Chapter 4

21 3 0
                                    

"Merry Christmas mga bhie!" bati ko sa kanila nang makapasok ako sa classroom.

Christmas party namin ngayon at nang makarating ako ay marami rami na rin kami dito. Hindi pa nag-sisimula 'yung party dahil hindi pa nga naman kasi kami kumpleto.

"Merry Christmas! Sino nabunot mo?" tanong agad sa akin ni Addie.

"Si Jenna." sabi ko, s'ya 'yung tahimik naming kaklase kaya hindi ko alam kung ano ba talaga kukunin ko para sa kan'ya kaya libro nalang pinabili ko. "Ano pala dala n'yo?"

"Spaghetti." sagot ni Tily.

"Paper plates and plastic utensils." sabi naman ni Nica.

"Cordon bleu, ako nag-luto kaya if ever malason kayo, sorry nalang." biro ni Evie.

"Mac n' cheese." sabi ni Addie.

"Softdrinks," sabi ni Lexi at tinuro 'yung isang case na puno ng 1 liter na softdrinks. "You?"

"Rice," sagot ko.

Lumabas naman kami saglit ng classroom para roon mag-daldalan. Medyo maingay kasi sa loob tsaka tumatakas din kami sa utos.

"Nica? 'Nak, 'lika dito." tawag ng adviser namin kay Nica.

Natawa naman s'ya sa amin dahil si Nica lang ang tinawag n'ya pero lahat kami ay pumunta roon.

"Nag-kulang 'yung plastic cups natin, punta kayo sa cafeteria, hingi kayo doon." utos n'ya.

"Ah, sige po. Tara," aya sa amin ni Nica.

Sumunod naman kaming lahat sa kan'ya. As usual, doon pa kami dumaan sa pinaka-malayong hagdan sa classroom namin para madaanan namin 'yung room ng crush nitong mga kaibigan ko. Nakakapagod din maglakad 'no!

"Hoy, Thylane! Bakit mo carry 'yan?!" natatawang tanong ni Lexi kay Tily nang makarating kami sa cafeteria at nakita n'yang hawak hawak ni Tily ang isang 1.5 na Sprite.

"Gaga ka! Ba't mo binaon?" tanong ni Addie.

"Para safe! Baka mamaya pagbalik natin ubos na 'yung drinks!" depensa ni Tily.

"Siraulo," pang-aasar ko.

"Nagtago ng 1.5 amp!" sabi ni Evie at natawa.

Bumalik naman kami agad sa room nang makuha na namin 'yung mga plastic cups at sakto namang kaka-start lang nila. Natuwa naman kami sa games at pa-program nilang lahat dahil  wala din namang KJ, nung nag-exchange gift ay nakatanggap ako ng tatlong malalaking bottles ng pabango galing sa kilalang brand. Nasiyahan naman ako dahil ang bango bango.

"Huy, hala, uuwi kana?" biglang tanong sa akin ni Addie nang makita n'yang kinuha ko na 'yung mga gamit ko.

"Oo, nandito na sundo ko e." sabi ko.

"Ay, wait lang! May papakilala muna ako sa'yo!" sabi n'ya at lumabas ng room.

Nagtaka naman ako pero umupo nalang din para hintayin s'ya. May ipapakilala lang naman e.

"Uy, pre!"

"Ano ginagawa mo dito? Wala ba kayong Christmas party?!"

"Corny mo, bugok!"

Kumunot ang noo ko nang marinig na may inaasar 'yung iba naming lalaki ng kaklase. Tinignan ko iyon at nakita ang isang matangkad na lalaki, hindi maputi pero hindi rin moreno at nakahati ang buhok sa gitna. Gwapo ah.

"Kira,'lika!" tawag sa akin ni Addie.

"Bakit?"

"Si Harry, best friend ko." pag-papakilala n'ya sa lalaking dumating kanina. "Hoy, ang bastos! Nag-papakilala 'diba!"

Stars Around My Scars (Dream Series #5)Where stories live. Discover now