"AYOS lang po ba kayo, Tita Joy? May sakit po ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Phoenix sa kanyang Tita Joy nang mabilis itong tumakbo sa sink nang makaramdam ito ng pagsusuka. Galing ito sa labas at kapapasok lang nito sa kusina nang malanghap nito ang amoy ng bawang sa fried rice na niluluto niya.
"Ayos lang ako, Nix. Medyo sumama lang ang pakiramdam ko at bigla akong nahilo. Puwede bang ikaw na lang muna rito sa kusina? Hindi ko kasi gusto ang amoy ng bawang ngayon kaya hindi kita matutulungan sa pagluluto. Si Nanay na lang ang papupuntahin ko rito para tulungan ka at ako na lang ang gagawa ng ginagawa niya," wika nito na ikinakunot ng noo niya.
"Kung hindi ko lang alam na single ka, Tita Joy, iisipin kong nagdadalang-tao ka," natatawang biro niya at pansin niyang bahagya itong natigilan sa sinabi niya. "Sige po, ayos lang. Huwag mo na rin pong papuntahin dito si Manang Perla, kaya ko na po ritong mag-isa."
"Salamat, Nix. Maiwan na kita rito," wika nito bago lumabas sa kusina kaya naiwan siyang mag-isa pero hindi rin nagtagal ay dumating si Damon at agad na umupo sa harap ng hapag.
"Good morning," bati nito at kinindatan pa siya. Hindi na lang niya 'yon pinansin at ipinagtimpla niya ito ng kape bago ibinigay sa binata.
Hindi na siya iniiwasan ni Damon mula noong araw na sinabi nito ang rason kung bakit siya nito iniiwasan sa loob ng tatlong buwan, pero hindi na katulad ng dati na laging nakabantay at nakasunod sa kanya ang binata kapag parehong nasa bahay sila. Makulit pa rin ito kapag magkasama sila at hindi pa rin nawawala ang kapilyuhan at kalandiang taglay nito pero may limitasyon ang bawat galaw ni Damon.
"Hindi ka papasok sa trabaho?" tanong niya kay Damon dahil kadalasan kapag bumababa ito para mag-almusal ay nakahanda na ito para pumasok sa trabaho pero ngayon ay simple lang ang suot nito. Kumunot ang noo niya nang simangutan siya ni Damon.
"Birthday ko ngayon kaya hindi ako papasok sa trabaho," wika nito dahilan para matigilan siya. "Ang daya mo naman. Hindi mo alam kung kailan ang birthday ko samantalang ako kahit monthly period mo alam ko," dagdag nito na ikinanganga niya. Nag-init ang kanyang mukha dahil sa sinabi ni Damon. Saglit niyang nakalimutan ang tungkol sa kaarawan nito.
"Bakit pati buwanang-dalaw ko alam mo? Mayroon ka pa bang hindi alam tungkol sa 'kin?"
"Wala na dahil alam ko lahat ng tungkol sa 'yo, munting babae. Salamat kay Itay dahil siya ang nagsabi sa akin lahat ng tungkol sa 'yo. Kahit nga ang una mong paghakbang naikuwento niya sa akin, kung anong unang salitang nabigkas mo noong bata ka pa, kung kailan ka unang nagkaroon ng menstruation at lahat-lahat ng tungkol sa 'yo, baby," malawak ang ngiting wika nito na mas lalong ikinanganga niya habang hindi makapaniwalang nakatingin dito.
"Sinabi ni Itay lahat 'yon sa 'yo?"
"Yeah. Sa tuwing sumasama noon ako sa 'yo sa inyo kapag day off mo ay kinukulit ko si Itay na magkuwento tungkol sa 'yo. Noong una ay ayaw niya pero noong sinabi kong ako ang magiging asawa mo kaya kailangan kong malaman ang lahat ng tungkol sa 'yo... sumuko rin siya sa kakulitan ko at sinabi niya sa akin ang lahat ng gusto kong malaman tungkol sa 'yo," nakangising wika nito.
"You're impossible! Pero bakit pati ang tungkol sa buwanang-dalaw ko ay alam mo?" hindi makapaniwalang tanong niya na pilyong ikinatawa ni Damon.
"Sigurado ka bang gusto mong malaman ang rason ko?" nakangising wika nito at bakas ang kapilyuhan sa mga mata ng binata. Tumango siya.
"Para alam ko kung kailan ka fertile at hindi. Hindi kasi muna tayo bubuo ng baby habang nag-aaral ka pa. Pero para mas sigurado na hindi ka agad mabubuntis, hahayaan muna kitang uminom ng birth control pill. Pero kung ayos lang naman sa 'yong magkaroon agad tayo ng anak habang nag-aaral ka pa, mas ayos 'yon para sa akin," malawak ang ngiti at tila excited na wika ni Damon dahilan para mabitawan niya ang sandok na hawak. Pero nang makabawi ay agad niyang pinulot 'yon bago lumapit kay Damon na ikinabilog ng mga mata nito nang mahulaan nito ang gagawin nya.
BINABASA MO ANG
Damon's Possession
Ficción General"Itinuring na kitang akin buhat noong una kitang masilayan. At ngayong nasa mga bisig na kita, wala ka nang magiging kawala pa dahil akin ka lang. Lagi mong tatandaan na pagmamay-ari ng isang Damon Salvador ang isang Phoenix Specter. I will possess...