"Happy 18th Tily!"
Halos two months ago na ang birthday ni Tily pero kasama n'ya ang pamilya n'ya na nag-outing nung time na 'yon at pagbalik n'ya ay sobrang na-busy kami kaya imbes na mag-celebrate ay sabi n'ya tsaka na kapag medyo maluwag na ang sched kaya ayun, lumipas ang anniversary namin ni Andrei, pasko, new year tapos ngayon lang kami nakapag-celebrate.
Kumain lang kami sa condo bago dumiretso sa tattoo shop, nag-matching tattoos naman kami ng maliit na heart sa left side ng waist namin. It didn't hurt me that much since I have quite a high tolerance to pain.
"Jusko, ang sakit pala non." reklamo ni Nica nang makalabas kami.
"True, but I kinda want to get another one." sabi ni Lexi at napaisip.
"Nagugutom na ako," biglang sabi ko.
"Ay, same." sabi ni Tily.
"Bilib din ako sa apetite n'yo mga beh ah, sige tara, libre ni Lexi." natatawang sabi ni Addie.
Kumunot naman ang noo n'ya at gustong mag-protesta. "Why me?! Si Evie naman!"
"Ay, 'teh 'wag mo'ko dinadamay, wala akong pera!" sabi naman ni Evie na ikinatawa namin.
"Joke lang! Sige, I haven't paid anything today pa e." sabi ni Lexi.
Natatawa pa rin ako kay Lexi tuwing sasabihin n'ya iyon dahil para bang lalagnatin s'ya kapag hindi gumastos ng pera. Kanina kasi sa pagkain namin sa condo, kami ni Nica ang nagbayad. Sa tattoos naman ay libre ni Addie, si Evie ang nag-cover ng electric and water bill namin this month kaya 'di na s'ya pinayagan ni Addie maki-bayad.
Dinala kami ni Lexi sa isang sikat na steak house sa Shangrila at mukhang hindi n'ya first time dito. Mukhang kami lang nina Nica at Tily ang unang beses na makakakain dito. Ang sosyal kasi at ito 'yung napapanood ko sa socmed na nag-huhulaan sila ng bill, mahina na nga ang 20k sa mga napapanood ko e.
"Reservations, Ma'am?" tanong ng babae nang makapasok kami.
Bahagya naman akong natawa nang makitang na-star struck pa ata s'ya kay Lexi at mukhang fan n'ya pa dahil nakita kong nakatitig lang talaga s'ya sa kan'ya kanina pa. Bukod sa kan'ya ay napapa-titig din s'ya kay Addie dahil siguro namumukhaan n'ya sa ilang mga magazine.
"Yes, Alexandra Lopez." sagot ni Lexi.
"Uh- this way po," sabi n'ya bago tinuro sa amin ang pupuntahan habang nakatitig pa din sa kan'ya.
"Gago ka, wala akong pambayad dito, Alexandra ha," bulong ko kay Lexi nang makaupo na kami.
"My treat," natatawang sabi n'ya.
"Huy, 'di nga?" tanong ni Addie.
"Yeah, go order I-" nagtaka naman ako nang matigilan si Lexi sa pag-sasalita dahilan para mapatingin din ako sa tinitignan n'ya.
"Uy, pre, nandito din kayo."
Napatingin kaming lahat kay Harry nang mag-salita s'ya, kasama n'ya sila Andrei at Jasper. Nilapitan ako ni Andrei para halikan ang pisngi ko.
"Isn't it obvious? So tanga ha," inis na sabi ni Lexi at nakipag-palit sa akin ng pwesto para medyo malayo s'ya kay Harry.
"Init ng ulo mo ah, ba't 'di ka mag-mukbang." pang-aasar pa ni Harry. "Try mo i-mukbang, bubog."
Pinaningkitan lang s'ya ng mata ni Lexi bago nag-cellphone nalang. Natawa naman siya bago bumati sa amin, katabi lang din pala namin ang table nila kaya ni-request ni Andrei na pag-isahin nalang para magkakasama kami dahil s'ya din pala ang may reservation para sa kanila dito.
YOU ARE READING
Stars Around My Scars (Dream Series #5)
Teen FictionDream Series 5 Kira, the epitome of empathy, hardwork, generosity and sometimes crackiness grew up in the public eye, found herself crying over someone whom she called a 'womanizer'. Which is Andrei a pilot student and an undeniably gorgeous human b...