Chapter 13
Isang buwan na mula nong nangyari sa kanila ni Nathan. Busy na sila preparing for graduation. Gagraduate na si Abby sa course niya and proud siya dahil isa siyang Magna cumlaude graduate.
Shes very happy dahil sa mga blessings na dumadating sa kanya. Si Nathan, tapos Magna cumlaude pa siya.
Hinahatid siya ni Nathan pauwi. Minsan sa condo siya ni Nathan na tutulog, at alam niyo na..
As of now, nasa school siya, may inaasikaso when suddenly she felt dizzy.
"Hey are you okay?" Tanong ni Gab sa kanya. Kasama niya ito sa faculty office.
"Yeah.. okay lang ako.. Medyo nahihilo lang ako."
"You look so pale, are you sure okay ka lang?" Tanong pa nito.
"Yes.. dont worry Gab."
Speaking of Gab, hindi pinaalam ni Abby na fiance na ni Abby si Nathan. Alam niyang not in good terms ang dalawa at ayaw niya namng mag away sila kaya pinili niyang itago na lang muna yung relasyon nila. Nag agree naman si Nathan dito.
"Kumain ka bah?" Tanong niya..
"Oo nag kape naman ako kaninang umaga."
"Kape?? anong Kape?? Kape lang? Hay nako!! Tara na nga ilibre kita ng breakfast."
" Nako wag naGab.. Nakakahiya namn sayo.."
"sige na tara na..."
"Okay fine.. pero mamaya na lang pag natapos na tayo dito.. malapit na tayo oh.."
Nagpapairma kasi sila ng clearance at pimila sila sa faculty room.
"sige na nga.." sang ayon na lang ni Gab.
Nararamdaman na talaga ni Abby ang pagkahilo niya. Para na siyang hihimatayin pero pilit niya itong nilalabanan.
Laking pasalamat niya nang natapos na sila. Nakalabas na sila sa faculty at pumunta ng Canteen.
Umorder si Gab ng pagkain habang hinihintay siya ni Abby sa mesa. Nagsimula siyang kumain nang biglang may naramdaman siyang parang umaalsa sa tyan niya. Nasusuka siya, ayaw niya ang amoy ng ulam.. Gusto niyang kumain ng buko.
Tumakbo siya palabas ng cafeteria at nagtungo ng CR.
"Abby?" Tawag sa kanya ni Gab pero di niya ito pinansin.. dali siyang umalis. Sinundan naman siya ni Gab.
Naabutan niyang pumasok sa CR si Abby. Di naman siya makapasok dahil pambabae ang CR.
"Ano kaya nangyayari sa kanya? Masama lang siguro pkiramdam niya."
Paglabas ni Abby. Wala itong imik at nagpahatid na lang sa boarding house.
Hinatid naman siya ni Gab.
"okay ka lang ba talaga? Kaya mo ba? gusto mong magpaospital?"
"Nako wag na Gab. Okay na okay lang ako.. kulang lang din kasi ako sa tulog eh.."
•••••●●●●••••●●●•••●●●●•••●●●•••●●●●
Graduation day, kasama ni Abby ang kanyang mga magulang na halatang halata ang pagkaproud sa anak. Sa wakas may mag aahun na din sa kanila sa kahirapan. Masayang masaya din si Abby pero may halong lungkot din dahil na guiguilty siya sa pinag gagawa niya dito sa maynila. Yung nangyayari sa kanila ni Nathan, yung pagpapakasal nila ni Nathan. Hindi pa alam ng mga magulang ni Abby, at lalong lalo na, di pa napakikilala ni Nathan si Abby sa mga magulang nito. Walang nakakaalam kundi sila lang talagang dalawa.
Masaya ang pagtatapos ni Abby pinakilala ni Abby si Gab at ang sir Josh niya sa mga magulang.
Nagpapasalamat naman ang mga magulang ni Abby sa dalawa. Pagkatapos ng graduation ay kumain na muna sila sa isang restaurant Umuwi na din ang mga magulang ni Abby dahil hindi nila pwedeng iwanan ang mga kapatid ni Abby sa Bahay nila. Nagpadala na lang ng pasalubong si Abby. Hindi muna siya sumama dahil may aasikasuhin pa daw siya susunod na lang sa probinsiya.
