CHAPTER 7

100 4 0
                                    


Francisco pov

"Ano??", gulat akong napatayo sa upuan ko

"Eh? D-dad!? Muntikan lang naman! Don't worry hindi ko nasa-",

"Kahit na william!! Hindi nya pwedeng malaman ang tungkol don!",sigaw ko sa galit
"Kapag nalaman nya yon pano na?? Ha!? Tingin mo makukuha pa natin yon? Hindi na! Kaya mag isip ka!! William!! Mag isip ka!!, At? Bata na lang hindi nyo pa nakuha?",

"Dumating boss si queen eh! Sya ang may hawak sa kaso ng medrano",

"Eh! Bakit hindi nyo pa pinatay ang bata ng mahawakan nyo?",

"Dad!? Pano kung wala sa kanya? Ha? At pinatay namin? Saan na natin hahanapin?? Dapat hawak muna natin bago patayin yung bata",saad ni william

"Tsk! Kahit na!", napasandal ako mesa

"Boss!? May bisita ka",saad ng isa kong tauhan, kumunot ang noo ko, wala akong inaasahang bisita ngayon

"Sin- oh? Syn???",saad ko, blangko ang muka nito at sobrang seryoso, kasama ang kanyang tauhan

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa!! Alam kong kayo ang may pakana ng pag patay sa mag asawang medrano? Hanggang ngayon ba pinag iinitan nyo? Ang bagay na yon?",may bahid ng inis ang tono nito kaya natawa ako

"Syn? Ang bagay na yon ay sobrang halaga! At alam mo ya-",

"Oo! Mahalaga yan para sa nag iisang anak ni leonardo! Francisco!!! At sya ang may nag mamayari non!",sigaw nito

"Patay na ang anak ni Leonardo syn!? Ah! Hahahah ayun ang hawak na kaso ngayon ng kanyang inampon dba? Si queen??",saad ko ngumisi ito ng nakakaloko na ikinainis ko pero tanging kuyom ng kamay ang nagawa ko

"Kung yun ang paniniwala mo Francisco bahala ka!? Pero sinasabi ko sayo tigilan mo na ang bagay na yon bago pa mahuli ang lahat para sayo",

"Pinagbabantaan mo ba kami ha?",singit ni william

"Sa ginawa nyo kay Leonardo tingin nyo bubuhayin kayo ni queen?? Baka nakakalimutan nyo ang DEAL?? Na hindi nyo tinupad??",natahimik kami, masama kong tiningnan si syn,
"At alam kong alam nyo ang kakayahan nya william",

"Hindi na sya kasing lakas kagaya ng dati! Nabuwag na ang grupo ninyo syn? Anong dahilan para matakot kami?",hamon ko

"Kilala nyo ang isang yon naturuan yon ng mabuti ni Leonardo!! Kahit mag isa ay kaya nya kayong tapusin at...hindi hadlang sa kanya ang sinusundan nyang batas dahik may sariling batas ang isang yon",saad nya pa
"Tumungo ako dito para balaan kayo, tigilan nyo na ang bata, tigilan nyo na ang pag kuha sa bagay na hindi sa inyo, tigilan nyo na, dahik hindi pwedeng malaman ng mga oligar ang bagay na yon! Dahil sa oras na mawala at mapunta sa kamay nila yon paniguradong buong bansa ay damay! Pakakatandaan mo na si Leonardo ang nagalaga at nag tago sa bagay na yon ng mahabang panahon wag mo sanang ibunyag at ilagay sa kapahamakan ang buong bansa Francisco, mauuna na ako",saad nya at akmanh bubuksan ang doorknob ng lumingon ulit
"At wag kang pasisiguro sa haka haka mo baka ikaw ang masopresa",saad nya, at lumabas, walang nakaimik samin, mahalaga ang bagay na yon at dapat mapunta yon sakin, kapag nangyare yon makukuha ko ang pinakatago tagong yaman ni Leonardo, ang problema ay bukod sakin marami ang nag hahangad non isa sa bagay na hindi alam ni queen, ang mga oligar, ang mga oligar ay isang organisation sa asya na isa sa kalaban ni Leonardo, ang organisation ay binubuo ng limang pangkat muka sa mag kakaibang bansa, hawak nila ang kalahati sa asia malakas ang pwersa sila ang una sa kinakatakutan ng mga sindikato pumapangalawa ang grupo ni Leonardo bukod don ay matagal ng mag kaaway ang dalawang grupo, dahil sa bagay na yon na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakukuha, kaya dapat bago malaman ng oligar kung nakanino ang bagay na yon ay mauuna dapat ako,

