"Anak.." sabi ng mama niya nang pumasok ito sa kuarto niya habang nag aayos ng damitan niya.
"Ma, ano po yun?" Takang tanong niya.
"Anak, okay ka lang ba? Wala ka bang nararamdamang kakaiba sa katawan mo?"
"H-ho? B-Bakit po ma?" Kinakabahang tanong niya.
"Wala lang naman, may napapansin lang kasi kami ng tatay mo."
Namutla siya sa sinabi ng nanay niya. Tama nga yata ang sabing Mothers knows best.
May nararamdaman nga siya lately, madalas siyang nahihilo, inaantok at naghahanap ng kung ano anong pagkain, malaki ang hinala niyang buntis siya pero sa kaloob looban niya ay naniniwala siyang hindi, lalo na ngayong wala na silang komunikasyon ni Nathan.
"Anak, may nangyari ba sa Maynila na di namin alam?"
Pagkatanong noon ng nanay niya ay bigla siyang napahagulgol ng iyak. Tama nga buntis siya, She can't deny it anymore lalo na't di na siya dinalaw ng kabuanan niya ngayon.
Agad naman siyang nilapitan ng nanay niya at mahigpit na niyakap.
"Tahan na.." sabi ng nanay niya sabay hagod ng likod. "Sino ang ama?" Mahinahong tanong nito.
"Si Nathan Montecarlo po."
Biglang natigilan ang Nanay niya. Nagtatakang tumingin naman sa kanya si Abby.
"M-Montecarlo?"
"Bakit po nay?"
"Ayoko sanang sabihin sayo to anak, p-pero kailangan mong malaman to, alam kong kailangan ng bata ng isang ama, pero hindi Montecarlo."
"Bakit po nay? A-ano pong meron?" Nagtatakang tanong niya.
"Galit ang tatay mo sa Pamilya nila. Noon, bago pa man kami napadpad dito ng Papa mo, may negosyong iniwan ang Lolo mo sa Papa mo bago siya namatay, pinamahalaan niya yun, at isa ang mga Montecarlo sa mga board members, nagkaroon ng dayaan sa loob ng kumpanya at yun ay dahil sa nakakatandang Montecarlo na pumanaw na noong isang taon. Naagaw niya lahat ng shares ng papa mo at ginigipit niya ang papa mo, bumabagsak na ang kumpanya dahil sa nangyari kaya walang nagawa ang papa mong tuluyan na lang ibenta ang shares niya sa mga Montecarlo. Ito na lang ang naiwan sa atin, ang lupaing ito na pinamana naman ng Lola mo sa Papa mo."
"Akala ko po ba nirerentahan lang natin to?"
"Yun lang ang pinalabas namin pero sa atin tong lupang kinatitirikan ng bahay natin at ang lupaing sinasakahan ng papa mo. Hindi man kalakihan pero kumikita naman."
Halos di makapaniwala si Abby sa narinig.
"Ang mga pinadala mo sa amin, nilagay namin sa banko, na nakapangalan sayo, ipon mo."
She hugged her Mom.
"Maraming salamat Nay, p-pero ano po ba ang gagawin ko ngayon?"
"Alam kong kailangan ng ama ang magiging anak mo, pero mas mabuti pa sigurong wag mo na muna sabihin sa ama ng batang yan na buntis ka."
She felt her cheeks wet, tumulo na pala ang luha niya. Gusto niyang magkaroon ng ama ang anak nila ni Nathan pero anong magagawa niya kung may ganitong problema pala ang pamilya nila?
"S-sige po ma.."
Her mom hugged her at iniwan siya para makapagpahinga muna.
BINABASA MO ANG
Bad Boy Meets an Angel
RomanceIsang simpleng Babae lang si Abbigail. Namumuhay ito ng payapa nang biglang may dumating na nagpagulo ng buhay niya. Ano kaya ang gagawin nito makakaya niya pa kayang lampasan ang lahat ng magiging pagsubok niya nang dahil sa isang taong yun o tatak...