Chapter 27

17 3 0
                                    

"Ano? When are you going to tell this to Andrei?" tanong ni Lexi. 

Nandito ako ngayon sa bahay nila Lexi at Harry ngayon dahil ayoko pa munang bumalik sa unit dahil alam ko kung hahanapin ako nila Mama ay 'yun ang pupuntahan nila. Kahit nakakahiya ay pumayag nalang din ako since idea din naman ni Lexi ito. 

"Bukas," huminga ako ng malalim. 

"Promise?" she raised a brow. 

"Hm," tumango ako. 

Ngumiti naman s'ya at iniwan ang gatas sa side table bago ako iniwan doon. Dalawang araw na simula nang makaalis ako kina Mama at dalawang araw ko na ring hindi kinakausap o nakikita si Andrei. In-off ko na din muna ang phone ko dahil alam kong tatawagan n'ya ako, nakiusap na rin ako sa mga kaibigan ko na huwag muna sasabihin sa kan'ya. 

Naalala kong may check-up nga pala ako bukas kaya naisipan kong i-on na ang phone ko at itext si Andrei na mag-kita kami sa hospital. Hindi ko na hinintay ang reply n'ya at hindi na rin binasa ang mga naunang text n'ya sa akin dahil in-off ko na ulit ang phone. 

"The babies are healthy and safe, 'yun nga lang mababa sila so I suggest you avoid stress and doing physical activity." sabi ni Dra nang matapos ang anomaly scan. 

"Uh- pwede po matanong kung kailan ako due?" 

"Of course, your due date is on June so you still have five months." ngumiti s'ya. 

Nag-bigay pa s'ya ng ilang reminders sa akin bago ako umalis. Nang makalabas ako ay umupo nalang ako sa waiting area sa lobby dahil sinabi ko kay Andrei na doon nalang kami mag-kita. Mabuting dito ko nalang sabihin dahil baka isipin n'ya pa na pina-prank ko s'ya. 

Imbes na maging masaya ay nangingibabaw ang takot at kaba sa akin dahil hindi ko naman alam kung magugustuhan n'ya ba ito, pangalawa hindi ko alam kung makakaya ko bang tanggapin kung sakaling ayaw n'ya sa kanila. 

Nagulat ako nang biglang magkaroon ng notification ang phone ko at makitang DM iyon sa IG. Noong una ay akala ko si Andrei kaya nagtaka ako kung bakit sa IG s'ya nag-chat pero laking gulat ko nang makita ang message na iyon... galing kay Olivia. 

Halos mabagsak ko ang cellphone nang makita kong... magka-halikan sila. 

Si Olivia ang may hawak ng camera sa picture habang magka-dikit ang labi nila. Na-realize ko nalang din na sa club iyon dahil nasa isang couch sila at may alak sa lamesa habang may iba't ibang kulay ng ilaw. 

Unti-unti kong naramdaman ang panginginig ng katawan ko. Dahan dahang tumulo ang luha ko na hindi ko na mapigilan. Pinatay ko ang cellphone ko bago tinakpan ang bibig gamit ang isang kamay habang ang isa ay pilit na pinupunasan ang luhang walang tigil sa pag-tulo. 

"Kira, love, why are you crying?" 

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Andrei. Inangat ko ang mukha ko bago s'ya binigyan ng matalas na tingin at padabog na tumayo at akmang aalis na pero hinawakan n'ya ang palapulsuhan ko dahilan para mapaharap ako ulit sa kan'ya. 

"Bitiwan mo'ko," madiing sabi ko bago hinatak ang kamay ko paalis, ayokong gumawa ng eksena rito. 

"Kira, what's happening? Make me understand-" 

"What's happening? Hindi mo alam kung anong nangyayari?" sarkastiko kong tanong habang pinipigilan ang luha. 

"Lov-" 

"Ayan, isaksak mo sa baga mo!" tahimik kong pag-sigaw bago tinulak sa dibdib n'ya ang cellphone kong nakabukas sa DM ni Olivia dahil wala akong planong mag-eskandalo.

Nanlaki ang mata n'ya at sobrang daming emosyon ang nakita ko sa mga mata n'ya. At this point, wala na akong balak sabihin pa sa kan'ya ang tungkol sa mga bata o kahit ituloy ang relasyon sa kan'ya dahil hindi ako martyr na makiki-sama sa isang gagong manloloko. Kung ang iba ay kaya ang mag-patawad at mag-bigay ng pangalawang pagkakataon, ako hindi. 

Stars Around My Scars (Dream Series #5)Where stories live. Discover now