Chapter 9

13 3 0
                                    

"What time is it?" tanong ni Lexi. 

Nandito kami ngayon sa classroom on a Sunday morning dahil meron kaming debate na kailangan pag-handaan dahil bukas na 'yung presentation. Sections vs Sections ang debate, basically two or three sections ang magkakampi to defend their side from the other two or three allied sections. In my case, kasama namin ang section nila Tily, Lexi, Nica, Jasper at Caleb. Nakahiga si Lexi ngayon sa table ng armchairs namin na pinag-dikit dikit n'ya habang nagba-browse ako sa research paper na hinand n'ya sa amin.

"Almost 9am." sagot ko. 

"Gusto ko pa matulog," reklamo ni Nica. 

"Tell Addison, I hate her." utos sa akin ni Lexi habang nakapikit. 

"Okay," tumango ako at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

At dahil si Addie nga ang president ng class at si Lexi naman sa section nila, sila ang leaders ng debate na 'to at naisipan ni Addie na mag-start ang studying ng 9:30am on a Sunday. Wala namang nagawa si Lexi dahil absent s'ya nung meeting na 'yon at hindi na nakapag-protesta. 

"Hey, girls." bati ni Addie nang makapasok s'ya. 

"Hi, Addie. Lexi hates you." pamamalita ko. 

"You'll thank me kapag nanalo tayo." ngisi ni Addie bago binaba ang bag sa isang upuan. 

"Wanna bet?" pang-hahamon ni Lexi na halatang antok na antok pa. 

Napailing naman si Addie at kinuha ang copy ng research paper n'ya. Natawa naman ako ng ibagsak ni Nica ang ulo sa table at pumikit. 

"Hi!" energetic na bati ni Tily. 

"Wow, may dala kang coffee!" natuwa naman ako nang makitang may limang tray ng kape s'yang dala pagpasok. 

"Evie, brought donuts." sabi ni Addie at tinuro si Evie na kakapasok lang. 

"And pandesal!" sabi ni Evie at inabot sa amin iyon bago tinawag ni Tily ang iba naming classmates at groupmates. 

 "How the fuck do people function on this time of day?" inaantok na tanong ni Lexi nang makaupo na sa table at kumuha ng kape. 

"By the way, nabasa ko 'yung research paper and dinagdagan ko lang s'ya ng kaunti kasi I don't think there was enough reason na naka-state doon as to why masyadong tinaasan ang taxes dati." sabi naman ni Tily. 

"Well, it was a different time back then." depensa ni Addie. 

"Yeah, pero 'yung needs ng mga tao were the same. I think reasonable naman." singit ko. 

"I don't think there was enough su-" 

"Ding ding ding, no debating until I've had coffee." awat sa amin ni Lexi.

"And a snowman." sabi ni Nica at inabutan s'ya ng snowman shaped donuts.

"And please shut the fuck up, we have a whole day to discuss that." dagdag pa ni Lexi.

"Yeah, whatever, let's start people!" anunsyo ni Addie sa klase. 

Natapos kaming mag-meeting at prepare ng 5pm kaya nagsi-alisan na rin lahat, pinuntahan ko naman ang locker ni Tily sa second floor na anim kaming nakikinabang para kunin 'yung naiwan kong mga libro na kailangan ko para makapag-review. 

"You should decorate this thing," 

Nagulat ako nang may biglang sumandal sa kabilang locker at kinausap ako. Napatingin naman ako sa kan'ya at inismiran lang. 

"It's not mine,"  sabi ko. 

"Then, why are you using it?" tinaasan ako ng kilay ni Andrei. 

"Because it's none of your business." pamimilosopo ko. 

Stars Around My Scars (Dream Series #5)Where stories live. Discover now