**CHAPTER SEVEN**
"dito na lang ako sa sofa matutulog" sabi ni Abby.
"ako na diyan sa sofa ikaw na dito sa higaan."
"ano ka ba mas maliit ako sayo kaya dito na ako... saka mas sanay ako sa ganito... baka manakit lang likod mo.."
"hindi yan... sige na ikaw na dito.." Pagpupumilit pa din ni Nathan.
"ako na nga eh!..."
"Di ikaw na!"
"woooow grabe di na talaga namilit!! langya!! haiss.. sige na nga magtitiis na lang ako dito.." sa loob loob ni Abby.
Tiningnan niya si Nathan. Bigla itong nagtanggal ng damit sa harap niya. Napatakip ng mata si Abby.
"ano ba bat ka nag huhubad?" sigaw ni Abby.
"hai nako.. kung iniisip mong may gagawin ako sayo.. mangarap ka na lang..."
Tinanggal na ni Abby ang takip sa mata niya. Napahiya na naman siya. Napatingin ito sa katawan ni Nathan. Napalunok siya nang makita ang perfect Body nito.
"ang puti, ang tigas... at... ang Abs oh my god six pack abs? nag gygym ba tong lalaking to? Kung sino man ang nag lilok sa kanya napakagandang masterpiece." sa isip ni Abby.
"Tingnan mo to... kung maghinala ka sakin para namang may gagawin akong masama sayo pero kung makatingin ka sakin para kang nanghuhubad.."
Napahiyang napatingin si Abby sa kanya.. "hindi ah... ahh.. anu kasi.. uh.. naiinggit ako sa katawan mo gusto ko din kasi ng ganyan..." utal na sabi Abby. "pak!! anong klaseng sagot ba yun Abbigail??" parang gusto niyang sampalin ang sarili sa mga oras na yun. Nag smirk si Nathan sa kanya. " ah sige matutulog na ako..." Tumalikod na si Abby. Alam niya kasing pulang pula na siya.
"Abby!" tawag sa kanya ni Nathan hinarap niya naman ito.
Pagkaharap niya ay tinapon sa kanya ang isang unan. Sinalo niya naman ito. Ngumiti lang siya kay Nathan as a sign of thank you.
Humiga na siya sa sofa.. mejo matagal tagal pa siya bago makatulog pero di katagalan ay nakatulog na talaga ito dahil sa pagod.
Ilang oras na ang lumipas ay di pa makatulog si Nathan. Tiningnan niya si Abby sa sofa. yakap yakap niyo ang sarili.
"Malamig pala Nathan hinayaan mo lang siya matulog dun sa sofa." sabi ng konsensiya niya.
Tumayo si Nathan at nilapitan si Abby. Pinakiramdaman niya ito kung nakatulog na ba talaga ito. Ginalaw niya ito at ginising pero walang response.
Dahan dahan niya itong binuhat at nilapag sa higaan at kinumutan.
Natulog na din si Nathan. Nakatulog na din siya.
Kinaumagahan na ramdaman ni Abby ang sinag ng araw sa mata nito. Humikab siya at nag unat inamoy niya pa ang mabangong perfume na naamoy niya sa harap niyang malaking at matigas na unan. "malaking unan?!?"
Nanlaki ang mata niya nang mapansin ang posisyon niya. Nakaunan ito sa braso ni Nathan habang yakap siya ni Nathan tapos siya ay nakayakap din dito na naka tanday pa ang paa sa legs ni Nathan at subsub ang mukha sa dibdib ni Nathan.
Bigla siyang napabalikwas at umupo.
Nanlaki naman sa gulat ang mata ni Nathan na para bang nag sasabi na "what-the-hell?"
Tinakpan ko lang yung harapan ko ng kumot.
"Bakit ako nandito?? paano ako napunta dito?"
"bakit? pag di ba kita nilipat dito masarap tulog mo ngayon?" pilosopong sagot ni Nathan. "Saka ikaw naman unang nangyakap ah..."
BINABASA MO ANG
Bad Boy Meets an Angel
RomanceIsang simpleng Babae lang si Abbigail. Namumuhay ito ng payapa nang biglang may dumating na nagpagulo ng buhay niya. Ano kaya ang gagawin nito makakaya niya pa kayang lampasan ang lahat ng magiging pagsubok niya nang dahil sa isang taong yun o tatak...