tw: death
"A-anong ibig mong sabihing Andrix at Andriel? A-at anong dalawang paparating?" nag-tatakang tanong ni Mama.
"They're Rei and Dri's brothers... a-and I'm pregnant again." amin ko.
"But, you weren't pregnant befo-"
"Andrei's the father." I cut her off.
I don't think she needs to know that much information and I don't want those little babies getting dragged by my mother's anger towards me. It's hard enough that she's using Rei and Dri to hurt me so I will not let her drag the other kids' name.
"Hahaha!" sarkastiko namang tumawa si Mama dahilan para kumunot ang noo ko.
"You know something I don't, Ma?" sarkastiko kong tanong dahil sa bigla n'yang pag-tawa.
"How convenient that all your kids are with Andrei! Kaya pala malakas ang loob mo noong pina-kulong mo kami ay dahil sa kan'ya kana kumukuha ng pera!"
"Hindi 'yun 'yung nangyari, wala kang alam sa nangyari, Ma." sabi ko at aalis na sana nang bigla n'yang hilahin ang kamay ko. "Ma, ano ba, nandito ka naman na at kung mag-aaway lang tayo habang nasa binggit ng kamatayan si Papa.. aalis nalang ako! Ikaw naman ang asawa n'ya at sigurado akong ikaw lang ang kailangan n'y-"
"Oo, at ano bang alam mo sa pagiging asawa?!" putol n'ya sa akin.
Mabuti na lang at wala masyadong tao ngayon kaya hindi kami mukhang nag-eeskandalo, kanina pa din kami pinag-titinginan ng ibang pulis at nurse kaya nahihiya na ako. Nakakahiya na imbes na mag-damayan kami ay nag-aaway pa kami.
"You've been married for what? Never! Your Papa and I have been married for 33 years, halos kalahati ng buhay ko, asawa ako ni Stefano Hill! Ako ang nasa tabi n'ya tuwing may mga events, ako ang nagpapa-takbo ng bahay, nag-eentertain ako ng ibang mga trabaho na hindi na n'ya magawa, kapag malungkot s'ya nand'yan ako, kapag masaya s'ya nand'yan din ako! That's what I do! That's who I am and if I can only heal him right now, I will but no, wala akong magagawa! And your Papa might be the cruelest person in your or everyone's eyes but I love him, Kelsey... I could lose him... he's my whole life."
Tears slowly fell down my face when I heard how Mama's voice crack on that last line. I never saw her weak or even cry... this is my first time seeing her cry and even though they did so many bad things, at this point, I knew we are all going through it.
"Mrs. Hill, Atty. Hill.. he wants to talk to you."
Pinunasan ko agad ang luha ko bago sumunod kay Mama na pumasok sa hospital room ni Papa, sumunod din ang mga pulis dahil naka-hospital arrest sila ngayon. Nanlumo ako nang makita ko si Papa na nakahiga doon at sobrang putla na n'ya, dahan dahan n'yang binuksan ang mata nang lumapit si Mama sa kan'ya.
"Stefano, maraming pwedeng mangyari sa ospital na 'to ngayon pero ang pagkamatay mo ngayon ay hindi isa sa mga 'yun." matapang na sabi ni Mama na parang wala lang sa kan'ya 'yun.
"Dona-"
"No, you will not die, naiintindihan mo ba ako? In fact, dapat mauna ako!" putol ni Mama.
"Please, liste-"
"Promise me, Stefano." diretsong sabi ni Mama.
Huminga naman ng malalim si Papa bago ako nilingon na nakatayo lang malapit sa pinto at pinipigilan ang luha. Sunod sunod namang tumulo 'yun nang bigyan n'ya ako ng maliit na ngiti at tumango bago binalik ang tingin kay Mama.
"I promise, Donabelle." ngumiti si Papa.
Umiwas ako ng tingin at nang hindi ko na makayanan ay dire-diretso na akong lumabas ng kwarto at umupo sa waiting area. Doon ko nilabas ang lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan.
YOU ARE READING
Stars Around My Scars (Dream Series #5)
Teen FictionDream Series 5 Kira, the epitome of empathy, hardwork, generosity and sometimes crackiness grew up in the public eye, found herself crying over someone whom she called a 'womanizer'. Which is Andrei a pilot student and an undeniably gorgeous human b...