Chapter 23

19 3 0
                                    

"What's happening to you last night? Ang likot mo, love." natatawang sabi ni Andrei. 

Kagigising n'ya lang at humalik sa pisngi ko bago umupo sa breakfast counter para sabay na kaming kumain ng breakfast. Nandito ako ngayon sa unit n'ya at dahil nalate na kami natapos manood ng tatlong season ng series ay dito na ako natulog. Maaga din ako nagising kasi hindi ako makatulog ng maayos. 

"Hindi kasi ako mapakali e." sabi ko at umupo na rin sa tabi n'ya. 

"Why?" 

"Hindi ko alam, parang may something lang ganoon, basta 'di ko din gets." sagot ko. 

Lately kasi ay parang iba ang pakiramdam ko. Parang may bumabagabag sa akin pero hindi ko naman alam kung ano. Hindi ko nalang din pinansin dahil baka anxiety lang din 'to lalo na't kakasimula palang ng third year namin, baka academic anxiety lang 'to. 

Maka-ilang beses din akong pumupunta sa Ob-gyne ko dahil wala akong planong mabuntis ngayon kaya mabuti nang sigurado. Maingat naman kaming dalawa kaya hindi ko iyon pinapangamba lalo na ngayong malapit na ako gumraduate at mag-proceed sa law school kaya hindi iyon isa sa bumabagabag sa akin. 

"Alis tayo mamaya, may friend akong magbi-birthday sa isang club." sabi ni Nica. 

Kakatapos lang ng klase namin ngayong araw at kaming apat lang ang nandito. Si Addie kasi ay bumalik na sa New York habang si Lexi ay may trabaho. Pumayag din naman kami kaya bandang 10pm ay nandoon na kami. 

"Hi, I'm Jhon and you are?" 

Kadarating lang namin at may lalaki na agad na nagpakilala sa akin. Kumunot naman ang noo ko at umiling sa kan'ya bago umalis. Hindi naman s'ya nag-pumilit kaya hindi na ako masyado naabala. 

"Laro tayo beer pong! Tayo tayo lang." aya ni Nica. 

Kami ni Evie ang mag-kakampi habang sila Nica at Tily naman ang magkasama. Natatawa ako dahil hindi ako masyadong magaling mag-aim kaya natatalo tuloy ako. Sa huli ay kami nga ni Evie ang natalo kaya ang dare nila sa amin ay ilibre sila ng drinks. 

Nakaraan ang ilang linggo na hindi kami nag-kikita ni Andrei dahil rin busy kami lalo na s'ya dahil pumupunta pa s'ya sa Clark para mag-earn ng hours. Mabuti nga at ang sense of humor n'ya ay hindi related sa career path n'ya dahil kung hindi ay baka mapa-research ako ng wala sa oras. 

Jusko, english jokes n'ya pa nga lang dinudugo na ako. Pero s'yempre, hindi tayo pwede ma-nose bleed, internal bleeding lang. 

"Gabi na ah, ba't ngayon ka lang nakauwi?" bungad ni Tily nang makapasok ako. 

Natawa naman ako at nilapag ang bag ko sa couch. Nakakaloka si ate girl, napaka-strict, may curfew na pala kami hindi naman ako nainform. 

"Ay, ang strict." biro ko. 

Napailing nalang si Tily bago umupo sa couch. Pumasok naman na ako sa kwarto para maligo at mag-palit ng damit. Matagal rin kasi akong nag-stay sa library dahil kailangan ko mag-aral, ang daming readings kaya hindi ako pwedeng pa-petiks petiks lang baka mamaya mangamote ako sa recit. Nakakahiya!

Sinimulan ko naman ulit magbasa at mag-notes, tuwing nag-aaral ako ay talagang sobrang focused ako kaya kapag nag-simula ako ay walang break. Tuloy tuloy talaga hanggang sa mapagod ako. Kaya nang matapos ako ay 12am na, niligpit ko na muna 'yung mga gamit ko bago lumabas para sana kumain nang biglang tumunog ang door bell namin. 

Nanlaki ang mata ko dahil nasa kwarto na silang lahat at ako nalang ang narito. Sigurado naman akong hindi isa sa mga kaibigan namin 'to dahil hindi sila dadating ng dis oras ng gabi pero kung oo ay magsasabi sila. 

Stars Around My Scars (Dream Series #5)Where stories live. Discover now