chapter 20

94 4 0
                                    

Alam ni Abby na ayaw na ng mga magulang niyang magkita pa sila ng lalaki, pero nagbakasakali siya. Pumunta siya sa Condo ng lalaki, ngunit iba ang nadatnan niya doon, ang Nanay nito.

"Anong ginagawa mo dito?" Matapang na tanong ng Mommy ni Nathan sa kanya.

"Gusto ko lang po sanang makausap si Nathan."

"Wala si Nathan dito, nagpunta ng America for his engagement ikakasal na si Nathan sa iba kaya lumayo ka na sa kanya, I don't want Nathan to marry a pathetic beggar like you! Ewan ko ba anong pinakain mo sa anak ko at ayaw nang sumunod sa akin. Kasalanan mo tong lahat!"

"W-wala po akong ginawang masama.."

"Wala kang ginawang masama? Really?! Paki ulit nga?! Ano bang balak mo bakit ka pumunta dito? Diba para pikutin ang anak ko dahil buntis ka kahit hindi siya ang ama!"

Nanlaki ang mata niya sa bintang ng nakakatandang babae.

"How much do you need para layuan mo ang anak ko?" Sabi nito sabay labas ng cheque book at ballpen. "Name your price, one million? Two? Or five?"

"I don't need your money!" Galit na sabi niya. "Gusto ko lang makausap si Nathan.

"What for? Para pilitin siyang pakasalan ka? That will Never happen!"

She wrote something in her cheque book. "Here! Five million, siguro kasya na yan para layuan mo ang anak ko." Sabi niya sabay bigay ng cheke.

Pahablot na kinuha yung ni Abby at pinagpupupunit ang cheke sa harap niya at sinaboy sa mukha ng matandang babae. Marunong siyang gumalang sa mga nakakatanda, pero nakalaan lang yun sa mga taong kagalang galang. She's angry, galit na galit siya sa nanay ng lalaki, hindi niya kayang magtimpi, inaalala niya ang kalagayan ng dinadala niya.

She almost receive a slap from the older woman kung di niya lang na harang ang kamay nito. She's boiling mad, sanay siya sa trabaho, so she knew na mas malakas siya sa matandang yun.

"Hwag na hwag kang magkakamaling idapo yang mga kamay mo sa kahit saang parte ng katawan ko" matigas na sabi niya habang pinipigilan pa din ang kamay ng matanda. "Never akong sinaktan ng mga magulang ko na siyang nagpakain at nagpalaki sa akin. Tapos ikaw na ni isang kusing ay walang naipakain sa akin sasaktan ako basta basta? Sinuswerte ka naman? FYI Mrs. Montecarlo wala akong balak pikutin ang anak niyo! Hindi ako mahilig sa ahas na byanan." She pushed her hand away at agad na tumalikod at umalis.

Galit na galit na galit siya. But somehow proud dahil kahit papaano, hindi niya hinayaang apihin siya.

Pero ang mas masakit, ay ang sinabi nitong enggage na daw si Nathan. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya o hindi. Pero okay na, mas mabuti na yung ganito, atleast kahit papaano ay may remembrance pa rin siya kay Nathan.

Mula noon, wala na siyang balita kay Nathan, wala siyang TV sa room for rent na literal nang room lang talaga, sobra silang nagtitipid magkapatid para sa panganganak niya.

Maselan ang pagbubuntis niya, dahil na din siguro sa stress, nalulungkot siya sa nangyari sa buhay niya, nalulungkot siya kung bakit si Nathan pa ang minahal niya.

Tapos ngayon, natatakot na siya, alam na ni Gab na may anak siya rito, baka kunin niya si Angel sa kanya. Galit si Nathan sa kanya, at isa pa, isa siyang Montecarlo anong laban niya?

Bad Boy Meets an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon