Two months passed at halos naging busy na rin ako sa acads. Hirap pa rin ako sa ibang subjects pero okay lang since may mga taong mas nahihirapan pa. Madalas na rin akong umiiwas kina Mama tuwing may pupuntahan silang event lalo na kung naiinvolve roon ang pagtulong kuno nila.
"Hoy, Kira, napanood ko Papa mo sa news last night." pagbabalita sa akin ni Lexi habang kumakain kami ng pinabili n'yang ramen sa driver nila dito sa labas ng room, nakaupo kami sa sahig.
"Talaga? Ano meron?" tanong ni Evie. Chismosa talaga.
"I didn't pay attention to it that much e pero parang pinapakita there 'yung charitable work ng Papa n'ya this month and interviews ng mga normal citizens about it, 'yung iba sinasabi he's good daw talaga 'cause lagi s'yang tumutulong but 'yung others sabi he's pakitang talaga lang daw."
"Ano masasabi mo, Kira?" tanong naman ni Nica sa akin.
"Sis, ano 'to? Interview?" pang-aasar ko.
"Kira, serious na, 'di kaba naiinis na sinasabi nila na pakitang tao 'yung Papa mo?" tanong ni Addie.
Hindi kasi totoo naman. Gusto kong sabihin iyon pero tinikom ko nalang ang bibig ko.
"Alam n'yo feeling ko hindi pakitang tao 'yun kasi ang bait kaya ni Kira, malamang nag-mana s'ya sa kanila." sabi naman ni Tily.
Ay, jusko, ikumpara n'yo na ako sa lahat 'wag lang sa magulang ko.
"Shh, tama na 'yan. Huwag kayo masyado naniniwala sa nakikita n'yo at mabait ako dahil ayokong gumaya sa mga taong nakalakihan kong nakikitang nandaraya."
Alam kong hindi ko diretsong sinabi ang totoo pero nahalata ko namang nagets nila dahil iniba agad ni Addie 'yung topic at lahat sila ay naiba ang itsura nang sabihin ko iyon.
A week passed at halos kaunti nalang ang mga ginagawa ko dahil last week halos lahat ng deadlines ng mga bagay bagay. Bored na bored ako buong maghapon sa klase dahil wala naman masyadong exciting na nangyayari except noong PE time dahil pinapunta kami sa gym.
Naka-stand by lang kami ngayon habang 'yung boys pa muna 'yung pinapagawa ng activity dahil mamaya pa 'yung girls. Relay ng kung ano ano 'yung pinapagawa gaya ng calamansi, bola at marami pa.
"Ang init," reklamo ko.
"'Te, tikman mo ang sarap." sabi ni Addie sa akin at inabutan ako ng pastry.
Kinuha ko naman iyon at kinain pero habang ngumunguya ako ay nakita ko s'yang natawa kaya nagtaka ako.
"Ba't ka tumatawa?" kunot-noong tanong ko.
"Alam mo ba kung saan 'yan galing?" natatawang tanong n'ya.
Kumunot naman lalo 'yung noo ko at niluwa iyon sa kamay ko habang nakatingin ng masama sa tumatawa n'yang mukha.
"Charot lang, malinis 'yan!" bawi n'ya.
"Pakyu," sabi ko at binato sa kan'ya 'yung nasa kamay ko.
Buong PE time tuloy akong bwisit kay Addie, nag-sayang ng pagkain amp. But, in all fairness, na-enjoy ko naman 'yung PE 'buti nalang din ay last subject naming 'to kasi wala akong balak magpatuyo ng pawis sa room 'no, gusto ko maligo!
"Happy birthday, Kira." bati sa akin ni Mama at Papa nang makababa ako para kumain ng almusal bago pumasok.
"Thank you," tipid akong ngumiti at umupo na sa pwesto ko.
Kumuha naman na ako ng pagkain ko at nagulat ako nang bigla akong tapikin ng isa sa kasambahay namin at inabutan ako ng plato na may nakalagay na rainbow pancakes at whip cream sa taas. Napangiti naman ako at nilapag iyon sa tabi ng plato ko.
YOU ARE READING
Stars Around My Scars (Dream Series #5)
Teen FictionDream Series 5 Kira, the epitome of empathy, hardwork, generosity and sometimes crackiness grew up in the public eye, found herself crying over someone whom she called a 'womanizer'. Which is Andrei a pilot student and an undeniably gorgeous human b...