Chapter 14

17 3 0
                                    

"Your new Team Captain, Addison Aldridge." anunsyo ni Ate Lara. 

Nagpalakpakan naman lahat ng teammates namin kaya pumalakpak na rin ako. Masaya ako para kay Addie pero kahit papaano ay may pang-hihinayang at sakit sa akin. I could've been that, I should've tried harder. 

Bukod naman sa dagdag na allowance ay may iba naman akong dahilan kaya ko inasam na maging captain. I wanted to be something. Pero wala naman na akong magagawa, she deserves it. 

"Congrats, omg! Let's celebrate!" bati ni Lexi kay Addie. "My treat!"

"Talaga?" nakangiting tanong ni Addie. 

"Of course! Anything, on me!" masayang sabi ni Lexi. "Tara?" 

"Ay, pass ako, may group meeting kami e. Sunod nalang ako sa inyo, saan ba?" tanong ni Tily. 

"Sa unit nalang tayo," sabi ni Addie. 

"Okay, tara!" sabi naman ni Evie. 

"Hi mga beh, sorry late, ano meron?" tanong ni Nica na kadarating lang. 

"Shuta ka! Mag-cecelebrate tayo," sabi ni Evie. 

Kinuwento naman nila ang nangyari kay Nica bago akmang maglalakad palabas ng gym pero natigilan nang mapansin nilang hindi ako sumabay sa kanila. 

"Mauna na kayo, may shift pa ako." sabi ko at tipid na ngumiti. 

"Huh? Friday ngayon, 'diba? Day off mo?" nagtatakang tanong ni Addie. 

"May i-tututor ako e." sabi ko.

"Ah sige, bilisan mo ah!" nakangiting sabi n'ya bago sila nagpaalam.  

Malungkot naman akong ngumiti bago umupo sa bench doon at nilabas ang phone ko. Nag-scroll nalang ako sa socmed. Hindi naman talaga totoong may i-tututor ako, ayoko lang muna sumama sa kanila dahil ayokong maramdaman ni Addie na parang hindi ako masaya para sa kan'ya, kailangan ko lang muna pagaanin loob ko. 

"You seem sad," 

"What the fuck!" gulat na sabi ko nang biglang may mag-salita sa tabi ko. "Pwede bang 'wag kang bigla biglang lumilitaw?" 

Sinamaan ko naman s'ya ng tingin nang matawa s'ya. Nakakainis, aatakihin ako sa puso sa kan'ya e. 

"Tell me, ano nangyari?" he asked, softly. 

"Nothing, I.. uh, ayoko na pag-usapan." huminga ako ng malalim. 

Ngumiti naman s'ya at may inabot sa akin na tinapat n'ya sa mukha ko na halos magkipag-halikan na ako sa lapit nung binigay n'ya.

"Pop tarts," natawa naman ako nang marealize ko ang inabot n'ya. 

"You looked sad so I thought that'll cheer you up." nakangiting sabi n'ya. 

"Thank you," sabi ko at binuksan 'yon. 

Saglit lang kaming nag-usap doon dahil may training pa s'ya sa basketball. Umalis naman na ako doon at dumiretso sa diner para doon nalang muna tumambay. Hindi pa umiinit ang pwet ko sa inuupuan ko nang biglang may tumawag sa akin. 

"Oh, Kira, ba't ka nandito?" tanong ni Harry at umupo sa upuan na katapat ng akin. 

"Bawal?" tinaasan ko s'ya ng kilay. 

"Bawal din magtanong? Tangina mo, kumain kana ba mukha kang pinag-bagsakan ng langit at lupa ah," sabi n'ya. 

"Matumal lang sa chismis, nawawalan ako energy." biro ko. 

"Siraulo," tawa n'ya. "Libre kita, kain tayo. Lungkot mo e." 

Nagulat naman ako nang marinig ang mga 'yon sa bibig ni Harry. Seryoso ba 'to? May lagnat ata si gago at biglang naging galante. 

Stars Around My Scars (Dream Series #5)Where stories live. Discover now