Chapter 10

6K 142 23
                                    

ISANG oras na nakatulog si Damon at malawak siyang napangiti nang makitang natutulog ang dalaga nang magising siya. Maingat siyang bumangon sa sofa para hindi magising si Phoenix bago niya ito binuhat para ilipat sa kama. Umupo siya sa tabi nito pagkatapos niya itong ihiga sa kama at pinagsawa niya ang mga mata sa magandang mukha nang mahimbing na natutulog na dalaga.

May sumilay na ngiti sa kanyang labi at bahagyang napailing nang maalala ang ginawa niya kanina. Ayaw niyang iwanan siya ni Phoenix kaya mabilis siyang nag-isip ng paraan para hindi ito umalis sa tabi niya at iyon nga ay ang magkunwaring nakaramdam siya ng antok kahit ang totoo ay hindi naman. Pero matapos niyang humiga sa sofa at gawing unan ang hita nito ay bigla siyang nakaramdam ng antok at hindi na niya nagawang labanan iyon nang simulan nitong haplusin ang buhok niya hanggang sa tuluyan nga siyang makatulog.

"Sleep tight, baby..." bulong niya sa dalaga bago ito magaang pinatakan ng halik sa noo. Bumaba ang mga mata niya sa labi ni Phoenix at napalunok siya habang nakatitig doon. Hindi rin siya nakatiis dahil natagpuan na lang niya ang sariling labi na nakadikit sa labi ng dalaga. Hindi naman niya malalaman...

Pagkatapos niyang nakawan nang magaang halik si Phoenix ay ilang minuto pa niya itong pinagmasdan habang marahang hinahaplos ang pisngi nito. Hindi siya nagsasawang pagmasdan ang magandang mukha ng dalaga na parang mukha ng isang anghel lalo na kapag tulog ito. Maamo ang mukha ni Phoenix, makinis at maputi rin iyon. Medyo makapal ang kilay nito na aliw na aliw niyang pagmasdan kapag nagsasalubong iyon sa tuwing naiinis o nakukulitan ito sa kanya. Medyo maliit pero matangos ang ilong nito at kulay rosas naman ang mga labi nitong tila lagi siyang inaakit na halikan iyon. Ang matamis at malambot nitong labi na nakakaadik halikan. Damn! I wanna kiss her again and again...

Bago pa kung anong kapilyuhan ang magawa niya kay Phoenix ay umalis siya sa kama. Pero bago siya tuluyang umalis sa tabi nito ay muli niyang ninakawan nang magaan at mabilis na halik sa labi ang dalaga. Napailing na lang siya dahil hindi man lang ito nagigising. Kahit yata panggigilan niya ang labi nito at higit pa sa paghalik ang gawin niya rito ay hindi ito magigising dahil tulog-mantika ito.

Kinuha ni Damon ang sketch pad niya bago hinila ang ottoman para ilapit 'yon sa kama at doon siya umupo. Muli niyang pinagmasdan si Phoenix para kabisaduhin ang histura at puwesto nito habang natutulog ito sa ibabaw ng kama. Ilang minuto niya itong pinagmasdan bago niya binuklat ang sketch pad niya na para lamang sa mukha ng babaeng itinitibok ngayon ng puso niya.
My Munting Babae, iyon ang makikita sa unang pahina ng sketch pad bago ang mukha ni Phoenix na iginuhit niya. Medyo marami na 'yon na halos nasa kalahati na ng bilang ng pahina ng sketch pad. Lahat 'yon ay mukha ni Phoenix sa iba't-ibang anggulo.

Muli niyang sinulyapan ang dalaga bago niya ibinalik ang atensyon sa sketch pad. Sinimulan niyang iguhit ang dalaga habang natutulog ito sa ibabaw ng kama. Mabilis ang bawat galaw ng kamay niya at madali lang para sa kanya ang iguhit si Phoenix dahil kabisado na niya ang mukha nito, idagdag pa na may itinatago siyang talento sa pagguhit.

Halos kalahating oras din ang ginugol niya bago siya natapos. Tulog pa rin ang dalaga at nakailang palit na ito ng puwesto pero hindi ito nagigising. Pero kahit ganoon ay maayos pa rin niyang natapos iguhit ito dahil memoryado na niya ang puwesto nito kanina. At malawak siyang napangiti habang pinagmamasdan ang  resulta ng iginuhit niya. My Sleeping Beauty, iyon ang isinulat niya sa ibabang bahagi ng iginuhit niya.

Ibinalik niya ang sketch pad sa pinaglalagyan nito kanina at ang ottoman na inupuan niya. Tiningnan niya ang oras at naglakad siya palapit sa kama nang makitang alas-dos y medya pa lang ng hapon. Halos dalawang oras nang tulog si Phoenix at sa halip na gisingin ito ay humiga pa siya sa tabi ng dalaga. Ang plano lang naman niya ay humiga sa tabi nito pero hindi niya napaghandaan nang isiksik ni Phoenix ang katawan nito sa kanya bago siya niyakap.

Damon's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon