"Ano?" nagtatakang tanong ko bago s'ya hinarap.
Tumayo rin s'ya at hinarap ako. Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari kaya hindi ko maintindihan 'yung ibig n'yang sabihin.
"I liked you for years now and I'm sorry but maybe you were just a little too dense and didn't notice it." he said.
"What? Teka ha, last time I checked, you have a hundred girls on your dms, you keep a second bathrobe, you flirt with me and as many others. Tapos ako 'yung dense?"
"That's not what I meant," he said, softly.
"So, ano nga?" tanong ko.
"I like you and yes, everything that you said is true but I did that in hopes of erasing whatever I was feeling and I know I shouldn't justify it and I'm not justifying it to be clear, I just thought that maybe you didn't like me back which is completely not your fault bu-"
"You're talking too much," putol ko sa kan'ya.
Natigilan naman s'ya at napaiwas ng tingin. Umiwas din ako ng tingin at nag-isip, jusko, hindi ko nanaman alam paano mag-sisimula ulit. I hate dead airs, feeling ko there's still a lot to be said pero ayaw lang namin and I hate that feeling.
"B-bakit ako?" kinakabahan at nagtatakang tanong ko.
Napatingin naman s'ya sa akin bago huminga ng malalim. His lips formed a small smile before starting to talk.
"This might be the lamest answer in the history of confessions but.. I just know and I can't help it." his smiled widened. "But, when I got to know you even more, I didn't just know.. I became sure."
Napaawang naman ang labi ko at hindi na alam ang sasabihin. Napakurap ako sa gulat at parang nanigas na ako sa kinatatayuan ko. First time may umamin sa akin na gusto n'ya ako at ang malala pa, crush ko pa, mygod paano 'to.
"Kaya if you just give me a chance na.. ligawan ka." he took a deep breath. "I'll never be a James to your Betty."
Bahagya naman akong natawa sa reference n'ya. Napangiti naman ako at pinasok ang kamay ko sa bulsa ko bago huminga ng malalim at tumingin sa kan'ya.
"Andrei, wala akong alam sa ganito... kaya, paano ako makakasiguro?"
"'Cause I'm always here, I'm never leaving." sagot n'ya.
"Well," nagpakawala ako ng mabigat na hinga.
"Unless you damage my shoes then that might be my deal breaker, we're through." he joked and laughed.
Siraulo, tinawanan sariling joke amp. Natawa nalang din ako at tumango, nakita ko naman ang gulat sa mukha n'ya nang tumango ako. Napalitan ang kaninang natatawa sa gulat at parang nag-aalangan pa.
"Is that a yes?" tinuro n'ya pa ang mukha ko.
"Yes," I said, almost a whisper. "Pwede mo na ako ligawan."
Nanlaki naman ang mata n'ya bago nagkaroon ng malaking ngiti sa labi n'ya. He cleared his throat and he looked like he couldn't say a thing. He was about to give me a hug but I gently pushed him.
"Ops, pinag-bigyan na kita." biro ko bago kinuha ang kamay n'ya. "Tara na,"
Nag-drive thru muna kami sa fast food bago n'ya ako hinatid pauwi. Ang dami rin naming napag-usapan habang nasa kotse gaya ng mga discreet enhances namin noon noong hindi pa kami nagkaka-aminan. I'm glad to know na hindi lang pala ako ang may matagal nang gusto dito sa hayop na 'to.
"Girls, omg!" sigaw ko nang makapasok ako sa unit.
"What?" gulat na tanong ni Lexi.
"Tangina mo, bakit?!" inis na tanong ni Evie na mukhang nagising sa sigaw ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/226365351-288-k756987.jpg)
YOU ARE READING
Stars Around My Scars (Dream Series #5)
Teen FictionDream Series 5 Kira, the epitome of empathy, hardwork, generosity and sometimes crackiness grew up in the public eye, found herself crying over someone whom she called a 'womanizer'. Which is Andrei a pilot student and an undeniably gorgeous human b...