Weeks passed and mas naging close ako sa circle nina Vivienne, akala ko tatagal na maging kaibigan ko sila hanggang sa dumating ang food bazaar event ng school namin. They misunderstood my 'no' and talked behind my back for it.
"Hoy, 'te! Ano nangyari? Ba't 'di kana sumasama kila Viv, 'diba tropa mo 'yun?" tanong ni Addie nang makalapit sila nina Evie at Tily sa akin habang wala pang teacher.
"Wala, ayoko na e." sabi ko. "Bakit pala kayo nandito?"
"Bored kami e." sagot ni Evie.
"Ay, may chismis pala ako sa inyo!" biglang sabi ni Addie. "Alam n'yo ba 'di na kami masyado nag-papansinan ni Jasmela, ewan ko ah pero parang ang sensitive n'ya. I mean, there's nothing wrong with that pero 'yung isang word lang na sinabi ko na hindi ko naman sa kan'ya sinasabi, tinake n'ya too far, ano kaya 'yon."
Doon ko mismo narealize na mawalan man ako ng iilang kaibigan, may darating pa rin dahil hindi na nila ako hiniwalayan simula noon. Madalas kong naging kasama sina Addison, Evie, Tily, Lexi at Veronica. Hindi man kami lagging buong magkakasama dahil hindi naman kami 'official' friend group, masasabi ko naman na may matatawag na akong 'stable' na kaibigan.
"How's school, Kira?"
Nagulat ako nang may biglang pumasok sa dining area habang nag-hahapunan ako kasama ang mga kasambahay namin at biglang nagsalita.
"Okay lang, Ma. Masaya naman." sagot ko.
"Mabuti ku-"
"Alcohol, dali!"
Naputol ang sasabihin ni Mama nang pumasok si Papa sa bahay ng nakatingin sa kamay n'ya at para bang nandidiri. Nag-spray naman agad si Mama ng alcohol sa kamay n'ya.
"Papa, anong nangyari?" takang tanong ko.
"May mga batang pulubi kaming nadaanan sa highway kanina, wala naman talaga akong balak lapitan pa sila kaso nakita ng driver natin na maraming taong nakapila sa terminal malapit doon, maganda din 'yon sa image ko 'pag napicturan nila ako kanina." sagot n'ya.
Napaiwas nalang ako ng tingin at huminga ng malalim. Hindi ako makapaniwala na may taong kayang mag-kunwaring nag-mamalasakit sa kapwa para lang gumanda ang imahe nila sa publiko kahit pa labag ito sa loob nila. Ang hirap isipin na baka iniisip ng mga taong natulungan ni Papa na bukal sa loob n'ya ang mga iyon pero ang hindi nila alam ay ginagamit lang n'ya sila.
"S'ya nga pala, bakit kasabay mo 'yung mga katulong natin? Hindi dapat rit-"
"Papa, huwag." pigil ko. "Hindi na sila iba sa akin kaya please hayaan mo na."
Hindi na ako magtataka kung bakit ang lakas ng loob ni Papa na ipakita ang tunay n'yang ugali sa mga empleyado rito sa bahay dahil simula't sapul, nagpapirma na s'ya ng non-disclosure agreement. Noong una ay hindi ko pa naiintindihan kung bakit kailangan nila ng ganoon pero ngayon ay mas nagiging malinaw sa akin.
"Mga pre, sino na may sagot d'yan sa English? Pa-share naman!" malakas na sabi ng isa naming kaklase nang umalis ang teacher namin sa first subject.
"Ito, oh! Huwag mo lulukutin ah! Kokonyatan kita!" matapang na paalala ni Addie bago binigay ang papel n'ya. "May sagot kana sa Math? Pakopya!"
"Thank you! Wala nga rin e, ang hirap! Tamang antay lang ako ng sagot, ayan sinosolve na nila!" sabi n'ya at tinuro 'yung mga top students namin doon sa harapan malapit sa whiteboard na nag-dedebate sa sagot nila.
Kahit naman ako nag-aantay lang din ng sagot, sakit sa ulo mag-solve 'no.
"'Diba may parenthesis? So x plus-"
![](https://img.wattpad.com/cover/226365351-288-k756987.jpg)
YOU ARE READING
Stars Around My Scars (Dream Series #5)
Teen FictionDream Series 5 Kira, the epitome of empathy, hardwork, generosity and sometimes crackiness grew up in the public eye, found herself crying over someone whom she called a 'womanizer'. Which is Andrei a pilot student and an undeniably gorgeous human b...