damon buhat sa mahimbing na pagkakatulog nang maramdaman niyang gumalaw si Phoenix sa tabi niya. Inaantok na nagmulat siya ng mga mata nang maramdamang kinakalas nito ang braso niyang nakapulupot sa bewang nito. Pero bago pa ito tuluyang makawala sa mga bisig niya ay hinapit niya ang katawan nito at muli itong mahigpit na niyakap.

"Bakit gising ka na, munting babae? Saan mo planong pumunta?" paos ang boses na tanong ni Damon habang nakasiksik ang mukha sa leeg ng kanyang asawa.

"Pupunta sana ako sa kusina. Nagugutom ako," sagot ni Phoenix na mahina niyang ikinatawa.

Mula nang magdalang-tao ito ay madalas itong gumising sa kalagitnaan ng gabi para kumain. Mabuti na lang at hindi kung ano-ano ang hinihingi nitong pagkain sa kanya kaya mabilis niya 'yong naibibigay sa kanyang asawa. Hindi rin ito maselan sa pagkain. Behave ang baby nila na nasa sinapupunan nito, manang-mana sa kanya.

"Dapat ginising mo ako para masamahan kita. Anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita," wika ni Damon bago inalis ang mukha sa leeg nito. Inalis niya ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha ni Phoenix bago ito pinatakan ng mabilis na halik sa labi.

"Kaya ko namang mag-isang pumunta sa kusina. Hindi mo na rin ako kailangang samahan pa kaya magpahinga ka na ulit. May pasok ka pa sa trabaho bukas."

"No, sasamahan kita, baby," wika ni Damon bago bumangon sa kama.

Inalalayan niyang bumangon si Phoenix hanggang sa paglabas nila sa kanilang kuwarto. Hindi na siya nag-abala pang magsuot ng pang-itaas at tanging boxer shorts lang ang suot niya samantalang suot naman ni Phoenix ang kanyang t-shirt na halos umabot na sa ibabaw ng tuhod nito. Naging hilig nitong suotin ang damit niya simula nang magdalang-tao ito. Gustong-gusto rin ng kanyang asawa ang natural na amoy niya kaya hindi siya gumagamit ng pabango kapag nasa bahay lang siya. Madalas din siya nitong panggigilan na parang siya ang pinaglilinhan nito.

Pagkarating nila sa kusina ay ipinaghanda niya ng pagkain si Phoenix. Iniinit lang niya ang tirang ulam nila sa dinner at nagprito lang siya ng hotdog at tocino na hindi puwedeng mawala kapag kumakain sila dahil gustong-gusto rin iyon ng kanyang asawa.

"May iba ka pa bang gustong kainin?" tanong ni Damon kay Phoenix habang pinanonood itong kumain.

Napapangiwi na lang siya dahil ang ginawa nitong sawsawan ng hotdog ay peanut butter. Nawiwirduhan na siya sa kanyang asawa pero hindi niya lang iyon ipinahahalata dahil baka iyon pa ang pagmulan ng hindi nila pagkakaintindihan. Iniisip na lang niyang normal ang ginagawa nito sa isang buntis.

"Ayos na ito. Tulungan mo na lang akong ubusin itong lahat," sagot ni Phoenix na sunod-sunod niyang ikinamura sa isipan. Damn! Nadamay na naman siya. Makakatikim na naman siya ng pagkain na hindi niya akalain na matitikman niya sa buong buhay niya. Noong una ang ipinatikim nito sa kanya ay turon na may catsup tapos ngayon naman ay hotdog na may peanut butter. Fuck!

"Sa 'yo na lang 'yan, baby. Baka kasi magkulang pa 'yan sa 'yo. Hindi pa rin naman ako nagugutom," mabilis na pagtanggi niya sa asawa pero huli na ang lahat dahil agad nitong isinubo sa kanya ang hotdog na isinawsaw nito sa peanut butter pagkatapos niyang magsalita.

Napamura si Damon sa isipan at mariing napapikit habang nginunguya ang isinubo ni Phoenix. Hindi na niya iyon nginuya nang maayos at nilunok niya agad dahil hindi niya gusto ang kombinasyon ng lasa ng hotdog at peanut butter. Uminom siya agad ng tubig pagkatapos niyang lunukin ang nasa bibig niya.

"Masarap, 'di ba?" malawak at inosenteng tanong ng kanyang asawa.

"Masarap," sagot ni Damon kahit na ramdam niya ang pagtatayuan ng balahibo niya sa katawan nang malasahan ang hotdog na may peanut butter. Ayaw naman niyang pasamain ang loob ng kanyang asawa kaya kahit hindi niya nagustuhan ang lasa ay sinabi pa rin niyang masarap iyon.

Damon's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon