"Kira, closing na tayo."
Sinasara na namin ang mga bagay bagay at nililinis ang mga dapat linisin para makauwi na kami. Hindi kasi 24-hr ang fastfood na pinagtatrabahohan ko at lagi kong nirerequest na night/closing shift ako dahil may pasok ako sa umaga.
6pm to 2am ang shift ko at matutulog lang ako saglit bago gumising ng 6am dahil may klase ako ng 8am.
"Bye, guys!" sabi ko bago lumabas.
Nang makauwi ako ay naka-off na lahat ng ilaw maliban sa kwarto nila Nica at Lexi. Kumatok naman ako at nang walang sumagot ay binuksan ko para lang makita si Lexi na mukhang multo sa face mask at cucumber n'ya sa mata habang si Nica naman ay nasa lapag, kalat kalat ang mga libro at parang nakikipag-bardagulan pa sa calculator n'ya.
"Oh, nand'yan kana pala, may food sa ref." sabi n'ya habang nag-pipindot sa calcu.
"Hindi, okay lang, anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko.
"Kailangan ko tapusin 'to, tambak na ako sa gawain beh." sabi n'ya.
"Uh- okay, good mornight." sabi ko bago lumabas ng kwarto nila at umupo sa couch.
Dito nalang ako madalas nakaka-tulog sa couch dahil paminsan ay tinatamad na ako maglakad papasok sa kwarto namin ni Addie at pakiramdam ko ay sayang din ang ilang minutong tinulog ko nalang sana.
"That's it for today, continue your essays and see you next week." paalam ng tchr namin bago kami dinismiss.
Nang palabas ako ng classroom ay naramdaman kong nagkaroon ng notification ang phone ko mula sa bulsa ko. Nakita ko naman na nag-yaya si Lexi mag-road trip papuntang Tagaytay ngayon tutal tapos naman na daw ang exam week.
"Lakasan mo 'yung tugtog mas maingay pa si Addie kaysa d'yan!" biro ni Evie at nilakasan naman ni Lexi.
Nag-stop over naman kami sa gilid ng high way na may magandang view ng Taal volcano, gabi na rin kaya medyo malamig.
"Tangina n'yo, sana pinag-dala n'yo ko ng jacket 'diba!" sabi ni Nica bago niyakap ang sarili.
"Sino ba kasi nag-sabi sa'yo na mag-tank top ka at cardigan sa Tagaytay?! Siraulong 'to!" sabi ko na inirapan lang n'ya.
"Girls, picture!" aya ni Lexi at as expected, sandamakmak na picture ang kinuha n'ya lalo na mga candid pics kaya nang buksan ko tuloy ang gc namin ay halos matabunan na lahat ng chats.
"Hindi pa ba tayo aalis? Someone's getting cold out here!" iritang sabi sa amin ni Nica.
"Ay, angas magalit ni Veronica, napapa-english!" tawa ko.
"Talaga ba, Kelsey?! Itulak kaya kita d'yan!" sabi n'ya at tinuro pa ang view namin.
"Let's stay here for a minute," sabi naman ni Addie.
"Sa'yo nalang jacket ko." sabi ni Tily at inabot kay Nica ang jacket n'ya.
"E paano ka?"
"Makapal naman suot ko e, keri lang." sabi n'ya at ngumiti.
Umupo naman ako sa parang wall sa gilid ng highway at nilabas ang phone ko para i-video ang view at ang mga kaibigan ko bago i-post sa story ko. Napakunot naman ang noo ko nang may makitang notification agad.
andreiii sent you a message.
Tinignan ko naman 'yon at napailing sa message n'ya. Feeling close, ampota.
andreiii: bring me there for my bday
kelseyhill: ulol
andreiii: mean
YOU ARE READING
Stars Around My Scars (Dream Series #5)
Novela JuvenilDream Series 5 Kira, the epitome of empathy, hardwork, generosity and sometimes crackiness grew up in the public eye, found herself crying over someone whom she called a 'womanizer'. Which is Andrei a pilot student and an undeniably gorgeous human b...