Chapter 8

11 3 0
                                    

"Where are you going sa vacation?" 

Bukas na ang last day ng 2nd year namin at nandito nalang kami sa tapat ng classroom since wala naman na kaming kailangan gawin nang tanungin kami ni Lexi. 

"'Di ko pa alam e, kayo?" tanong ko. 

"Wala, nakakatamad mag-isip." sabi naman ni Addie. 

Saglit pa kaming nag-usap bago dumating 'yung susunod naming tchr. Matagal tagal ko na ring hindi na ulit nakita si lalaking maganda 'yung matang muntik na ako masagasaan. Hindi naman sa hinahanap ko s'ya pero nakakapagtaka lang. 

After ng last day of class namin naisipan naming tumambay muna sa bahay nina Addie, wala naman kasi kaming ibang naiisip na puntahan kaya inaya nalang n'ya kami sa kanila. 

"I'm gonna kill Jasper before I die!" exaggerated na sabi ni Lexi. 

Nandito kami sa kwarto ni Addie at kinuwento ni Nica ang tungkol sa nangyari sa kanila noong nakaraan. 

"Ah, kill agad? Nakakaloka ka," sabi naman ni Addie habang kumakain ng apple. 

"Bakit? Ikaw hindi ka galit?" tanong naman ni Evie sa kan'ya. 

"Right, tignan mo nga 'yung ginawa n'ya sa kaibigan natin! He made her paasa!" sabi pa ni Lexi. "Kira, 'diba, he made her pafall! You know what that feels like!" 

"Oo naman, alam ko 'yang nararamdaman mo! Alam mo 'yung paglakad mo papunta sa ref, excited ka kasi alam mong may ice cream doon tapos pagbukas mo ng ref, yes! Nand'yan 'yung tub ng ice cream, pagbukas mo, anong laman? Isda. Salmon! 'Yun 'yung paasa." sabi ko naman bago tumingin kay Addie. 

"Ano? Sigurado ako alam mo nararamdaman ko!" sabi ko sa kan'ya na ikinatakip nalang n'ya ng mukha at tumawa.  

"Bitch, sino bang hindi nakaranas non?" tanong naman ni Addie. 

Natahimik naman kaming lahat nang biglang magsalita si Lexi na kanina pa mukhang nagtataka. 

"What? Hindi ko kayo gets, the fuck." 

Natawa nalang kami at pinagpatuloy ang usapan. Hindi na rin kami nagtataka tuwing ganoon ang mga reaksyon ni Lexi sa mga bagay bagay. Naexcite naman akong umuwi, for the first time, in a while dahil maibabalita ko sa kanila na may award ako at maipakita ko ang report card ko. 

"Mama, ma-" 

"Kelsey, how many times do I have to tell you? Do not leave your bag on the floor." putol niya sa sasabihin ko dahilan para mapawi ang ngiti ko. 

"Uh- Mama, report card ko." sabi ko at inabot sa kan'ya. 

Napatingin naman ako sa baba nang sumama ang tingin n'ya sa akin at pabatong binalik sa akin iyon. 

"Seriously? Wala ka na ngang ginagawa dito sa bahay, 'yan pa grades mo! Jeez, where the heck did I go wrong?" sabi n'ya bago lumabas ng bahay. 

Umakyat nalang ako sa kwarto at hindi nalang nagpa-apekto. I don't get it, what more does she want? My lowest grade was 95 and that was Math, majority of my subjects had 98s. 

The next morning, they woke me up to go to a political colleague's wedding but I refused, my head hurts from crying last night.

"No, bumangon ka at sasama ka. Iniwan ko na 'yung damit mo sa banyo, hindi ako aalis dito hangga't 'di ka nakaayos." sabi naman ni Mama. 

Hindi na kami pumunta sa simbahan dahil according sa mga magulang ko, cause of delay ako. Pagdating namin sa reception, nandoon na ang ibang mga bisita at hinihintay ang newly weds. Ilang minutong pakikipag-kilala sa mga matatatandang 'di ko naman kilala bago nagbigay ng go signal na pwede na kumain. 

Stars Around My Scars (Dream Series #5)Where stories live. Discover now