Chapter 26

5K 124 15
                                    

"MARUNONG ka naman palang mag-ayos ng kama pero bakit sa akin mo pa ipinapagawa tuwing umaga?" Mahina lang na tinawanan ni Damon ang sinabi ni Phoenix habang nakasimangot itong pinanonood siyang ayusin ang magulo niyang kama.

"Marunong naman talaga ako, munting babae. Gusto ko lang na pumunta ka sa kuwarto ko tuwing umaga kaya sa 'yo ko ito ipinagagawa. Gusto ko kasing lagi kang nasisilayan paggising ko sa umaga," malawak ang ngiting wika ni Damon at kinindatan pa si Phoenix. Inikutan siya nito ng mata pero hindi nakaligtas sa mga mata niya ang bahagyang pamumula ng magkabilang pisngi nito.

Nakapaglinis na rin siya sa kanyang kuwarto at nadala na rin niya sa kusina ang mga platong ginamit nilang dalawa, nahugasan na rin niya ang mga 'yon. Nanatili sa kuwarto niya si Phoenix dahil hindi niya muna ito hinayaang lumabas. Hindi rin naman ito tumutol sa gusto niya dahil siguro masakit ang nasa pagitan ng mga hita nito lalo na at pansin niyang panay ang pagngiwi ni Phoenix sa tuwing kikilos ito.

"Uuwi ka ba mamaya? May plano ka ba ngayong kaarawan mo? Kung wala naman ay dito na lang kaya natin idaos ang kaarawan mo, kahit munting salu-salo lang. What do you think?" tanong niya kay Phoenix nang matapos siya sa ginagawa. Umupo siya sa tabi nito bago ito inakbayan.

"Baka umuwi na lang ako sa bahay pero babalik din ako mamayang hapon. Salamat na lang pero hindi n'yo na kailangang mag-abala pa. Nakakahiya na sa mga magulang mo," pagtanggi ni Phoenix.

"Sige, kung 'yan ang gusto mo. Sasamahan na lang kitang umuwi sa inyo mamaya," wika niya at mas hinapit pa ito palapit sa katawan niya. Wala siyang narinig na reklamo kay Phoenix kahit nang halikan niya ang ibabaw ng ulo nito.

"Totoo ba talaga ang marriage contract na pinapirmahan mo sa 'kin kagabi? Mag-asawa na talaga tayo?" maya-maya ay tanong nito matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan nila.

"Totoo 'yon, munting babae. Naibigay ko na rin kay Dad at sila na ang bahala para maproseso iyon," sagot ni Damon dahilan para humiwalay sa katawan niya si Phoenix habang namimilog ang mga mata. Mahina siyang tumawa sa reaksyon nito.

"Ibig sabihin alam ng mga magulang mo?" namimilog ang mga matang tanong ni Phoenix at laglag ang panga nito nang tumango siya.

"Yeah. Kaya simula ngayon, sanayin mo na ang sarili mo na tawagin na rin silang Mom and Dad. At alam na rin pala ni Itay," malawak ang ngiting wika niya at malakas na tumawa sa naging reaksyon ni Phoenix.

"Nagbibiro ka lang, 'di ba?"

"I'm serious, munting babae. Akin ka na at pagmamay-ari na kita. Matagal ng nakaplano ang lahat at ikaw lang ang walang alam at sana ay huwag kang magagalit. Mahal na mahal lang kita kaya itinali na agad kita para wala ka nang kawala pa."

Wala siyang nakuhang sagot kay Phoenix at ilang minuto itong natulala. Nabigla yata ito sa mga sinabi niya kaya marahan niyang tinapik ang pisngi nito.

"Ayos ka lang?" natatawang tanong niya rito kaya sinamaan siya nito ng tingin.

"Ang galing mong magplano pati si Itay at ang mga magulang mo kinuntyaba mo. Sa tingin mo may magiging kawala pa ako? Wala rin naman yatang mangyayari kahit tumutol ako."

"Mabuti at alam mo. Lahat ay kaya kong gawin para lang maging akin ka at ngayong akin ka na talaga... wala ka nang magiging kawala pa. Habang-buhay ka na sa piling ko, munting babae," nakangising wika niya at mabilis itong ninakawan ng halik sa labi na ikinasimangot nito.

Bago magtanghalian ay umalis sila sa malaking bahay para magtungo sa bahay nina Phoenix. Dumaan muna sila sa pamilihan para bumili ng kaunti nilang puwedeng pagsalu-saluhan sa tanghalian. Nalaman kasi nilang nasa bahay nina Phoenix si Manang Perla dahil doon tumuloy ang kanyang Ate Joy pagkalabas ng mga ito sa ospital.

Damon's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon