"Okay, my loves, what do we say to Mamá when we see her puntod?" tanong ko kay Andrix at Andriel.
Sembreak ngayon nila Rei at Dri kaya naisipan ni Andrei na bisitahin namin ang puntod ni Bettina sa Spain at ang kaisa isa n'yang kapatid na Tita nila bago kami dumiretso sa Louisiana para bisitahin ang mga magulang ni Andrei pati na rin ang pamilya ni Ate Abbie at pagkatapos ay pupunta kaming Chicago para bisitahin naman sila Ate Stassie.
"Hola!" sabay nilang sagot.
"Hola, Mamá! Soy Andrix Benjamin y soy Andriel Benedict!" turo ko sa kanila.
"Okay, that's enough Spanish lessons today, Rei and Dri get in the car, please." sabi ni Andrei at binuhat na ang mga bag namin papasok sa kotse.
"May food sa airplane po?" tanong ni Andriel.
"Yes, pero if ayaw n'yo 'yun, may snacks tayo." ngumiti ako sa kanila bago binalik ang tingin kay Andrei. "Sigurado kabang 5am 'yung flight? Parang hindi kasi 'yun 'yung nakita ko sa tickets e."
2am ba naman n'ya kasi kami pina-gising dahil daw 5am ang flight kaya ngayon wala pa ngang 4:30 ay paalis na kami ng bahay. Inaantok pa tuloy ako, jusko.
"5am-ish." sagot ni Andrei.
"'Yun 'yung nakalagay sa ticket? 'Departure is 5am-ish'?" sarkastiko kong tanong.
"It doesn't matter, we have to get to the airport early either way."
"Okay, babies, hold Mommy's hands." sabi ko at hinawakan ang kamay nilang dalawa bago kami nag-lakad papunta sa kotse. "Feeling ko talaga hindi 5am 'yun e!"
"Let's go,"
"You guys are gonna love Spain!" sabi ko para ma-excite sila.
"Why?" tanong ni Andrix.
"Because that's where your Mamá is from and masarap 'yung food doon tsaka mamamasyal tayo, 'diba!" sagot ko habang sumasakay kami sa kotse. "Okay, 'yung totoo, anong oras ba talaga 'yung flight?"
"Soon," he smirked and buckled his seatbelt.
"Very specific, wow." I sarcastically said.
"You're gonna enjoy Zaragoza and we're gonna eat so many good food." Andrei told the kids, smiling.
"Yes, okay, driver take us to Spain!" sabi ko bago nilingon ang bahay. "Adiós, house!"
"Adiós, house!" sabay sabay ding banggit ng apat at kumaway pa sa bahay.
"Oh, I forgot, let's go to the gas station first." sabi ni Andrei habang nag-mamaneho.
"Love, wala na tayong masyadong time 'diba 5am?" paalala ko.
"Our flight isn't going until 7am," he smiled widely, teasing me.
"Ugh! Sabi ko na e! Hindi na talaga ako maniniwala sa'yo!"
Medyo matagal din ang flight pero mabuti nalang at natulog lang ang mga bata sa majority ng flight kaya hindi ganoon ka-stressful. 15 hours din ang flight papunta ng Madrid at pagdating namin doon ay nag-train na kami for 1 and a half hour papunta sa Zaragoza hanggang sa makarating kami sa restaurant kung saan kami makikipag-kita sa Ate ni Bettina.
"Our order is coming in 20 minutes and Valentina said she's on her way, her car just had some issues a while ago." sabi ni Andrei.
"Daddy, sino po si Valentina?" takang tanong ni Dri.
"She's the Ate of Andrix and Andriel's Mamá." sagot ni Andrei.
Kumunot naman ang noo ko nang maramdaman kong naninigas ang tiyan ko. Hinawakan ko 'yun at huminga ng malalim para pakalmahin sila baby.
YOU ARE READING
Stars Around My Scars (Dream Series #5)
Teen FictionDream Series 5 Kira, the epitome of empathy, hardwork, generosity and sometimes crackiness grew up in the public eye, found herself crying over someone whom she called a 'womanizer'. Which is Andrei a pilot student and an undeniably gorgeous human b...