Ilang araw na mula nung graduation nang mapansin na talaga ni Abby ang madalas niyang pagsusuka. Naalala niya din na hindi na siya na dadalawan ng kabuwanang dalaw niya.
Bigla siyang kinabahan. Agad naman siyang pumunta sa Pharmacy at bumili ng.. PT
Ginamit niya agad yun.. Kinakabahan siya...
"Shit!!" Sambit niya nang makita ang dalawang guhit sa PT.
Tama nga ang hinala niya.. Buntis siya!! anong gagawin niya ngayon? walang nakakaalam sa relasyon nila ni Nathan. Agad niya namang tinawagan si Nathan.
"Hello Babe" Masayang bati ni Nathan sa kabilang linya. "Sorry babe di kita nabati, si mommy kasi kung kanikanino lang ako pinakakausap.. Hinanap kita pero hindi kita nakita." dagdag niya pa.
"Babe?!" sabi ni Nathan nang mapansin niyang walang sumasagot sa linya.
"Nathan... Pwede ba tayong magkita?"
Nakaramdam ng lungkot si Nathan sa boses ni Abby kaya agad siyang nag sabi ng ..
"Sure babe.. susunduin kita sa boarding house mo papunta na ako..."
Halata din sa Boses ni Nathan ang pagpapanick.
Ilang minuto lang ang lumipas nang makita niya ang paparating na sasakyan ni Nathan sa may bintana kaya agad siyang bumaba. Hindi niya na pinababa si Nathan para pagbuksan siya agad na lang siyang pumasok sa sasakyan.
Nahahalata ni Nathan ang kalungkutan sa mukha ni Abby.
"May problema ba?" he asked in a concern voice.
"Kailangan kita ngayon Nathan.." yun lang ang nasabi ni Abby.
"Ill be always here for you babe.."
"Pwede ba tayo magpunta sa usang malayong lugar?"
"What?? as in now??"
Tumango lang si Abby..
"Sure.."
Nagsimula na siyang mag drive.
Sinusulyapan ni Nathan si Abby. Malungkot talaga ito at halatang napakalalim ng iniisip.
"Is something wrong Abby, you know what you could tell me anything.. I will listen."
Di pa din kumikibo si Abby.
Nathan chose Tagaytay as his spot.
Lumabas muna sila at umupo sa bundok tanaw ang taal volcano at taal lake.
"May problema bah?" Tanong ni Nathan habang inaakbayan siya.
"Nathan... Im so scared" mangiyak ngiyak niyang sabi.
"Scared of what babe?"
"You might leave me.."
"Why would I do that?"
"Wala lang... baka magsawa ka sa akin.."
"Hindi ah.. mahal na mahal kaya kita hindi ko gagawin yun.." sabi ni Natahan.
Abby felt his sincerety but natatakot pa din siya. Hindi basta basta si Nathan. Pwede niyang iwan si Abby pag nalaman niyang nabuntis siya. What if ayaw niya ng anak.
Hindi na nagdalawang isip si Abby. Hindi niya talaga sinabi kay Nathan na magkakaanak na sila.
For now, nag enjoy muna sila sa sight seeing. Masayang masaya sila ngayon.
Ilang linggo na din siya sa Manila. Natatakot siyang umuwi sa kanila Hindi niya alam kung papaano sabihin sa mga magulang niya ang kalandian niya.
Nagdesisyon na lang siyang umuwi na. Nagpaalam siya kay Nathan. Magpromise naman si Nathan na parati siyang tatawag.
Magiisang buwan na siya sa kanila nang isang linggong hindi na tumatawag si Nathan sa kanya.
"Baka busy lang yun.." sabi ng utak niya.
Makalipas ang another isang buwan nang mapansin na ng papa niya ang madalas na pag pagsusuka at paghahanap niya ng buko.
BINABASA MO ANG
Bad Boy Meets an Angel
RomanceIsang simpleng Babae lang si Abbigail. Namumuhay ito ng payapa nang biglang may dumating na nagpagulo ng buhay niya. Ano kaya ang gagawin nito makakaya niya pa kayang lampasan ang lahat ng magiging pagsubok niya nang dahil sa isang taong yun o tatak...