Chapter 42

42 1 0
                                    

Nakarating na sila sa Palawan. May sumundo sa kanilang Van, may pangalan yun ng resort. Agad naman silang sumakay at nagbyahe ulit papuntang resort. Nang makarating sila sa resort, may naghihintay na maliit na yacht sa kanila papunta naman yun sa exclusive suite sa isla na malapit lang din sa resort na iyon.

"Enjoy po sir Ma'am.." the driver said. "Pag may kailangan po kayo, dial 9 lang po sa telepono."

Akalain mo yun, may telepono ang islang yun?

Nagpasalamat sila sa driver sabay pasok sa rest house na yun bitbit ang nag iisang bagahe ni Nathan.

"Wala akong damit." She said.

"It's okay, ako lang naman makakakita sayong nakahubad dito." He answered with a wink.

"Bastos ka talaga!" Reklamo niya.

"Bakit ako naging bastos? Asawa na kita, dalawa na magiging anak natin."

"Sayo ba to?!" Inis na tanong niya.

"Oo!" Confident na sagot niya.

"The last time I checked, hindi naman daw sau to sabi mo."

Napabuntong hininga si Nathan. "Damn, ayoko makipag away okay, sorry na if I accused you, sabi ko nga diba, I was a jerk, nabugbog pa ako ng dahil diyan."

Nabugbog siya? Sino bumugbog sa kanya?

"Binugbog ako nina Josh at Gab nang umuwi ako sa Manila nang ma ospital ka. Galit na galit sila sa akin because binuntis kita ulit. At first tinanong ko sa kanila kung sigurado ba silang anak ko yun? Inupakan na naman ako ni Gab, sabi niya kilala ka niya, you were dedicated in taking care of Angel." Napabuntong hininga siya ulit. "Gab told me, kung hindi ako gagawa ng paraang magkaayos tayo he will find someone for you."

"Natakot ako, I dont want you to marry anyone except me. Iniisip ko pa lang na may iba kang katabi naiinis na ako. I asked him to give me time, gusto kong maging maayos tayo, but I wanted to gain trust with your parents first na aalagaan kita."

"I went to your parents house sa probinsiya ninyo. Ayaw pa sana akong papasukin ng Tatay, pero I stayed outside hanggang sa makapag desisyon siyang kausapin ako. Naawa siguro si Nanay sa akin at binigyan niya ako ng makakain." He smiled nang maalala ang pangyayaring yun.

"Inutos utusan ako ng tatay na magtanim ng palay, pag mali ang pagkalagay ko pinapaulit niya sa akin lahat. Pinag araro niya ako, pinag linis ng babuyan, pinag igib ng tubig. Pinag sibak ng kahoy, piagbuhat ng sako sakong uling."

Di makapaniwala si Abby sa pinagsasabi ni Nathan.

"Ininda ko lahat ng iyon for three weeks hanggang sa makapag disisyon siyang kausapin ako." He took her hand at pinalapit niya si Abby sa kanya.

"I asked your hand for marriage, muntik na akong habulin ng itak ni tatay, buti na lang napigilan siya ni Nanay. Kinausap ako ni Nanay, sabi niya, she wanted all the best for you, alam niyang mahal mo ako, kasi kung hindi, hindi daw tayo magkakaanak. Matalino ka daw sabi niya kaya tiwala siyang alam mo kung ano magiging desisyon mo kung sakali. Hinihingi lang ni Nanay, na di ka masaktan, at walang dapat makapanakit sayo."

"I assured them na hindi ka magagalaw ng mga magulang ko, o ng kahit sino man, I have your mom's blessing na makapagpakasal sa akin, siya na daw ang bahala kumausap kay tatay, nag sorry din siya bakit niya tinago nila si Angel at ikaw sa akin."

"Umuwi ako, sa Manila, I planned everything with the help of Gab and Josh. Excited na kinakabahan dahil syempre di pa tayo okay tapos ang kasal nakahanda na. What if ayaw mo na? What if hindi ka papayag? Naiiinis pa ako kasi nung nakita mo pa lang ako disgusto talaga ang nakikita ko expression mo. Pero nininerbyos na talaga ako don."

"Buti na lang pumayag ka, pero kung di ka man pumayag, okay lang din, atleast I tried."

"Sinasabi mo ba sa aking pag sisisihan ko kung di ako umoo?"

"Hindi naman sa ganun, pero, parang ganun na nga."

"Heh! Doon na ako... bye" sabi ni Abby sabay talikod. Pero bago pa siya tuluyang tumalikod ay binuhat na siya ni Nathan papuntang kuarto.

He laid her on their bed and started kissing her when his phone rang.

"Tsk, wrong timing" bulong niya. Napangiti naman si Abby.

Bad Boy Meets an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon