Chapter 24

101 6 3
                                    

Naalimpungatan ng gising si Abby nang may marinig siyang kumakatok sa pintuan nila. Tiningnan niya ang oras sa cellphone at laking gulat niyang alas syete na pala ng gabi. Tulog pa si Gelay sa kabilang kama habang gumagalaw galaw naman si Angel sa tabi niya. Nag hilamos muna siya bago niya pinagbuksan ang kumakatok.

Tatlong waiter, may bitbit na tray na puno ng pagkain. One of the waiters handed her a piece of folded paper.

She opened the paper at binasa ang nakasulat doon.

Magpahinga na muna kayo, you all need a rest for tomorrows adventure nagpadala na lang ako ng pagkain para di niyo na kailangan lumabas. Enjoy the food, hope you'll like it. -Gab

"Pasok po kuya." They all marched in, bitbit ang mga pagkain at nilapag sa maliit na dining table.

"Pag may kailangan po kayo maam, pwede po kayong tumawag sa hotel, nandon lang din po sa telepono ang numero" the waiter said before they left. Nagpasalamat si Abby at tiningnan ang mga pagkaing pinadala ni Gab.

"Grabe, ano akala niya sa amin? Baboy?" Reklamo niya nang makita ang pagkain. May seafood, may isda, at isang buong roasted chicken at five cups of rice.

Maya maya lang ay nag ring ang cellphone niya kaya agad niyang sinagot ang tawag. It was Gab calling.

"Gab, ano ba tong pinadala mo, sobrang dami. Di namin mauubos to." Reklamo niya agad as soon as she answer the call.

"Okay, so that means na tanggap niyo na nga ang pagkain. Hindi ko kasi alam kung ano ang trip niyong kainin so I ordered anything."

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa.. kakain pa lang.."

"Hwag ka nang umorder, dito ka na lang kumain. Sayang naman to pag di naubos.." ayaw na ayaw niya pa naman ang pagkaing na sasayang.

"Okay, Ill be there.."

"Sige ititext na lang kita whenever they're ready, tulog pa sila eh.."

"Alright, no worries.." and she ended the call.

Ginising niya si Gelay at Angel. Bumangon naman ang dalawa agad na nag ayos ng sarili si Gelay at inayusan din niya si Angel na halatang di pa totally gising.

She texted Gab at wala pang isang minuto ay nasa labas na ito ng cottage nila.

"Tito Gab!" Masiglang bati ni Angel. Sabay takbo sa binata at nagpakalong.

"Hi baby, how was your sleep?"

"I had the most relaxing sleep. Thank you for this tito.."

"Ikaw pa.. malakas ka yata kay tito.."

"Tara na kain na tayo.." yaya ko sa kanila as soon as naayos ko na ang pagkain sa mesang pang apat na tao.

Masiglang kumain si Angel. Nakakatuwa talaga si Angel pag gutom. Maganang kumain, medyo may pagkachubby din kasi ang batang ito, at mapupula ang pisngi.

After kumain ay nagyaya si Angel na mag night swimming daw sila ng ate niya at pumayag naman ang ate niya. Sinamahan namin sila sa dalampasigan.

Lumalangoy na ang dalawa habang nasa buhangin sina Gab at Abby.

"What would you do if Nathan finds out about his daughter?" Gab suddenly asked and I froze.

Bad Boy Meets an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon