Chapter 36

17 4 0
                                    

"What? You're pregnant?" gulat na tanong ni Lexi.

Nandito kaming lahat sa unit ngayon dahil sabi ko may importante silang kailangan malaman at 'yun ang pag-bubuntis ko. Gulat na gulat naman silang lahat dahil hindi naman kami nagka-balikan ni Andrei pero heto at may mga bata nanaman sa loob ng tiyan ko. 

Inuuna ko na din ngayon ang mga kailangan ko dahil pwede pa naman ako bumili kapag medyo malapit na lumabas ang mga bata dahil 'yun ang hindi ko nagawa noong una akong nag-buntis dahil inuna ko ang lahat para sa mga bata dahil sa hirap ng buhay dati, hindi ko na maiisip 'yun kaya nang lumabas sila ay wala ako ng mga bagay bagay na dapat pala ay binili ko lalo na ni hindi ko pa nga alam ang sex nila ngayon. Ang sabi pa ni Addie ay magpapa-gender reveal party sila para sa akin, hindi ko na tinanggihan pero kailangang malaman muna 'to ni Andrei. 

"So, kailan mo sasabihin kay Andrei?" tanong ni Nica habang kumakain ng donut. 

"Uh-" 

"Oh my god, don't tell me you won't tell him again?!" gulat na putol sa akin ni Lexi.

"Gaga! Sasabihin ko naman e! Humahanap lang ako ng timing, sobrang busy namin e." sabi ko at napailing. 

"Sobrang busy pero nakabu-" 

"Oh, manahimik kana." putol ko kay Evie at sinaksakan s'ya ng tinapay sa bibig. 

"Anyway, paano nag-react 'yung mga anak n'yo? Sabi mo kanina sinabi mo na sa mga bata." tanong ni Tily. 

"Ayun, nagulat pero naexcite din naman sila. Mabuti nga at napapaki-usapan na sila kasi sabi ko huwag munang sabihin sa Daddy nila." sagot ko. 

"Hala, ang dami n'yo nang anak n'ya 'no? Anim, oh my god." hindi makapaniwalang sabi ni Addie. 

"Ikaw ba, Addie, kapag lumabas 'yang baby girl mo.. 'di mo na susundan?" tanong ni Evie. 

"Actually, hindi ko alam." sagot ni Addie. "Baka hindi na rin, kung magkakaroon man 'to ng kapatid baka 'oops' baby nalang s'ya. Kayo? Wala ba kayong balak?" 

"Meron, pero wala pa e." sagot naman ni Evie. "Pero, alam n'yo, simula noong birthday ni Kira, feeling ko pregnant na din ako." 

"Weh? Baka you just feel that way because we're all pregnant ha, are you sure?" paniniguro ni Lexi. 

"I swear! Ayoko palang mag-test kasi baka pregnancy scare lang pala 'to, tulad noong nakaraan." ngumuso si Evie. 

Bago kasi mag-pasko ay akala n'ya, buntis s'ya, sobrang naexcite din kaming lahat para sa kan'ya pagkatapos ay nalaman namin na false positive lang pala 'yun at kaya s'ya nakakaramdam ng symptoms ay dahil sa sobrang pagod at stress. 

Sa huli ay hinayaan nalang namin si Evie na malaman 'yun ng mag-isa s'ya dahil alam kong mahirap din para sa kan'ya ang dumaan sa ganoon. Out of all of us, her and Lexi are the ones who really wants to have a baby and I know how hard it was for Evie to see all of us get pregnant while she's not. 

"Kira, I brought you lunch, the staff said you haven't even gone out of your office since you got here." sabi ni Andrei at inabutan ako ng pagkain. 

Nasa office ako ngayon at naka-titig sa mga papeles na nasa harapan ko habang hinihilot ang sintido ko. Kanina pa ako nahihilo at hindi naman ako masyadong nababahala dahil alam kong sintomas lang 'yun ng pag-bubuntis. 

Nakakainis dahil sobrang selan ko ngayon kumpara noong una dahil noon mabibilang ko lang sa daliri kung ilang beses akong nag-susuka, ngayon halos araw araw tuwing umaga, kaya mahirap din itago kay Andrei tuwing doon ako umuuwi sa bahay n'ya. Mahilo-hin din ako ngayon pero noon naman ay tuwing nase-stress lang ako at sobrang mapili ako sa pagkain ngayon. 

Stars Around My Scars (Dream Series #5)Where stories live. Discover now