Chapter 22

18 3 0
                                    

"Gago ka, ba't ka absent kahapon? Dami mong na-miss na recit, sayang score!" sabi ko agad kay Jasper. 

Malapit na mag-start ang first class namin at ang siraulong 'to, umabsent kahapon kung kailan halos lahat ng Prof ay recit ang pinapagawa. Halos mahimatay na nga ako sa kaba tuwing hihila sila ng index card e. 

Isang linggo na rin simula nang makauwi kami ni Andrei galing Cebu at nakakatawa dahil masyadong natuwa sila Tily sa lechon na inuwi ko, ginawan pa ng iba't ibang dishes ni Evie para daw sulit.

"I had a shoot out of town," he chuckled. "Bitter ka lang siguro kasi 'di ako kasama sa pag-hihirap n'yo kahapon." 

"Ulol, doon ka nga! Ba't kaba nandito?" tanong ko nang umupo s'ya sa upuan na malapit sa akin. 

"Paturo ako, taxation, dali na." sabi n'ya at nilabas ang libro. "May assessment sa Friday, 'diba?" 

"Isang libo," sabi ko bago nilahad ng pabiro ang palad ko. 

"What the fuck? Ni hindi nga tayo aabot ng isang oras," tanggi n'ya. 

"Fine, 200 pero ililibre mo'ko ng lunch." 

Sumimangot naman s'ya pero sa huli ay pumayag din. Pagkatapos ng first class namin ay hindi na kami mag-kaklase sa following morning classes kaya nag-kita nalang kami ng bandang lunch dahil ililibre n'ya ako. 

"You really abused your 'libre' power, huh." natatawang sabi n'ya habang kumakain kami. 

"S'yempre, libre na nga lang 'di ko pa ba susulitin?" tawa ko. "By the way, susunod daw dito si Andrei at Nica. May ibibigay daw kasi sa akin si Andrei tapos si Nica, kailangan ka daw makausap." 

"About what?" tanong n'ya. 

"Ewan," 

Natahimik naman kami saglit dahil nag-simula nang kumain bago ako nagtanong tungkol sa shoot n'ya kahapon bago dumating sila Nica. 

"Hi, Kira," bati sa akin ni Nica. "Uh- can we talk outside?" tanong n'ya kay Jasper. 

Tumango naman s'ya at lumabas sila ng cafeteria. Ngumiti ako nang makitang papalapit na dito si Andrei. 

"Ho-"

"Andrei! Aren't you gonna have lunch with me? 'Diba I asked you to help me sa Gen Math?" naputol ang sasabihin sa akin ni Andrei nang may babaeng lumapit sa kan'ya. 

Kumunot ang noo ko nang mag-simulang maging touchy 'yung babae sa kan'ya which clearly made him uncomfortable. She didn't even notice my presence and when she did, she just looked at me with judging eyes before glancing at Andrei again. What the hell is wrong with this woman? 'Di ko naman s'ya inaano. 

"You can ask somebody else, I'm having lunch with my girlfriend." tanggi ni Andrei at inalis ang kamay nung babae sa kan'ya at umupo sa tabi ko. 

"Girlf- oh," she stopped when she realized it was me, she gave me disgusted eyes before leaving which actually seemed funny to me. 

"Weird, ano problema non?" natatawang tanong ko kay Andrei. 

"I don't know, she's been acting really weird since last month." he shrugged and sipped on his coffee.

"Baka may gusto sa'yo?" tanong ko dahilan para mag-make face s'ya. "Nag-tatanong lang, ito naman, sino ba s'ya?" 

"Olivia Perez, new blockmate, kinick out sa dati n'yang school."

"Bakit?" takang tanong ko. 

"I don't know," 

We were never the jealous type of person so when the girl came around, I wasn't jealous but rather I was weirded out because as days pass, she would obviously show that she likes Andrei in front of me. It was weird because why in the hell would you do that in front of someone's girlfriend? 

Stars Around My Scars (Dream Series #5)Where stories live. Discover now