Jonathan pov
"Ano namang hahanapin sa bata??",tanong ni shy, kaming apat lang dito sa office inilipat kami ni general
"Yun ang kailangan natin malaman",saad ni jewer
"Ganon ba kahalaga yon? At kung habulin??",ngiwing tanong ni general
"Sa pag kakakilala ko kay francisco Hindi sya nag sasayang ng oras sa isang bagay na hindi talaga mahalaga!...natural mahalaga yon",saad ni jewer,
"Kung ganon kailangan natin makuha ang statement ng mga butler",saad ko
"Hindi",pigil ni jewer
"Ha??bakit? Dba sabi mo? S-",
"Kapag ginawa natin yon malalaman nila na may alam tayo! Mas mahihirapan kapag nalaman nila lalo pat? Nasa atin ang bata hahabulin nila ng mas matindi yon",saad ni jewer,
"Kung ganon?? Anong balak mong gawin?",tanong ni general,
"Sa ngayon pag protekta sa bata ang magagawa natin, hindi sya pwedenh ikulong dyan lalo pat nag aaral ang bata, ang makuha ang loob ng bata ang kailangan para sa information na kailangan natin",saad nya pa,
"Pero?? Panigurado na delikado",saad ni shy
"Normal pa rin dapat ang buhay ng bata hindi nyo yon pwedeng ipagdamot, at hindi natin makukuha ang loob ng bata sa oras na ikulong sya dyan",saad nya ni jewer
"Wala tayong gagawin? Sa grupong yan? Kilala mo na pala eh? B-",
"Hindi pwedeng paligoy ligoy sa desisyon shy, isang mali lahat damay, alamin muna natin ang dahilan nila saka tayo kikilos",saad ni jewer,
"Mamaya isasama ko na ang bata sa bahay",saad nya,"Pano kami??",saad ko kumunot ang noo nito
"Anong pano kayo?",
"Dapat kasama kami! Syempre hindi pwedeng ikaw lang ang kasama nung bata! Kasama kami sa kaso!",giit ko
"Secure ang bahay ko hindi yon maaakya-",
"Pano ka nakakasiguro? Hindi ka na kasing lakas kagaya ng dati! Wala na ang mga access m-",
"Sino namang may sabi sayo??",ngising ani nito, kaya natigilan kami
"Illegal na negosyo lang ang nawala sakin, hindi ang pwersa at connection ko bilang leader",saad nya pa, saka umupo sa swivel chair at tinipa ang computer, nagkatinginan kaming tatlo at sabay sabay na tumingin sa kanya, na nagbabasa na'ano daw??',
Erlyn pov
Andito ako ngayon sa resto na lagi namin pinupuntahan ni ate, nagpapalipas lang, nakatingin ako sa malayo at nagbuntong hininga, namimiss ko na si ate, pero nauunawaan kong may misyon sya kagaya ng sinabi ni dad, medyo gumagabi na, kaya napag pasyahan kong umalis na pagkatapos magbayad ng mga kinain ko, ng makalabas ay tinext ko na yung driver ni ate na nag susundo at naghahatid sakin, sa school, sa gilid ng tapat ng resto ay nakatayo ako habang inaantay yon,
Nagpalinga linga ako ng maramdaman na parang may matang nakatingin sakin, pero wala naman akong makita na nakatingin sakin kaya medyo kinabahan ako, hinigpitan ko ang kapit sa bag ko at pinigil ang takot, at bumuntong hininga,
"Miss!? Nag iisa ka lang ba?", tinig sa likod ko, napatingin ako ron andon ang tatlong lalaki
"N-no may kasama ako!",saad ko
"Talaga?? Nasan?", tumingin sa paligid bago sakin, kaya umatras ako
"I-inaantay ko p-pa! B-bakit?",tanong ko, pinilit kong hindi mautal pero bigo ako
BINABASA MO ANG
THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVE
Actionsino nga ba siya? ano pa ang malalaman nya mula sa nakaraan? ano ang tunay nyang pagkatao?