Chapter 22

4.7K 128 23
                                    

PAGKARATING ni Phoenix sa malaking bahay ay hindi rin nagtagal at dumating din si Damon habang nasa living room siya. Nagtatakang tiningnan niya ang binata dahil sa kakaibang saya ang nakikita niya sa mukha nito at bakas din doon ang excitement sa hindi niya malamang dahilan. Naglakad ito palapit sa kanya at hindi siya nakaiwas nang mabilis siya nitong nakawan ng halik sa labi bago ito umakyat sa hagdan para magtungo sa silid nito. Napailing na lang siya habang nakasunod ang mga mata kay Damon hanggang sa mawala ito sa paningin niya.

Ilang minuto ang lumipas at bumaba rin agad si Damon matapos nitong magpalit ng kasuotan. Umupo ito sa tabi niya at napasimangot siya nang maramdaman ang mabigat nitong braso sa kanyang balikat nang akbayan siya nito. Sobrang dikit din ng binata sa katawan niya na kulang na ay paupuin siya nito sa kandungan nito. At nang hindi pa ito nakuntento sa puwesto nila ay humiga pa ito sa sofa at ginawang unan ang hita niya kaya sinamaan niya ito ng tingin..

"I love you," nakangiting wika ni Damon at kinindatan pa siya kaya mabilis siyang nag-iwas dito ng tingin.

Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mukha at narinig niya ang mahinang pagtawa ng binata. Hindi pa rin maiwasan ni Phoenix ang hindi maapektuhan kahit na halos araw-araw ay naririnig niya ang tatlong salitang iyon kay Damon. Sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso niya sa tuwing naririnig niya iyon sa binata.

"Kailan mo sasagutin ang 'I love you' ko, munting babae?" tanong ni Damon kaya muling tiningnan niya ito. Hinawakan nito ang isa niyang kamay at pinagdaop ang kanilang mga palad bago nito hinalikan ang likod ng kamay niya. Ilang beses nito iyong ginawa habang nakatitig ito sa kanya.

"Hindi naman 'yan tanong kaya bakit ko kailangang sagutin?" sagot niya at mabilis na nagbawi ng tingin kay Damon.

"Hindi nga tanong pero kailangan ng sagot, munting babae. Mahal kita, ikaw ba... mahal mo rin ba ako? O tanong na 'yan," nakasimangot na wika nito na mahina niyang ikinatawa. Para itong batang nagrereklamo at napasimangot ito nang mahina niyang pitikin ang noo nito.

"Hindi," sagot niya kay Damon kahit na ang totoo ay mahal niya rin ito. Hindi niya alam kung bakit hindi pa niya iyon sinabi sa binata pero pakiramdam niya ay hindi pa iyon ang tamang oras para sabihin niyang mahal din niya si Damon.

"Okay," seryosong wika ni Damon na hindi niya inaasahang magiging reaksyon ng binata. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito pero nginitian lang siya ni Damon bago muling hinalikan ang likod ng kamay niya na parang naadik na itong halikan iyon.

"Okay? Okay lang ang masasabi mo matapos kong sabihin na hindi kita mahal?" hindi makapaniwalang tanong niya kaya kinunutan siya ng noo ng binata at ito naman ang naguguluhang tumingin sa kanya.

"Ano bang dapat kung sabihin? Eh sa iyon ang nararamdaman mo, may magagawa ba ako? Hindi naman kita puwedeng pilitin na sabihing mahal mo rin ako dahil kahit ilang beses kong marinig iyon mula sa 'yo ay wala ring halaga kung hindi rin naman totoo. Mas gugustuhin ko pang sabihin mong hindi mo ako mahal kaysa mapilitan ka lang sabihing mahal mo ako pero ang totoo ay hindi naman pala," sagot nito.

Bigla siyang natahimik sa sinabi ni Damon. Bumangon ito buhat sa pagkakahiga at muling umayos ng upo sa tabi niya. Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi bago siya nito iniharap sa gawi nito. Seryoso siya nitong tiningnan at napalunok siya dahil hindi siya sanay na makitang gano'n kaseryoso ang binata.

"At isa pa, hindi naman importante sa ngayon kung mahal mo man ako o hindi dahil magiging akin ka pa rin naman. Hindi kita pipiliting sabihin sa akin na mahal mo rin ako pero pipilitin kong maging akin ka. Gagawin ko na lang ang lahat para mahalin mo rin ako at hindi kita pipilitin sa bagay na iyon dahil kusa mo 'yong mararamdaman sa akin. Mark my words, munting babae. Mamahalin mo rin ako at magiging akin ka..." dagdag ni Damon at hindi na niya nagawang makabawi pa sa sinabi nito dahil natagpuan na lang niyang inaangkin ni Damon ang labi niya.

Damon's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon