"WAKE up, baby. May bisita kang naghihintay sa living room," boses ni Damon dahilan para maalimpungatan si Phoenix isang umaga. Pinaliguan din nito ng halik ang kanyang buong mukha dahilan para tuluyang magising ang kanyang diwa. Wala siyang nagawa kundi imulat ang kanyang mga mata kahit na gusto pa niyang matulog at nasilayan niya ang guwapong mukha ng kanyang asawa. Malawak ang ngiti nito habang nasa ibabaw niya at nakatukod ang mga braso nito sa kama para hindi niya masyadong maramdaman ang bigat ng katawan nito.
"Magandang umaga sa maganda at sexy kong asawa..." nakangiting bati nito at mabilis pa siyang pinatakan ng halik sa labi. Inikutan niya ito ng mata dahil sa sinabi nito na mahina nitong ikinatawa.
"Istorbo ka naman, eh. Anong oras na ba at binulabog mo ang tulog ko," nakasimangot na wika ni Phoenix.
"Alas-otso na ng umaga, munting babae," natatawang wika ni Damon.
"Bakit kasi ang hilig mo? 'Yan tuloy, lagi na akong tinatanghaling gumising dahil sa 'yo," paninisi niya kay Damon na malakas lang nitong tinawanan.
Buhat kasi nang matapos ang pasukan ay halos gabi-gabi siyang inaangkin ni Damon. Nakakailang beses siya nitong angkinin bago siya nito tigilan at kadalasan ay humihirit pa ito sa madaling araw kaya hindi siya nito masisisi kung bakit lagi siyang tanghali nang gumising. Katulad kanina, nagising na lang siyang hinahalikan ni Damon habang marahan itong gumagalaw sa ibabaw niya. Muli lang siyang nakatulog pagkatapos siya nitong angkinin.
"Para kasi makabuo agad tayo kaya kailangan kitang araw-arawin..." nakangising wika nito.
"Ang sabihin mo mahilig ka lang talaga," wika niya na ikinahalakhak ni Damon.
"At hindi ko iyon itinatanggi, munting babae," pilyong wika nito at kinindatan pa siya bago ito umalis sa ibabaw niya para makabangon siya sa kama. Tanging malaking t-shirt lang ni Damon ang suot niya at wala siyang kahit na anong suot bukod doon.
"Sino nga pala ang bisitang naghihintay sa akin sa living room?" tanong ni Phoenix kay Damon habang inaayos niya ang kanyang magulong buhok. Nakaupo naman ito sa kama habang hindi inaalis ang mga mata sa kanya.
"Mga magulang ni Marco," sagot nito dahilan para matigilan siya. Tumingin siya kay Damon nang hawakan nito ang kamay niya at bahagyang pinisil iyon. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. "Kaya mo ba silang harapin? Ayos lang naman kung hindi, sasabihin ko na lang sa kanila na—"
"Kaya ko. Haharapin ko sila," pagputol niya sa gustong sabihin ng kanyang asawa. Huminga naman ito nang malalim bago marahang tumango.
Ilang linggo na ang mabilis na lumipas buhat noong magkaayos silang mag-asawa, buhat noong bumalik siya sa malaking bahay. At buhat noong kaarawan ni Marco ay wala na siyang naging balita rito at hindi rin ito nagpapakita o nagpaparamdam sa kanya. Iyon din ang unang beses na pinuntahan siya ng mga magulang ni Marco pagkatapos ng nangyari.
"Lagi mong tatandaan na nasa tabi mo lang ako, munting babae. Maaasahan at makakapitan mo ako kahit na anong mangyari..." wika ni Damon bago hinalikan ang likod ng kamay niya. "I love you..." dagdag nito habang nakadikit pa rin ang labi sa likod ng kanyang kamay. Napangiti siya sa ginawa ng kanyang asawa. Napakasuwerte niya talaga rito.
"Mahal din kita..." nakangiting wika niya at para silang mga baliw habang malawak ang ngiting nakatitig sa isa't isa. Bakas ang labis na pagmamahal sa kanilang mga mata.
Pagkatapos niyang gawin ang kalimitang ginagawa niya sa umaga ay lumabas sila ni Damon sa kuwarto para harapin ang mga magulang ni Marco. Naabutan niya ang mga itong kausap si Manang Perla at nakuha nila agad ang atensyon ng mag-asawa habang papalapit sila sa puwesto ng mga ito. Dinig niyang nagpaalam sa mag-asawa si Manang Perla bago ito nagtungo sa kusina.
BINABASA MO ANG
Damon's Possession
General Fiction"Itinuring na kitang akin buhat noong una kitang masilayan. At ngayong nasa mga bisig na kita, wala ka nang magiging kawala pa dahil akin ka lang. Lagi mong tatandaan na pagmamay-ari ng isang Damon Salvador ang isang Phoenix Specter. I will possess...