Chapter 35

21 4 0
                                    

"You're right, Atty. Hill, you are eight weeks and two days pregnant... with twins." 

'Yun lang ang laman ng utak ko hanggang sa makauwi ako sa bahay ni Andrei at nakita ko silang nagde-decorate sa sala para sa birthday ko bukas. Mag-isa akong pumunta sa ospital dahil hindi pa naman alam ni Andrei at ngayon, wala na akong balak itago pa sila sa kan'ya. 

Hindi ko hahayaan na maranasan ng mga batang nasa tiyan ko ang naranasan nila Rei at Dri. Mabuti nalang din at nalaman ko agad para maalagaan ko sila ng mas maayos, hindi tulad noong una na kung ano ano pang ginawa namin ni Addie sa New York at binabad ko pa ang sarili ko sa trabaho. 

Si Gabbi ay nag-migrate na din sa Italy noong tatlong taon palang sila Rei dahil bukod sa inaya na s'ya magpa-kasal ng Italian boyfriend n'ya at doon manirahan ay nagta-trabaho na din s'ya as an Art Director ng isang fashion brand kaya ang tagal na din naming hindi nag-kikita, sinubukan ko din s'yang tawagan para sabihin ang balita kaso out of coverage area. 

"Andrei, pwede paki-dala dito 'yung mga bata may ibibigay lang ako sa kanila," sabi ko mula sa guest room sa second floor. 

"Okay, they're coming." sagot n'ya. 

Nakaramdam kasi ako ng kaunting hilo kaya pinatawag ko nalang ang mga bata dahil gusto ko nang sabihin sa kanila para makita ang reaksyon nila, baka sakaling pare-pareho sila ng Daddy nila kapag sinabi ko. 

"Baba," sabi ko kay Andrei. "Mga bata lang 'yung kailangan ko, shoo." 

Sumimangot pa s'ya nang iwan ang mga bata, sinigurado kong nakababa na s'ya bago sinara ang pinto at hinarap sa akin ang apat na bata. 

"Mimi," nakangiting lumapit sa akin si Andrix at nagpa-kandong.

Mimi at Dada ang tawag nila ni Andriel sa amin ni Andrei kaya napangiti ako. Huminga ako ng malalim bago inabot sa kanila ang ultrasound picture, si Dri ang kumuha non dahil s'ya ang nasa gitna. 

"Mommy's pregnant... with twins, again." I nervously chuckled. 

Rei and Dri looked at me at the same time before giving me a hug. I chuckled when Andrix and Andriel looked so confused, I made them stand in front of me while their older siblings were busy looking at the picture. 

"What?" Andriel asked in a confused little voice. 

"I have babies in here." turo ko sa tiyan ko. 

I laughed when Andrix gasped and even covered his mouth. Andriel still looked confused but I understood since they're still little. 

"In-eat mo babies?" natawa naman ako sa tanong ni Andrix. 

"No, it's hard to explain now but, you will understand." I smiled. "Okay, pwede ba ako humingi ng favor?" 

"Ano po 'yun, Mommy?" tanong ni Rei. 

"Don't tell Daddy muna ha, shh." 

Nag-tanong pa sila saglit bago ko napapayag dahil mas gusto ko naman na mang-galing sa akin kaysa malaman pa ni Andrei sa kanila, sigurado akong sasama ang loob n'ya. Siguro ay palilipasin ko muna ang birthday ko bago ko sabihin sa kan'ya. 

"Happy birthday, Mommy!" bati ni Dri sa akin. 

Dito nalang kami nag-celebrate sa bahay ni Andrei dahil sinabi kong ayaw kong lumabas at gumawa ng kung ano sa birthday ko. Inimbitahan naman n'ya ang mga kaibigan namin kaya napaka-chaotic ng bahay dahil ang daming bata. Mga buntis pa kaming lahat, mygod. 

"Iya! Makabasag ka, jusko anak." saway ni Tily sa panganay. 

"Hoy, Harry, 'yang anak mo manang mana sa'yo! Tinitignan ko lang tinatawanan na ako!" reklamo ni Evie at kumagat sa shanghai. 

Stars Around My Scars (Dream Series #5)Where stories live. Discover now