chapter 44

63 3 0
                                    

Isang linggo lang naman sila sa Palawan, gusto din kasi ni Nathan makasama si Angel, since ngayon inaasahan niya na na wala na siyang maaasahang mana o ano man sa business ng mga magulang niya na siya din naman ang lalong nagpalago.

"Kailangan kong maghanap ng trabaho." Nathan said nang nasa eroplano na sila.

Napatingin si Abby sa kanya. Mukhang malalim ang iniisip nito.

Walang sinabi si Abby, she held his hand sabay sandal sa balikat nito.

"Kaya natin to" she said and kissed his hand. Hinalikan din ni Nathan ang bunbunan ng babae.

"I Love You." He whispered. She smiled sabay tumingin sa lalaki.

"I Love You Too!" Then he gave her a smack.

--

Nasa Cebu na sila, dumiretso sila sa condo ni Nathan. Noon pa man alam niya nang tatanggalin ng Papa niya ang kanyang mana, so every penny he earned dinediposito niya sa kanyang sekretong bank account.

Now he has enough to buy his own condo and car, pero siyempre since wala na siya sa kompanya nila, mahirap naman kung gastos lang ng gastos walang pumapasok na pera.

So since may bahay/condo na naman sila, maghahanap na lang siya ng trabaho. Kahit yun na lang bubudgetin nila para sa pang araw araw, at natira niya pang pera para sa edukasyon ng anak niyang si Angel at magiging anak pa nila ni Abby.

"Daddy!!" Masayang bati ni Angel nang sunduin sila sa airport kasama ang Lolo nito which is Abby's father. Dala dala nito ang kotse ni Nathan.

"Hello baby.. I missed you!" Sagot ni Nathan sabay halik sa noo ng bata.

Nag mano din sila sa Papa ni Abby.

"Nako, nagtatampo na si Mommy, di na pinapansin ng Baby.." naglulungkot lungkotang sabi ni Abby.

"Mommy naman, syempre namiss ko din naman kayo, but I miss daddy more, matagal kasi natin hindi nakasama si daddy." Then her guilt strikes again.

Wala naman siyang ibang masisisi but herself. Sino ba kasi ang ayaw magpaalam kay Nathan na may anak sila? Siya. Sino ba ang nagtago? Siya. Tapos ngayon naiiyak siya.

Nginitian niya lang ang bata, Nathan gently squeezed her hand. Napatingin siya kay Nathan, pinagsisihan niya yun kasi parang gusto niya na lang ngumawa.

"T-tara na, napapagod na ako, gusto ko nang magpahinga." She said at nauna nang pumasok sa kotse.

Sa front seat siya sumakay.

"Baby, si Daddy na mag drive kaya sa likod ka na umupo with Lolo ha.." pumayag naman agad si Angel.

Daldal ng daldal si Angel buong byahe nila, while tahimik naman si Abby na nakatingin lang sa labas ng bintana.

"Then you know what Dad.." pag uumpisa na naman ng bata.

Maraming sinasabi si Angel sa papa niya pero di naman doon nakatuon ang atensyon niya. Nakay Abby ang atensyon niya, alam niya na nagagalit na naman ito sa sarili lalo na nung narinig ang sinabi ng anak.

Parati niya namang sinabihan si Abby na kalimutan na yun at magsimula na ng bagong kabanata but he guess, mahirap talaga yun para kay Abby.

Hinawakan niya ito sa binti pero di parin siya nilingon ng babae. Nang makarating na sila sa condo, nauunang tumakbo si Angel sa unit nila.

Pagpasok nila, bumati lang siya sa mama niya at sa mga kapatid niya.

"Nay, may pasalubong po kami, kayo na po bahala, magpapahinga lang ako." She said. Nilapitan niya si Nathan para itanong kung saan ang kuarto nila, tinuro naman yun ni Nathan at walang pasabing pumasok siya agad sa kuarto.

Hindi niya na matiis. She silently cried.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bad Boy Meets an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon