Chapter 29

22 4 0
                                    

"Hello, babies!" bati ni Nica nang makarating s'ya. 

Weekend ngayon at next week ay 7th birthday na nila Rei at Dri, naisipan naman ni Lexi na dalhin kami sa California, all expenses paid. 'Yun na daw ang regalo n'ya sa kanila pero sasama s'ya papunta doon dahil may taping rin daw s'ya doon. 

"Hello, Tita Nica!" bati ni Rei at niyakap s'ya. 

"Ay, tignan mo 'yan oh, ang gandang bata!" puri n'ya kay Rei at inikot pa s'ya bago tinawag si Dri na busy sa pag-wawalis ng kusina kaya hindi napansin si Nica. "Hoy, child labor!" 

"Anong child labor e s'ya nga may gusto n'yan, palibhasa ikaw, ang tanda mo na pero mas masipag pa 'yung anak ko sa'yo!" pang-aasar ko. 

"Salbahe ka din 'no, sana 'di sila mag-mana sa'yo." banat n'ya pa bago niyakap si Dri na nag-pupunas ng pawis. 

Namumula pa 'yung pisngi n'ya dahil siguro sa init lalo na kanina pa linis ng linis sa unit. 'Yun naman ang isa sa pinag-kaiba nila ni Rei, si Andreia kasi ay mas gugustuhin n'yang mag-aral kaysa gumawa ng gawaing bahay hindi tulad ni Dri na mas gusto ang gawaing bahay kaysa gumawa ng assignment. 

"Super cutie! Jusko ka, siguro maraming may crush sa'yo sa school 'no?" pang-eechos ni Nica kay Dri. 

"Tita," natawa ako sa tono ng boses ni Dri na para bang sinasaway n'ya si Nica. 

"Tita ka d'yan! Akala mo ba 'di ko alam, hay nako, Kira." tawag pa n'ya sa akin. "Alam mo ba, nalaman laman ko kay Addie na marami palang nagkaka-crush d'yan sa kambal mo." 

"Tita Nica, Mommy knows!" natatawang sabi ni Dri. 

"Ay, anyway may gifts ako sa inyo kasi 'di ako makakasama sa inyo sa birthday n'yo." sabi ni Nica at nag-labas ng dalawang malalaking regalo mula sa kwarto namin ni Addie noon.

Ang kwarto kasi namin ni Addie ay kwarto ko, ang kina Lexi at Nica ay kay Andrius habang ang kay Tily at Evie ay kay Andreia na maliban nalang kung magsa-stay dito si Tily, tatabi s'ya sa akin. 

"Pwede na po i-open, Tita?" masayang tanong ni Dri.

"Sige, go, vivideo-han ko kayo ah. Okay lang?" tanong ni Nica. 

"Yes po," sagot ni Rei habang tumango naman si Dri. 

"Hoy, 'wag mo ipopost 'yan ah." paalala ko sa kan'ya. 

"Oo, isesend ko lang sa gc natin." 

Barbie Dreamhouse playset ang regalo n'ya kay Rei na halos kalahati ng laki n'ya kaya tuwang tuwa ang anak ko. Tatlong elite na Nerf gun naman ang kay Dri kaya naexcite s'yang buksan para bwisitin ang kambal n'ya at pinag-bababaril s'ya. 

"Mommy, si Dri oh! Stop!" sigaw ni Rei habang tumatakbo papalayo sa mga bala ni Dri.

"Andrius," tawag ko para tumigil s'ya pero tawa pa ng tawa, mana sa tatay! "Andrius Kenneth," 

"Okay, Mommy, I'm done." natatawa pang sabi n'ya bago binaba ang laruan at pumunta kay Rei para yakapin. "I'm sorry, sis, did that make you upset?" 

"A little, pero makipag-laro kana lang sa akin, dali!" sabi ni Rei nang kumalas s'ya sa yakap ng kambal. "Kunin mo 'yung isang doll ko sa kwarto tapos laruin natin 'yung bigay ni Tita Nica sa akin." 

"Okay," sabi ni Dri at nag-lakad papasok ng kwarto. "Laruin din natin guns ko mamaya ah," 

Dumiretso naman na si Nica sa kusina para uminom ng softdrinks nang biglang mag-ring ang doorbell. Binuksan ko naman 'yun at bumungad sa akin si Harry na may dalang malaking paper bag. 

"Ninong Harry!" excited na bati ni Rei at tumakbo pa pasalubong kay Harry. 

S'ya lang ang ninong ng mga anak ko dahil noong ipinanganak ko sila ay si Lexi pa rin ang may love life noon pero nang mag-hiwalay sila ay ganito na lagi si Harry, minsan mauuna ang pag-bisita at pag-bigay ng regalo sa mga anak ko o malalate s'ya. Never din s'yang umattend sa parties ng kambal.

Stars Around My Scars (Dream Series #5)Where stories live. Discover now