Chapter Three

282 12 0
                                    

**Chapter Three**

Pauwi na si Abby. Naistress ito sa araw na iyon.

"Abby!!" mula sa likuran niya. Hinanap niya kung sino iyon nang makita si Irene tumatakbo papunta sa kanya.

"bakit Irene? may problema ba?" tanong nito sa hinihingal na kaibigan.

"wal.. wala akong problema ikaw.. anong problema mo...??" sabi nitong hinihingal.

"wala akong problema ano ka ba...?" pagg dedeny naman ni Abby.

"sus wala ka jan tara na nga gala tayo.."

"nako wala akong pera ngayun Irene pinadala ko yun sa probinsya."

"hai nako mamroblema ba naman jan... treat ko sige na... "

"eh yung boyfriend mo baka magalit sayo yun.."

hai nako.. wag kang mag alala.. out of town siya ngayon.

Isang anak mayaman ang boyfriend ni Irene. 4th year ito nung 2nd year college pa lang sila. graduate na ito kaya nag trabaho na. Mula noon.. wala nang masyadong time sina Irene at Abby na magkasama gumala o kung ano pa gagawin nila.

Namiss din yun ni Abby kaya pumayag ito... ayaw din naman nitong mapagisa sa boarding haus niya.

nag window shopping silang dalawa nang mapunta sila sa isang dress shoppe may nakitang white bubble tube dress si Abby. Maganda ito.. may mga flower accent pa.. matagal niya iyong tinitigan. tiningnan niya ang presyo.. binitawan niya iyo nang makitang halos mag lilimang libo na ang presyo nun...

tumingin tingin na lang ito sa iba...

Napansin yun ni Irene. Nang tumalikod si Abby sa damit na yun ai agad na kinuha ni Irene at inabot sa cashier. binayaran niya ito.

"ano Abby tara na.." ngiting tanong nito sa kaibigan.

ngumiti din si Abby... sumulyap ito sa tinitingnan nitong dress pero wala na ito doon. Naisip nitong malamang nakuha na iyon ng iba.. mero din kasing babaeng nakatingin sa dress na yun.

hindi nito napansin na may bitbit na paper bag si Irene kaya di na siya nag tanong.

"tara kain na tayo.." yaya ni Irene..

sumunod lang si Abby hila hila siya.

pumasok sila sa isang chinese fastfood chain. Pumila si Irene habang pinaupo niya na lang si Abby para makahanap ito ng bakanteng upuan.

Bitbit na ni Irene ang pagkain nila saka napansin ni Abby ang bitbit nitong paperbag. Nagtaka ito kung saan yun galing dahil wala namang bitbit na paper bag yun kanina. Binasa niya ang brand ng paper bag. di niya alam kung alin un sa pinasukan nilang mga botique ang may nag ngangalang ganun basta pumasok lang siya na walang tingin tingin dahil magulo pa din ang isip nito.

Inilapag na ni Irene ang pagkain sa mesa. tag iisa sila ng Lauriat.

"ngayon ko lang napansin may bitbit kang paper nag bumili ka pala?" tanong nito..

"ah.. oo sorry di ko na nasabi sayo... kasi parang busy ka sa mga tinitingnan mo.."

"anu ba yang binili mo?" tanong ni Abby nang makaupo na si Irene.

"pangregalo ko kasi to... basta mamaya na natin pag usapan yan.. pag usapan natin ang problema mo okay..." sabi pa nito kay Abby.

Hindi alam ni Abbigail kung paano niya sisimulan ang pag kukuwento basta ang nasabi niya lang "gusto akong e date ni Nathan.."

napatigil sa pagkain si Irene. Muntik na din nito maibuga sa kaibigan ang pagkain buti na lng hindi nangyari.. kundi mapapahiya si Abby.

"ano ano ano??!!! sinong Nathan? si Nathan Montecarlo ba yang sinasabi mo??" sabi niyong di makapaniwala.

mahinang tumango lang si Abby habang nakatingin ito sa pagkain niya.

