"Okay, I have a new motto na since first year natin sa college," sabi ni Lexi habang nag-aayos kami papuntang school.
2nd week na namin as freshman sa college at ngayon ang first day ng regular class dahil last week ay puro seminar at introductions lang ang ginawa. Tinignan ko naman si Lexi at nakitang busy sila ni Addie mag-ayos doon sa salamin.
"Every year I'll be prettier and prettier para when we graduate, I'll have more projects."
"Nako, don't be too obsessed with your looks." paalala ni Tily. "I mean, that's good and go do what you want if it makes you happy and more confident, ang akin lang tandaan mo na makakakuha at makakakuha ka ng projects dahil hindi ka lang maganda, talented ka din."
"Aw, Tily, that's so sweet!" sabi ni Lexi.
"True 'yan, kaunti nalang lalanggamin na si Thylane." pang-aasar ko.
Tily made a face and proceeded to gather her books. Sabay sabay na kaming pumunta ng school at imbes na mag-commute ako ay ininsist na ni Lexi na sumabay ako sa kan'ya sa artista van n'ya tuwing pupunta ng school para daw makatipid ako, s'yempre hindi ako tatanggi 'no.
"What if I buy you your own car?" biglang tanong ni Lexi habang nasa byahe kami.
"Ha? Huy, 'wag na, nakakahiya."
"What's nakakahiya about that? Mas safe ka kapag ganoon, ayaw mo ba?" takang tanong n'ya.
"Beh, pera mo 'yon." sabi ko. "Alam ko kung gaano kahirap kumita ng pera kaya hindi ako papayag na sayangin mo lang 'yung perang pinag-trabahohan mo para sa akin 'no."
"Okay, how about this, I'll buy you a car but if it makes you feel better you can pay me back, a quarter of the price I paid but instead of actually paying me, give it to charity or whatever you like." suhestiyon n'ya.
"Sigurado ka?"
"Of course!" mabilis na sagot n'ya.
Sa huli ay pumayag din ako, bukod sa magkakaroon ako ng kotse ay makaka-tulong ako sa ibang mga tao na kailangan noon, iyon nga lang ay baka medyo matagalan ang pag-iipon ko dahil ang mahal pala ng kotseng binili ni Lexi para sa akin.
Weeks passed and all of us have been quite busy and we didn't have that much time to hang out. Andrei and I would just see each other during school hours and because I have my own car already, we don't see each other off campus that much anymore.
"Fuck, taxation." bulong ni Jasper.
Nandito kami sa 1st floor ng cafeteria ngayon at sabay nag-aaral dahil may recit kami mamaya at kinakabahan kami dahil medyo terror ang Prof namin doon. Nakakaloka, kanina pa ako nahihilo dito.
"Nabobobo na ako," sabi ko habang nakatingin sa notes ko.
Inihiga ko naman ang ulo ko sa mesa at tinitigan nalang ang notebook ko. Nakakatamad, ang sakit na ng ulo ko. Lahat nalang masakit sa akin kahit nga 'yung wallet ko e.
"Kira,"
Kumunot ang noo ko at agad tinignan ang lalaki sa gilid ko. Umupo si Andrei sa tabi ko at may dalang tatlong milktea para sa amin.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko bago sinaksak ang straw.
"I haven't seen you in a while, I just missed you." he said which made me smile.
"Dude, what the fuck, someone's trying to study here." iritang sabi ni Jasper na ikinatawa lang ni Andrei.
"He's right, kailangan namin mag-aral ngayon e." sabi ko.
"Aral muna bago landi, 'diba pupunta ka pang Clark?"
Napatingin kaming lahat kay Harry nang dumating s'ya at umupo sa tabi ni Jasper na halatang inis na dahil hindi s'ya maka-focus.
YOU ARE READING
Stars Around My Scars (Dream Series #5)
Teen FictionDream Series 5 Kira, the epitome of empathy, hardwork, generosity and sometimes crackiness grew up in the public eye, found herself crying over someone whom she called a 'womanizer'. Which is Andrei a pilot student and an undeniably gorgeous human b...