Chapter 38

20 3 0
                                    

TW: death


"As much as you hate your Papa and I.. was there ever a time you felt loved by him?" lumuluhang tanong ni Mama. 

Pinauwi ko na kay Andrei ang mga bata at susunod nalang daw s'ya maya maya. Nakaupo nalang kami dito ni Mama sa waiting area habang inaasikaso ng mga doktor si Papa nang bigla n'ya akong tanungin. 

Napatingin lang ako sa kan'ya at kasabay non ang pagtulo ng luha ko habang nag-iisip... pero walang pumasok sa isip ko. Napayuko naman si Mama nang hindi ako mag-salita at napatango tango habang umiiyak. 

"I'm going now.. titignan ko pa ang Papa mo." paalam n'ya at tumayo. 

"I was 19.." I started which made her stop and look back at me. 

"What?" 

"Malapit na 'yung birthday ko noon tapos wala na akong pera. No one knew that because I know that if I tell them, they're gonna help me to make ends meet and I don't want to burden anyone.." I sniffed. "I snuck in the house that day and took your necklace that you said you're gonna give me when I'm 21, which you never did by the way and went to a pawnshop to sell." 

Naramdaman ko ang pag-tulo ng luha ko habang inaalala 'yun. Walang kahit sino ang nakakaalam nito at hindi ko inaasahan na sa ganito ko pa maiku-kwento 'to. 

"Ni hindi ko nga dapat hawakan 'yun pero ninakaw ko." bahagya akong tumawa. "Pero pagdating ko doon, sa sobrang pagka-guilty ko hindi ko tinuloy at binalik nalang sa bahay, dumiretso ako sa unit noon at una kong nakita sa cellphone ko ang comments sa isang video ko." 

Nag-iba naman ang ekspresyon ni Mama galing sa pagtataka ay awa. Bumalik s'ya sa pagkaka-upo sa tabi ko bago ko pinunasan ang luhang tumutulo sa mata ko. 

"Sabi nila, may chismis daw noon na hindi naman talaga ako 'Hill'.. na anak ako ng katulong n'yo at inampon n'yo ako dahil hindi kayo pwedeng magkaroon ng tunay na anak... para akong pinag-bagsakan ng langit at lupa noon." humikbi ako. "Lumabas ako ng unit at dumiretso sa isang night market na puro ihawan.. nakaupo lang ako sa isang gilid noon, iniisip ko pa na sana may pera ako pambili ng kahit isaw man lang kasi gutom na gutom na ako..." 

Natigilan ako nang hawakan ni Mama ang kamay ko at umiiyak na s'ya. Parang awang awa s'ya sa akin ngayon habang nagku-kwento ako. Hindi ko maintindihan pero naiiyak din akong makita s'ya lumuluha. 

"Inangat ko 'yung tingin ko, tapos nandoon si Papa.." panimula ko ulit. "Akala ko pa noon nagha-hallucinate na ako dahil sa sobrang gutom dahil alam kong kahit kailan ay hindi pupunta doon si Papa.. pero nandoon s'ya noong araw na 'yun. Galit s'ya, sabi n'ya 'Anong ginagawa mo dito at pinagmu-mukha mong kawawa ang sarili mo?', nag-isip ako ng sasabihin pero.. all I can think of is that I'm sad and I'm starving but I know I couldn't tell him that." 

Mas lumala ang pag-hikbi ko habang inaalala si Papa, alam kong kahit kailan ay hindi ko na s'ya makikita ulit. Hindi ko na s'ya makikitang ngumiti, mag-salita, tumawa o kahit pagalitan ako. 

"Wala na akong masabi kaya umiyak nalang ako, yumuko ako at hindi na s'ya tinignan habang mukha akong tangang umiiyak doon... pagkatapos ng halos ilang minuto, nag-hintay ako.. nag-hintay akong sigawan n'ya ako o kaladkarin paalis doon.. pero walang nangyari." naiyak ako lalo. "Nag-lakas loob na akong tumingala at nandoon s'ya, may hawak na isang dosenang isaw, inabot n'ya sa akin 'yun at inaya akong sumama sa kan'ya.. inikot namin 'yung buong night market, binilhan n'ya ako ng kung ano anong street foods habang s'ya ay nakangiting tinitignan lang akong ubusin 'yun... pagkatapos, inuwi na n'ya ako at umalis na s'ya pero kahit kailan ay hindi na namin napag-usapan 'yu-" 

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil sa pag-hikbi ko. Tuloy tuloy lang ang pag-luha ko, sinandal ni Mama ang ulo ko sa balikat n'ya dahilan para mas umiyak ako at hindi na mapigilan ang hikbi. 

Stars Around My Scars (Dream Series #5)Where stories live. Discover now