Chapter 20

14 3 0
                                    

"Ilang months nalang vacation na and ilang months nalang din second year na tayo 'teh, kailan pa natin mafu-fulfill 'yung whole college experience?" 

Nandito kami ngayon sa kwarto at kasalukuyan akong kinukumbinsi ni Addie na sumama sa kanila sa club. Noong mga unang buwan na first year kami hanggang ngayon ay hindi ko naman masasabing never ako pumunta sa mga ganoon pero madalang lang dahil bukod sa ayokong gumastos ay mas gusto ko pang matulog tuwing wala akong trabaho. 

"Ano ba 'yung check list?" tanong ko habang inaayos ang sandamakmak na libro ko sa bag.

"Okay, wait, search ko." 

Kumunot naman ang noo ko nang seryosohin nga ng gaga 'yung tanong ko. Siraulo talaga. 

"Ace a final?" 

"Check," naki-sakay nalang ako. 

"Attend a college party?" 

"Malamang," bored na sagot ko at umupo sa kama. 

"Magkaroon ng flings?" 

"Hmm, bawal." sagot ko. 

"One-night stand?" 

"Ulol," sabi ko at humiga sa kama. 

"Fine, the point is sumama kana sa amin, please." 

Umupo naman ako sa kama at tinignan s'ya na hinihintay ang sagot ko. Medyo clingy na si Addie ngayon dahil pagkatapos ng first year namin ay itatake n'ya ang combined home and in-campus offer ng school dahil mas nagiging busy s'ya sa modeling career n'ya sa New York. Mag-sasalita na sana ako nang biglang mag-ring ang phone ko. 

"Hello, is this Kira Hill?" tanong ng babaeng parang hindi ko kilala dahil unknown din ang number nang sagutin ko ang tawag. 

"This is she," nagtatakang sagot ko bago tumayo na ipinagtaka din ni Addie. 

"Thank goodness, I'm Genevieve, Milo Forester's older sister." she introduced. "Listen, I know  Stassie's invitation says we're all gathering to her C-section in 15 days... Stassie's in labor!" 

"What?!" gulat na tanong ko. 

"She screwed up, in labor and she wanted me to call her and my brother's relatives and beg them to come to Illustre Medical, asap." she explained. 

Nagtaka naman ako dahil hindi naman nila ako kamag-anak kaya bakit pati ako ay kasama sa pinapa-tawagan n'ya? 

"Uh- I'm not a relative." 

"No, yeah, I know but all of my brother's family including me is still in Chicago and her parents are out of the country, I can't contact her twin and her twin's boyfriend and also her brother's phone is off which led me to take you, her brother's girlfriend as my last resort." halatang kabado at stress n'yang sabi. 

"B-but, where's Milo?" nagtatakang tanong ko. 

"Out of town! Anastasia completely fucked up and she's alone in the hospital but she's still our Stassie so can you come?" she asked, hopeful. 

"Uh- sure, I'll go." sagot ko agad. 

"Okay, thanks, bye." sabi n'ya at inend agad ang call. 

Mabilis kong kinuha ang bag ko at sinubukang tawagan si Andrei habang inaayos ang gamit ko sa bag dahil kalat kalat pero hindi sumasagot. Baka nasa training s'ya dahil tuwing may training sila ay ino-off n'ya ang phone at nakalagay sa locker. 

"What's up?" takang tanong ni Addie. 

"Manganganak na 'yung Ate ni Andrei tapos ako lang inaasahan nilang makakasama sa kan'ya." sabi ko at kinuha ang susi ng kotse ko. 

Stars Around My Scars (Dream Series #5)Where stories live. Discover now