'sa ginawa nyo kay Leonardo tingin nyo bubuhayin kayo ni queen? baka nakakalimot ka sa DEAL na hindi nyo tinupad??',







Syn pov

Nang makasakay ako sa sasakyan bago lumabas don ay huminga ako ng malalim, napakuyom ako dahil sa haba ng panahon hindi ko akalain na hindi pa rin nya tinitigilan ang bagay na yon,

'hindi pwedeng malaman ng mga oligar ang tungkol don, lalo pat ang kinakatakutan ni Leonardo na madamay ang kanyang anak sa alitan na yon ay hindi impossibleng mangyare',

Ang mga oligar ay isang organisation kung saan ay may limang pangkat mula sa ibang mga bansa, una sa listahan ng may pinakamalakas na pwersa sa buong asya at ang grupo naman ni Leonardo ang pumapangalawa, natatakot ako na baka lumabas ang tungkol sa iniingat ingatan ni leonardo at makuha yon ng mga oligar o kaya ni francisco baka nyan ay gamitin yon sa masamang gawain na hindi gustong mangyare ni Leonardo, kapag  nakuha ng mga oligar yon ay magagawa nilang kontrolin ang ekonomiya at gobyerno ng pilipinas magagawa nilang makuha at magawa ang gusto nila, pero hanggat nakatago ang bagay na yon hindi nila maisasakatuparan yon, ang ikinalungkot ko lang ay ang pag kamatay ni shailey iniisip nilang anak ni Leonardo si shailey ngunit isa iyong malaking kasinungalingan,

"Sa haba ng panahon leonardo, sa haba ng panahon na puro kasinungalingan panigurado akong higit syang masasaktan sa lahat ng ito, higit syang madudurog sa malalaman nya, Leonardo?? Hindi ko maipapangakong hindi nya malalaman yon sapagkat diyos na ang gumagawa at nag lalapit sa kanya sa secreto mong matagal ng ibinaon...at ngayon unti unti ng nalalapit sa iyong anak leonardo",saad ko, nagbuntong hininga ako,
"Tara na",saad ko sa driver, parang lutang ang isip ko sa lahat ng makauwi sinalubong ako ng aking asawa at anak ngunit nasa utak ko ang mga nakaraan, dumeretso ako sa library, at binuklat ang isang closet na may tabing na puting tela, medyo maalikabok dahil katagalan na itong ganito binuksan ko yon at, pinagmasdan ang sandamakmak na katotohanan, ang buong katotohanan na alam kong sisira sa puso ng anak mo leonardo, kinuha ko sa table ko ang DNA results ang tunay na DNA results ni general Marcial luchavez at ni Queen, binuksan ko iyon

"Negative 00.0%",saad ko saka yon sinarado, at nilagay sa loob ng closet bago ulit isarado at takpan ng Puting tela

"Hanggang kailangan mo itatago syn?",tinig ng aking asawa, yumuko ako

"H-hindi k-ko alam! Sa haba ng panahon na kasama ko si sya alam ko ang pag durusa nya, alam ko na nasasaktan sya sa isang kasinungalingan",saad ko

"Pero mas masasaktan sya sa oras na lumabas ang totoo, sinabihan ko kayo ni Leonardo bago nyo gawin ang bagay na yon,lalabas at lalabas ang buong katotohanan syn kahit anong pag tago ang gawin ninyo",

"Alam ko yon, pero!! Alam mo ang rason! Hindi pwedeng malaman ng oligar ang tungkol sa bagay na yon, dahil...dahil buong bansa ay magiging sunod sunuran sa masamang hangarin ng oligar!",saad ko

"Nauunawaan ko? Pero inaalala ko lang ang bata syn? Malakas sya sa paningin ng lahat ngunit alam natin na durog na ang loob nya!? Aantayin mo pa bang sya ang makatuklas ng totoo??",

"Hindi ko alam! Hindi ko na alam!",naguguluhang saad ko, kahit ako ay natatakot sa magiging kakalabasan nito, malaman nya o hindi lalabas at lalabas iyon

'iniwan mo sakin Leonardo ang isang bagay na sobrang komplikado',

THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon