Chapter Ten

272 10 2
                                    

**Chapter ten**

Kinabukasan maagang dumating si Abby sa Cafe. Naabutan niya doon ang ilang katrabaho niyang naglilinis. Nagulat pa sila nang makita si Abby.

"Abby?!

Kumusta ka na?

saan ka dinala ng lalaking yun?

kaanu ano mo ba yun?

Saan ka ba dinala?

Hiningan ka ba ng ransom?

Si sir Gab ba nagbayad?

eto ang mga naging tanong nila sa pagpasok pa lang ni Abby. Pinalibutan agad siya ng mga katrabaho.

"uh.. mamaya na lang tayo mag chikahan.. kailangan kong makausap si sir Gab."

"Wala pa siya, Nagaalala si sir Gab sau.. saka si sir Joshua. Ewan ko ba sa kanila at kami pinapagalitan kung bakit daw di man lang kami nagpigil sa kumidnap sayo. Muntik pa nga masesante ang guard eh.. Pero pinigilan ni sir Joshua." Kwento ng babaeng Cashier nila.

"Si Sir Gab naman parating may tinatawagan kung saan siya mapunta. Isang beses nga nang pumasok ako sa office niya muntik niya nang itapon uung cellphone niya. Buti na lang pumasok ako di niya naituloy.. ibigay niya na kang sana sa akin yun para naman magkaroon ako ng magandang cellphone." yung isang waitrss na babae naman ang nagsalita.

"Tapos eto.. parati siyang nagagalit sa amin. kahit konteng pagkakamali lang.. Mas mabuti pa sigurong si sir Joshua na lang yung nandito. Mabait pa yun pwera jan sa kapatid niya." kwento din ng isa pang waitress.

"Nako.. Sorry ha.. ang dami nio pa tuloy na naabala... Wag kayong mag alala kakausapin ko si Sir Gab. Sorry talga ha.. Hihintayin ko na lang siya sa Office."

"sige.."

Pumasok na sa office si Abby. Umupo siya sa sofa.

Naghintay siya doon.

KAKarating lang ni Gab sa Cafe. Mainit ang ulo niya dahil hindi sinasagot ni Nathan ang Cellphone niya. Kagabi niya lang ito na contact mula nong araw na tinakas niya si Abby. Parating naka patay ang Cellphone ni Nathan. Hindi niya naman matawagan si Abby dahil naiwan nito ang lumang celphone sa opisina.

"Sir Good Morning.. Nandito na po si Ms. Abby." Bati sabay balita sa kanya ng Guard.

"Nandito na siya?" Tanga lang? kasasabi nga lang eh..

"opo sir.."

Tumakbo agad si Nathan sa loob ng cafe. Bumati pa ang ibang empleyado sa kanya pero di niya ito pinansin at diretso ito sa may pinto ng office.

NAPABALIKWAS ng upo si Abby nang biglang bumukas ang pinto. Nag iisip kasi ito ng sasabihin kay Gab.

Tiningnan niya ang pinto. Si Gab nga.. Nilapitan siya ni Gab, bigla siyang pinatayo at niyakap ng sobrang higpit.

Di na makahinga si Abby. "Uhh.. Sir.."

"Shit! I was so damn scared.. Abby.. anong ginawa sayo ng Nathan na yun? Pinahirapan ka ba niya? Ginalaw ka ba niya? I swear I could kill him.." Sabi nitong yakap yakap pa din si Abby.

"Uhh.. Gab.. can you loosen up a bit.. I cant breath..."

Hindi ito nakinig, Instead, mas lalo itong hinigpitan ang yakap.

"Uhh.. G.. Gab."

"Oh! Sorry.. Kumusta ka? Gad! alalang alala ako sayo!! Yung mama mo tawag ng tawag sa Cell mo kahapon, hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila o wag.. ayun tuloy nakapagsinungaling ako.. Sabi ko wala ka, may pinagutos ako sayo at Bukas ka pa makakarating naiwan mo lang yung cellphone mo."

Bad Boy Meets an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon