Chapter One

522 14 0
                                    

**Chapter One**

"waiter!" sigaw ng isang lalaki sa isang banda ng cafe na pinag tatrabahuan ni Abbigail.

Agad niya itong nilapitan. Isang grupo ng mga estudyante ng kalapit na university at kung saan din nag aaral si Abbigail.

Si Abbigail ay isang working student na nangangarap mabago ang buhay ng pamilya nila. Mahirap lamang sila, ang ama nito ay isang magsasaka at ang nanay naman nito ay naglalabada lamang sa kahit sinong mayayamang pamilya sa lugar nila. Nag aral ng maayos si Abbigail. Nagging valedictorian ito nung Highschool siya, sinubukan niyang kumuha ng exam for scholarship sa isang university na matagal niya nang pangarap na ma pasukan. At yun nga na tupad ang pangarap niya. Naging scholar siya sa university na iyon at nakapag partime job din siya sa isang café na malapit lang sa school nila. Laking pasalamat ni Abbigail na mabait ang boss nila. apat taon na ito nag papartime sa café na iyon, bale nasa 4th year college na si Abbigail. Kumukuha ito ng kursong business management. Laking pasalamat niya dahil nalalampasan niya lahat ng pagsubok kahit na mumuntik na ito mawalan ng scholarship dahil muntik na siyang e failure ng isa niyang teacher na lalaki na may gusto sa kanya ngunit tinanggihan niya. Matagal na yung nangyari kaya kinalimutan niya na lang. Napatalsik na din ang teacher na iyon. Kinuha na din ang lisensia nito na magturo dahil sa nagging balita na nang harass daw ito ng isang babaeng estudyante. Walang nakaka alam kung sino ang estudyanteng iyon pero nawala na din ang usapang iyon. Bumalik na ang tiwala ng tao sa school na iyon.

"Sir good morning, can I take your order?" plastik na ngiti nito sa grupo.

Di humarap ang isa sa kanila na nakatingin lang sa menu. Habang ang tatlo naman ay nakatingin lang sa kanya na para bang nakahubad siya.

"ang ganda mo naman miss sabi ng isang lalake"

Kilala ni Abbigail ang apat na lalaking iyon, sila ang sinasabi ng lahat na campus crush ng school nila. Ngayon lang niya ito na kita ng malapitan ang gugwapo nga naman talaga nila. Maliban sa isa na di niya pa nakikita ang mukha.

Ngumiti lang si Abbigail sa sinabi nung lalaking nag ngangalang si Vincent.

"pwede ba ikaw na lang oorderin namin" sabi naman nung isa na sa pagkakaalam niya Keith Ryan ang pangalan.

"sorry po sir pero hindi po ako for sale" sabi niyang nginigitian parin ng paplastik.

Maganda naman talaga si Abbigail. Hindi ito maputi, kayumanggi ang kulay nito pero matangos ang ilong. Hindi siya mukhang pinoy na pinoy para itong may lahing kastila. 5'5 ang height nito at mahaba ang legs. Hindi maputi pero makinis. Wavy ang buhok nito at hanggan bra ang haba.

"wow ha.. playing hard to get!" sabi naman nung isa na si Johan.

Naiinis na si Abbigail sa mga yun gusto niyang tusukin ng ballpen na hawak nito ang mata ng tatlo.

"Buwisit na mga estudyante to ang tagal umorder! Ang isang to naman parang si marunng magbasa ang tagal makapili ng uoorderin." Sabi Abbigail sa sarili nito.

"Sir, kung di pa po kayo nakapag desisyon sa ioorder ninyo.. tawa----"

"Isang Choco Moccha sa akin at tatlong espresso" putol ng lalaking nakatingin sa menu. Matapos sabihin ay tumingin na ito sa kanya.

Namangha si Abbigail sa itsura nong lalaki.

"ito na ba si Nathan? Ang sinasabi nilang anak ng Governor? Ang guapo niya nga talaga. Mukha siyang taga ibang bansa pero pilipino talaga ang dating." Sabi ni Abbigail sa sarili.

"miss?"

Bumalik na sa sarili si Abbigail. Di niya na malayang natulala pala ito na nakatingin kay Nathan. Gustong sampalin ni Abbigail ang sarili sa nangyari. Kung pede lang sana siyang maging invisible agad.

Bad Boy Meets an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon