Chapter 34

16 4 0
                                    

"Happy New Year!!" 

Nandito lang kami sa labas ng bahay ni Andrei at nanonood ng fireworks. Nakatakip ng tenga ngayon si Andrix at nakatago sa leeg ko habang buhat ko s'ya dahil natatakot pala s'ya sa tunog. Nanood muna kami saglit bago bumalik sa bahay at kumain, nakatulog din kanina ang mga bata kaya ginising namin, isang oras bago ang bagong taon. 

Nag-simula naman akong mag-linis dahil wala ang mga helpers n'ya dito sa bahay at kami kami lang talaga. S'ya naman ang nag-alaga sa mga bata dahil inaantok na ulit sila dahil mag-aalas dos na rin. 

"Matulog kana rin kaya?" tanong ko nang bumaba s'ya ng hagdan habang nag-aayos nalang ako ng mga natirang pagkain. 

"Later, I'll help you first." he said and walked towards me. 

"Huwag na, ikaw na nagpa-tulog sa mga bata." sabi ko. 

"It's fine, I'm practicing for future purposes." he chuckled while covering the food with a cling wrap. 

Nanlaki agad ang mata ko at agad na napatingin sa kan'ya. He hid his smile before continuing to do the wrapping. Anong future purposes? Siraulo 'to ah! 

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko. "You want more kids?" 

"With you," he teased. 

"Hoy, pakasalan mo muna kaya ako!" 

I stopped when his smile got wider. It was suppose to sound like a joke, like I was teasing him but he didn't take it as that. I just shook my head before sitting on the chair and ignored him while finishing cleaning up. 

Binuksan ko naman ang ref at pinasok ang mga pagkain doon nang makita ang bote ng red wine. Kinuha ko naman 'yun at pinakita kay Andrei, tumango naman s'ya kaya kumuha na ako ng dalawang baso bago lumapit sa kan'ya. 

"So, why did you feel like drinking right now?" tanong n'ya. 

"Wala lang, it was there and I liked it." I chuckled. 

Sobrang naging busy kasi ako nitong mga nakaraan lalo na dahil nag-franchise ako ng isa sa mga clubs n'ya at full time pa rin akong nagta-trabaho sa kumpanya n'ya. Every holidays ay dito kami sa bahay n'ya naku-kumpleto at tuwing Thursday hanggang Saturday naman nagsa-stay sila Rei at Dri sa kan'ya. 

"Oh, bakit nga pala gusto mo pa sundan 'yung mga anak mo?" tanong ko. 

"I was kidding," he laughed. 

Napailing naman ako at iniba ang topic. Halos tatlong oras din kaming nag-usap at naubos na rin namin ang bote ng wine pero hindi naman kami nalasing dahil wala naman talaga kaming balak. 

"You don't want more kids?" biglang tanong n'ya sa akin. 

"No," I chuckled. "But, if you change my mind, I might consider." 

"Woah, there." he laughed. 

"Joke lang, sa totoo lang, 'di ko naman alam e." sabi ko. "Mahirap kasi mag-buntis, manganak at lalo na ang mag-alaga ng bata." 

"How hard was it?" he asked, being serious now. 

"Sobra.. lalo na kasi mag-isa lang ako." sagot ko. "Akala ko noon, kaya ko mag-isa. Sabi ko pa, sanay ako mag-isa. Pero, iba pala talaga kapag magulang kana." 

He just looked at me, listening carefully. I wasn't planning on ranting but I feel like I just have so much to say and my lips just keeps on blurting out the words I kept in me for the past eight years. 

"I've been the happiest since I've had the twins, pero nadapa din ako sa lowest point ko. Naranasan ko ang may makasama at maramdaman na mag-isa lang ako, at the same time. I've never been so sure of who I was, I believed in myself but doubted and questioned my strength. I've never loved so hard but also felt vulnerable." I started tearing up. "Sobrang excited ako na makita silang lumaki while simultaneously wishing they stay this little." 

Stars Around My Scars (Dream Series #5)Where stories live. Discover now