Chapter Five

255 10 0
                                    

**CHAPTER FIVE**

Lingo na.. walang pasok si Abby sa school kaya isang buong 8 hrs. ito sa cafe magtatrabaho.

Maaga ito pumasok.. opening kasi ito.. marami pa itong gagawin bago mag open ang cafe na pinagtatrabahuan niya.

Matapos magbihis ni Abby ng uniform nito..

"Abby pinatawag ka ni sir sa office niya." sabi ni Mindy na cashier nila.

Nagtaka si Abby kung bakit ang aga pumasok ng amo niya.. at ang aga niyang napatawag.

Tumango lang ito.

Kumatok si Abby sa pinto ng office ng boss nila. Nang may narinig itong nagsabing pasok.. pumasok agad siya.

"sir.. pinatawag niyo daw po ako.."

"oo abby.. may kailangan akong ipagawa saiyo. maupo ka muna.."

naupo na si Abby.

"Abby.. next week ilang buan akong mawawala.. may pinapaasikaso lang ang daddy ko abroad.. wala akong ibang mapagkatiwalaan sa shop kaya ikaw ang napili ko.."

"po?!" gulat na tanong ni Abby.

"sana naman matanggap mo.. e tetrain naman kita kung ano ano dapat mong gawin eh.. sige na abby please..." pagmamakaawa ng boss niya.

"po... sigurado ka bang ako sir.. wala ka po bang kapatid?"

pwede naman talaga nito mapakiusapan ang kapatid nitong si Gab eh.. kaya lang.. gusto niya lang na hindi makita ni Nathan si Abby. At busy na din ang kapatid nito para sa darating na school event.

"meron akong kapatid.. busy naman kasi yun so pupunta siya dito once in a while para matulungan ka din sa ibang gawain. Ano na... papayag ka ba?"

"sige po sir.. kung yan po gusto ninyo.. aayusin ko po trabaho ko dito."

"maraming salamat abby ha.. basta di mo naman kailangan pumasok ng maaga eh.. e iinput mo lang naman sales report everyday tapos pwede ka din mag utos sa kanila.." explain nito.

"nako sir.. ipaalam nio po yan sa kanila baka po magulat sila.."

"ako na bahala niyan.. bago mag opening magpapameeting na ako. pwede ding wag ka na lang mag suot ng uniform. saka kung may nag cocomplain na mga costumer ikaw ang haharap."

Alam na ni Abby paano makipag deal sa ganong problema.. napag-aralan niya na ito sa management nila.

Bago pa man niya ito turuan ng mga kailangan gawin ay nagpa meeting muna siya. Matapos ay tinuruan niya na si Abby sa mga gagawin. Mabilis naman iyon nakuha ni Abby. Pagkatapos ay umalis na si Josh ng walang kaba dahil buong buo tiwala nito kay Abby.

Ilang araw na din ang lumipas simula nang naging assistant manager siya ni Joshua. Hindi pa din nito nakikilala kung sino ang kapatid nito dahil hindi pa ito nakapunta sa opisina.

Nalalaman din ni Aby na tumatambay madalas si Natahan parang nag hahanap sa kanya pero laking pasalamat niya nang hindi naman ito nag tanong sa mga crew.

Isang araw.

"Bakit ba parang di ko na nakikita si Abby dito?" Mahigit isang linggo na na pabalik balik si Nathan sa cafe ng pinsan niya na para bang siya ang naghahabol sa babae. Hindi niya na tiis kaya tumawag siya ng isang waiter.

"waiter" sigaw nito.

Lumapit si Bryan.

"yes sir.. any additional orders?" Magalang na bati ni Bryan dito.

"No, but meron akong tanong."

"Ano po yun sir?"

"nasaan na si Ms. Abby?"

Bad Boy Meets an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon