"Ano ba 'yan! Tayong dalawa lang classmates samantalang 'yung apat magkakasama doon sa kabilang section!" reklamo agad ni Addie.
First day namin ngayong second year at kaming dalawa lang ni Addie ang magkaklase. Si Evie, Tily, Lexi at Nica kasi ay magkaklase sa ibang section.
"Baliw, uy, may nag-nonoodles doon oh!" sabi ko at tinuro 'yung isa naming kaklase na kumakain ng noodles.
"Mukbang." sabi ni Addie at tumawa.
"Mukbangerist." tawa ko. "Walang pogi sa atin, ano ba 'yan!"
"Ewan ko sa'yo." sabi n'ya at inirapan ako. "Hoy, paano 'pag may introduce yourself? Ano sasabihin natin?"
"Hala, malay ko,'di ako prepared!" sabi ko.
Naputol naman ang usapan namin nang dumating na ang adviser naming si Tchr Zeb. Naging teacher naman na namin s'ya nung first year sa health kaya kilala na rin namin s'ya.
At dumating na nga ang kinakakabahan namin ni Addie na pesteng introduce yourself na 'yan.
"Kinakabahan ako, takte," bulong sa akin ni Addie.
"Paano pa ako? Gusto ko na nga tumae e." bulong ko naman pabalik.
Gusto ko na talaga umalis at pumasok sa banyo pero mamaya nalang dahil nakakahiya naman at malapit na rin akong tawagin.
"Ayan na, oh my god." bulong ni Addie nang matapos na lahat ng boys at sumunod na ang girls.
"Hala,"
"Parang gusto ko magpalamon sa floor," pag-exaggerate niya. "Natatae na tuloy ako."
"Same, wala namang ganito dati ah," sabi ko.
Lumala tuloy ang kaba ko nang magsimula nang magtawag si Tchr pero mas kinakabahan 'tong si Addie dahil letter A ba naman ang apelido.
"Addison Aldridge." pagtawag ni Tchr Zeb sa kan'ya.
Nanlaki ang mata ni Addie at tumingin pa sa akin ng masama nang marinig n'ya ang mahinang tawa ko bago s'ya naglakad papunta sa harapan.
"Hi, my name is Addison Nadine Aldridge. You can call me Addison or Addie if we're close but please never call me Nadine, thank you." pagpapakilala n'ya bago bumalik sa upuan.
Ako naman ngayon ang nakakaramdam ng kaba dahil palapit na ng palapit sa pangalan ko habang ito naman si Addie ay pachill chill lang dahil tapos na s'ya.
"Kelsey Hill." tumayo naman na ako at pumunta sa harapan.
"Hello, I'm Kelsey Aira Hill, Kira for short and blessed first day to us." sabi ko bago umupo ulit.
Nang matapos ang introduction ay nagbigay na agad ng 'about myself' assignment si Tchr Zeb at bukas, mag-pepresent na naman kami.
Nang umalis s'ya ay may nakausap na kaming ibang kaklase namin ni Addie at sinasabi nilang napapanood daw nila si Papa pati ako paminsan sa balita at nakikita sa social media. Pinupuri puri pa nila si Papa na kinainis ko.
Dalawang araw ang nakalipas na halos pare-pareho lang ang nangyayari sa mga subjects. Pakilala dito, recap doon. Wala rin naman masyadong nangyayari sa bahay dahil nasa probinsya sa Mindanao sila Papa.
"Kira, may breakfast na sa baba." sabi ni Ate Janet, kasambahay namin.
Kagigising ko lang nang tawagin n'ya ako at tamad na tamad ako. Halos wala akong kagana ganang kumilos pero kailangan dahil may pasok pa ako ngayon.
"Okay po," sabi ko at umupo sa kama ko.
Kinusot ko naman ang mata ko at aalis na sana ng kama ko nang mag ring ang phone ko at nakitang tumatawag si Addie.
YOU ARE READING
Stars Around My Scars (Dream Series #5)
Fiksi RemajaDream Series 5 Kira, the epitome of empathy, hardwork, generosity and sometimes crackiness grew up in the public eye, found herself crying over someone whom she called a 'womanizer'. Which is Andrei a pilot student and an undeniably gorgeous human b...