"p.. pano naman kayo nagkakilala ni Nathan? paanong... ?" di na alam ni Irene ang sasabihin sa Kaibigan... "ikwento mo nga sa akin ang lahat ng maintindihan ko..."

Yun nga at ikinwento ni Abby ang pangyayari kani kanina lang...

"yun naman pala eh.. edi pumayag ka na.."

"ayoko Irene.. alam mo naman siya diba.. babaero yun.. paano kung mahulog loob ko sa kanya?"

"impossible din namang di ka niya magugustuhan Abby eh.. saka di ka naman i didisplay nun kung di ka maganda."

nagulat siya sa sinabi ng kaibigan. "ano? display? hindi ako display Irene no.. saka alam mo naman na anak yun ng isang politiko.. pag ma iisue yun sasabihin pang nag hahabol ako sa kanya.. pera lang habol ko sa kanya.. ayoko.. magiging magulo ang buhay ko niyan Irene alam mo ba yun? naiinis ako dahil ako na walang kamalay malay na iipit sa ganyang sitwasyon.. ni hindi ko nga alam kung ano kasalanan ko sa lalaking yun at bigla akong napag tripan.. ayoko talaga Irene ayoko... " mahabang sabi nito na napiyak na sa huli.

Naawa naman si Irene sa kaibigan. Tinabihan niya ito sa upuan at niyakap. yumakap din si Abby sa kanya., napansin niyang pinagtitinginan na sila ng mga tao doon pero wala siyang paki alam.. umiiyak ang kaibigan niya kaya mas kailangan niyo ng karamay.

Kumawala na sa pagkayakap si Abby. "Salamat Irene ha.. Hindi ko na alam talaga ano gagawin ko.. baka kung di mo pa ako inayayaan gumala siguro nag pakamatay na ako.."

"gaga ka!! wag ka ngang ganyan!! " sabi nito habang binatukan ng mahina si Abby.

"hai nako kung di ko lang talaga naiisip pamilya ko sa probinsya sigurado ngang namatay na ako.." malungkot na sabi niya.

"isa pa Abby sabihin mo pa yan bubuhusan talaga kita ng juice jan eh.. bahala kang mapahiya ka."

natakot naman si Abby dahil kung sinasabi talaga yun ni Irene nagagawa niya talaga yun.

"sige na nga kumain na tayo.."

Tinapos na nila ang pagkain. Nagkwentuhan pa din sila pero hindi na tungkol dun dahil alam ni Irene na sisimangot na naman ito.

Matapos silang kumain...

"nga pala Abby.. may ibibigay ako saiyo.. advance happy biryhday.." sabi nito nang ibinigay ang paper bag na hawak hawak nito kanina.

"oo nga pala mag b.birthday na ako affter 2 weeks."

di niya kasi iniisip yun kasi nga wala naman itong pang celebrate mag tu twenty one na siya.

"Irene naman eh.. nag abala ka pa.. kaya pala ayaw mo sabihin ang tungkol dito... pero salamat ha.. ano ba laman nito?" tanong niya.

"basta lang buksan mo na..." excited na sabi ni Irene.

binuksan niya ito. Laking tuwa niya nang ma kita ang pamilyar na damit na iyon.. yun ang tnitingnan niya kanina pero di niya nabili kasi nga napaka mahal nun.

"Irene..." sambit ang pangalan ni Irene na parang naluluha...

"tanggapin mo na yan alam ko namang kasya yun saiyo."

"Irene naman nahihiya ako sayo.. ang mahal mahal kaya nito..."

"ano ka ba... nahiya ka pa samantalang ako.. namomroblema ng pang regalo ko sayo... kaya ayan nang nakita kita kanina na gustong gusto yung damit binili ko agad para saiyo.."

napangiti siya.. niyakap niya ang kaibigan.

"salamat talaga Irene ha... pero.. wala yata akong pag gagamitan sa damit na yan..."

"meron... malay mo soon..."

Napabuntong hininga na lang ai Abby. Pagkatapos nun ay umuwi na sila.

Bad Boy Meets an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon