"Happy birthday, happy birthday, happy birthday Andrix and Andriel!" sabay sabay kumanta ang mga bisita.
Ilang buwan na ang lumipas at ngayon ang second birthday nila. Napansin ko din ang mabagal pero improving na ugali ng mga bata, hindi na sila kasing out of control noong una ko silang inalagaan. Isang buwan din pinlano ni Andrei ang celebration nila na 'to.
Pinasara n'ya ang buong resort nila dito sa Batangas at inimbita ang mga kaibigan namin dahil private celebration lang naman 'to. Pumalakpak naman kami nang hipan ng kambal ang kandila, tuwang tuwa pa si Andriel kaya gustong umulit.
"Swim," tinuro naman ni Andrix ang pool habang karga karga ko s'ya.
"Pwede ba sila mag-swimming?" tanong ko kay Andrei.
"They can but they don't know how," he laughed before putting Andrix down because he wanted to play with Andreia.
"Oh, tara dali, samahan natin 'yung apat." sabi ko at niyaya na sila sa pool.
Naka-swim outfits naman na kami kaya diretso na kaming lumusong doon. Naka-salbabida si Andrix na penguin habang ang kay Andriel ay donut, si Andrius at Andreia naman ay floaters ang gamit.
"Kids, you want sandwiches?" tanong ko sa kanila.
"Yes, Mommy," sagot ni Dri habang si Rei ay busy sa pag-lalangoy kaya 'di ako pinapansin.
"Ikaw?" tanong ko kay Andrei.
"Yeah, one, susubuan ko sila." turo n'ya sa kambal.
Tumango ako at tumayo sa pool, sinuot ko naman ang maliit na mini skirt bago nag-lakad papunta sa food area. Nakita ko naman doon ang mga kaibigan ko na tinitira 'yung shanghai.
"Uy, ikaw ha, hindi pa pala kita na-iinterview." siniko ako ni Addie habang kumukuha ako ng sandwiches.
"Bakit nanaman?" tinaasan ko s'ya ng kilay.
"Kayo na ba ulit?"
"Luh, ang advance ah, hindi pa." napailing ako.
"Hindi pa? So, may possibility?" pang-uusisa n'ya pa.
"Hay nako, hindi pa namin iniisip 'yan 'no, priority namin ngayon 'yung mga bata."
"Ay, talaga ba? Jusko, nakita n'yo na ba 'yung mga sarili n'yo sa salamin? Kung hindi ko lang kayo kilala, mapapag-kamalan ko kayong mag-asawa na may apat na anak." sabi n'ya.
Napailing nalang ako at bumalik na sa pool para ibigay sa mga bata at kay Andrei ang pagkain. Umupo nalang ako sa taas ng pool at paa ko lang ang naka-lusong habang pinapanood ang mga bata.
I stared at Rei and Dri, my lips formed a smile when I saw how happy they are while playing with their Dad and little brothers. This is so cliche but I felt so contented like I can't wish for anything more than seeing what's in front of me right now.
"What are you doing here awake? Aren't you tired?" biglang sumulpot si Andrei sa tabi ko.
Nandito kami sa isang villa na may tatlong kama at dalawang crib. Ang isa ay para sa amin ni Andreia, kina Andrei at Andrius ang isa habang ang dalawang yaya nila Andrix ang natutulog sa huling kama. Nakatayo lang ako ngayon sa labas at tinititigan ang tubig sa private pool na nandito sa villa.
"Wala, hindi pa ako makatulog e. Baka magising lang si Rei kapag umikot ikot ako sa kama." sagot ko at umupo sa dulo ng sun lounge chair, napaiwas naman ako ng tingin nang tumabi s'ya sa akin.
"Look, it's midnight, it's the twenty third already." he smiled.
Bumalik naman ang tingin ko sa kan'ya at napangiti rin. It would've been our 11th year anniversary today, I never expected him to remember. For the past eight years I have always thought of him during this date.
YOU ARE READING
Stars Around My Scars (Dream Series #5)
Teen FictionDream Series 5 Kira, the epitome of empathy, hardwork, generosity and sometimes crackiness grew up in the public eye, found herself crying over someone whom she called a 'womanizer'. Which is Andrei a pilot student and an undeniably gorgeous human b...