chapter 39

72 2 0
                                    

Gusto niyang batukan ang sarili kung bakit siya agad sumagot. Pag iisipan niya pa dapat. She wanted to ask for some time to think pero eto, Nathan hugged her tightly nang marinig nito ang tumatagingting niyang sagot na YES.

Kahit siya na speechless sa sarili niyang sagot.

"Come, I'll take you somewhere."

Saan kayang somewhere yun?

He held her hand at hinila siya papuntang ewan na halos patakbo na siya dahil sa laki ng hakbang ni Nathan. From afar, she saw a light pink curtain, na may parang vines ng bulaklak sa gilid ng arc. Malapad ang arc na yun, at medyo makapal ang tela na nakasabit doon kaya di niya ma kita ang nasa kabilang side ng arc.

Di pa sila nakakalapit sa arc na yun ay may lumapit sa kanilang dalawang babae na may bitbit ng kung ano ano.

"Kami na po bahala sa kanya sir." The first girl said.

"Thank you, pupuntahan ko lang siya." Nathan said. "Hwag kang tatakas or else.."

"Or else what?!" Naiinis na sabi ni Abby. Hindi niya alam ano ang nangyayari. Naiinis siya, hindi siya sanay sa surprises.

"Or else di matutuloy.. trust me okay.. I Love you.." he said kissed her lips then umalis.

"Ano bang meron?" Tanong niya sa dalawang babae.

"Dito po tayo Ma'am." Sabi nung isang babae ignoring her question. Ayaw niya maging bastos, sumunod din naman siya sa dalawang babae. Pumasok sila sa isang closed tent, may mga kung ano anong make up ang nandoon and what caught her attention is the wedding gown.

Ikakasal siya? Totoo ba to?

Pinaupo siya ng babae sa harap ng salamin. They started doing some make up, and her hair, di siya makaimik. She must be dreaming. Ba't parang ang bilis ng pangyayari?

"Ma'am isukat niyo na po ito." They both said pero hindi niya alam paano sukatin.

"I-ikakasal ba ako?" Tanong niya sa dalawang babae. Hindi sila sumagot pero ngumiti naman sila kay Abby.

Tinulungan nilang magsuot si Abby ng gown na para bang wala ito sa sarili.

Backless ang gown niya with three connecting strings. Long sleeves ito pero puro lace na ang nasa bandang braso, sumasayad ang dulo ng gown sa lupa. Nilagyan siya ng veil at inayos pa kaunti ang make up.

Then someone knocked from their tent. Binuksan yun ng dalawang babae. Then there she saw her parents.

Nilapitan siya ng mga magulang niya and they both hugged her. Naiiyak siya, hindi umiiyak na talaga siya. Her parents were also silently crying. Doon niya lang napansing naka barong pala ang tatay niya, while naka gown din ang nanay niya.

"Hwag ka nang umiyak anak. Masisira ang make up mo. Ang ganda mo pa naman." Sabi ng mama niya. Umiiyak na ngumingiti naman siya sa sinabi ng mama niya.

"Ang ganda talaga ang anak ko.." sabi naman ng papa niya. Napangiti siya pero tumutulo pa din ang luha niya.

"Tahan na, hintayin ka na namin sa labas, may nag hihintay na sayo doon." Sabi ng papa niya sabay halik sa noo ni Abby, at hinalikan naman siya sa pisngi ng mama niya.

Lumabas na ang mga magulang niya saka naman pumasok ang dalawang babae.

"Nako Ma'am hwag po kayong umiyak, baka magmukha kayong zombie mamaya.." natawa siya sa sinabi ng babae. Pilit niyang pinatahan ang sarili at inayusan na siya ulit ng babae.

Lumabas na siya sa tent, andun na ang mga magulang niya naghihintay. Doon niya na nakita ang mga bridesmade at grooms men pumapasok sa kurtinang yun.

Isa na lang at sila na, she held her parents tightly on both hands. Nang makapasok na sila sa kurtinang yun ay laking gulat niya when she saw a lot of people. May ibang hindi niya kilala, may ibang kasamahan niya sa trabaho, nandoon din ang boss niya. Habang papalapit na sila sa kung saan nakatayo si Nathan malapit sa pari ay nakita niya doon sa malapit sina Josh at Gab sa right side at si Gelay sa sa left na nakasuot ng bridesmaid gown.

Eto ba ang sinasabi nitong activity kanina.

Then she also saw her daughter wearing a pink dress tulad nung suot ng batang na meet nila kanina na si Angelie. And speaking of Angelie, nakita niya ito katabi si Angel, may dala dala itong basket na may lamang petals ng bulaklak. They are both grinning at Abby na hindi makapaniwalang planado pala ang lahat ng ito.

Nakita niya din ang iba pang mga kapatid.

Napatingin siya kay Nathan na nakangiting nakatingin sa kanya. Naka barong na ito ngayon. Nang makalapit na sila sa kanya. Bahagya siyang yumukod nang ibigay ng papa ni Abby ang kamay niya sa kay Nathan.

Her father held his shoulders at bahagyang tinapik, sign na ingatan niya si Abby.

Humalik sa pisngi ng Mama ni Abby si Nathan at umupo na ang dalawa. Inakay niya naman si Abby na humarap sa pari.

Bad Boy Meets an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon