"Ma'am, gising na po. First day ho ng klase n'yo."
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang makarinig ako ng hindi pamilyar na boses at nang umupo ako sa kama, nakakita ako ng babaeng parang bago naming kasama rito sa bahay dahil ngayon ko lang s'ya nakita at tinawag n'ya akong 'ma'am'.
"Hello po, bago ka po dito?" tanong ko.
Humarap s'ya sa akin at mukhang nagulat pa na kinausap ko s'ya. Kumunot ang noo ko dahil nagtataka ako kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon n'ya.
"Opo, Ma'am." tumango s'ya. "Maligo na raw po kayo, hinihintay na po kayo ng Daddy at Mommy n'yo sa baba."
"Okay, pero Kira nalang at huwag na rin po kayo mag 'po' at 'opo' sa akin." bahagya akong tumawa.
"Ah, okay, Ma- Kira." sabi n'ya.
First day ngayon ng high school ko at pumayag na sila Papa na ipasok ako sa normal na school. Magmula kasi noong nagsimula akong mag-aral, home schooled na ako, ang sabi nila kailangan daw akong i-homeschool dahil nasa politika si Papa at maraming kaaway kaya kailangan akong protektahan. Pero hindi naman ako ipinanganak kahapon para hindi malaman ang mga anumalyang kinakasangkutan nila Papa at Mama.
"Kira, darling, halika let's have breakfast." bati sa akin ni Mama nang makababa ako sa hagdan.
Pilit nalang akong ngumiti at umupo sa tabi n'ya. Kilala si Papa bilang Governor dahil matagal ding iyon ang posisyon n'ya pero ngayon ay Senator na s'ya at alam kong kilala s'ya bilang kurakot pero laging nakakatakas sa mga kaso o reklamo na sinasampa sa kan'ya dahil sa mga koneksyon n'ya.
Alam kong masyado pa akong bata para isipin ang mga ito pero simula nang malaman ko iyon ay naramdaman ko na agad na totoo ang mga iyon at hindi lang paninira dahil madalas akong nakakarinig ng mga usapan nila ng mga abogado rito sa bahay at mga phone calls din nila.
"Allowance mo, Kira." sabi ni Papa at inabutan ako ng 300 pesos. "Kung kulang 'yan pwede ko naman dagdagan 'yung ibibigay ko sa'yo bukas."
Kumunot ang noo ko at dali daling umiling na ikinataka nila. Mas lalo naman akong nagtaka dahil sa reaksyon nila.
"Ayaw mo, anak?" takang tanong ni Mama.
"Ayoko, Ma." sagot ko.
"Bakit?"
Dahil hindi n'yo naman 'yan pera pero tayo 'yung nakikinabang. Gusto ko sanang sabihin iyon pero hindi ko magawa dahil umaasa pa rin naman ako sa kanila kaya nag-isip nalang ako ng ibang isasagot.
"Uh- hindi ko naman kailangan ng gan'yan kalaking allowance lalo na may baon naman na ako, hatid sundo na rin ako ng driver ni Papa tsaka parang hindi naman po dapat gan'yan kalaki 'yung allowance ng kaedad ko, 1st year lang po ako."
"Pero, we have more than enough money to give you how much you want." sabi ni Mama.
"Oo nga and besides first time mong makihalubilo sa kapwa mo estudyante, hindi natin alam kung magaling kang makipag-socialize pero kung marami kang pera, hindi mo kailangan lumapit sa kanila dahil sila ang lalapit sa'yo." sabi naman ni Papa.
Huminga ako ng malalim at tinanggihan pa rin iyon. Naunang umalis sina Papa at Mama dahil may flight sila papuntang Cebu ngayon para tumulong sa mga nasalanta ng bagyo pero hindi ko maiwasang isipin na baka talagang pumunta lang sila doon para magpabango sa mga tao dahil malapit na rin ang eleksyon.
"Hay nako, Kira, kami na d'yan. May pasok ka pa." saway sa akin ng isa sa helper namin na matagal nang nagtatrabaho dito nang subukan kong tumulong sa pagliligpit ng kinainan namin.
YOU ARE READING
Stars Around My Scars (Dream Series #5)
Teen FictionDream Series 5 Kira, the epitome of empathy, hardwork, generosity and sometimes crackiness grew up in the public eye, found herself crying over someone whom she called a 'womanizer'. Which is Andrei a pilot student and an undeniably gorgeous human b...