CHAPTER 63

86 3 0
                                    

Jonathan pov

"A-ah",napatingin ako kay jewer ng umangik ito

"Why?",tanong ko

"M-masakit",turo nya sa tiyan, mag wawalong buwan na ito at hindi na talaga kami makapag antay, humihilab at gumagalaw si baby sa loob kaya ngiti kong dinutdot yung may bakat ng pag galaw
"He's moving",

"Oo at masakit",asik ni jewer, maya maya ay tumigil yon at naging normal, binisita kami ng doctor dito para tingnan ang si jewer at para na rin maka sigurado, bago umalis si dad at si syn ay bumibisita dito pero minsan hindi at sa civilization, si general balita ko ay busy kay erlyn pero tumatawag rin naman kung anong nangyayare kay jewer

Ni hindi ko na inopen kay jewer ang tungkol kay erlyn, ayaw ko ng mamoblema sya pero imposible na mangyare yon,

"Hey! Bro!",tinig ni omel sa labas at ang laki ng ngiti

"Hey!",

"Kamusta si jewer? Hindi na kami makapag antay",singit ni mercy

"Hahahahaha sus! Ano pa nga ba?",ani ni sunny na kadadating lang

"Haaay don't worry Jonathan safe ang anak mo dahil kami ang ninong at ninang",ani ni solely

'mali nag aalinlangan pa ako kase nga kayo!',

"H-ha hehehehe o-oo naman",saad ko, nagkwentuhan pa at nagkulitan buti at si jewer ay kontento na nakikinig lang sa apat na sabay sabay na bumubuka ang bibig

~PANGANGANAK~

Nanginginig kong sinugod sa hospital si jewer ng may dugo na lumabas sa hita nito sa kama, kasama ko si manang at ang ibang security sa mansyon nag patulong ako, yung apat kase ay may inaasikaso si dad naman meron din,

"Sino dito ang asawa?",tanong ng doctor

"A-ako po",

"Halika, samahan mo sya nahihirapan syang umiri",sumunod ako dito paloob, at rinig ko ang tinig ni jewer, napapikit ako dahil kita ko sa muka nya ang sakit at hirap,

"You can do this jewer",bulong ko sabay hawak sa kamay niyang humigit ang hawak sakin, sinimulan na ng doctor

"Dahan dahang huminga, bago umiri",paalala ng doctor

"A-ahhhhhhhhhmmmmm",pag pwersa ni jewer, nag sisimula ang pawis na tumutulo sa buong muka nito, ganon ang sitwasyon at tanging pag alalay lang ang nagawa ko.

Hanggang sa marinig ko ang iyak ng sanggol nag angat ako ng tingin at napaluha ng makita ang nililinisan nilang anak ko, tumingin ako kay jewer na nakatingin sa anak namin nabasa ko ron ang saya nya kaya naman hinalikan ko ito sa noo

"Wayne ang pangalan nya", pagtanong ko

"Hmm",sagot nya,

"Here",ani ng doctor at maayos na ibinigay kay jewer ang bata, matangos ang ilong at may pagkasingkit ang mata pero hindi gaano, may mapupulang pisnge at magandang korte ng labi, kahit pilik nito ay talagang maganda

"W-wayne cordial salcedo-civil",bulong ni jewer bago ito ngumiti, inilabas ang mag ina ko at inilipat si jewer sa isang kwarto na kinuha ko kasama ang anak namin na sobrang lusog

"Ano? Nasan a- ohhhhh",tinig ni master ng tawagan ko, andito agad, kasama si syn na nakangiti
"Kamuka ko sya hindi syn?",tanong nito tinaasan sya nito ng kilay

"Hindi ka lang pakialamero Leonardo pilingero ka! Si jonathan ang kamuka",asik ni syn kaya natawa ako ng samaan sya ni master ng tingin
"Nag sasabi ako ng totoo",

"By the way? Anong pangalan ng napakagwapo kong apo?",tanong nito,
"Leonardo?",ani nya, napakagat labi ako at yumuko mukang nakuha agad ni syn yon at humagikhik

"Wayne",sagot ni jewer

"Ha?",

"Wayne dad, wayne ang pangalan ng apo mo",linaw ni jewer, ngumuso ito

"Bakit hindi Leonardo?",

"Dahil ayaw ko pang matanda pakinggan",

"Bwahahahaha- ahmmm",pag iwas ni syn ng bigla itong matawa,

"Tch! Ang ganda ng pangalan ko! Lolo ko pa nag bigay non",depensa ni master

Pinagmasdan ko ang anak namin at nag eenjoy sa tabi ng mommy nya habang kinukulikot ni master at ni syn

'napakagwapo mana sakin',

Sa pananatili namin sa hospital ay mas lalong kumukulit si wayne lalo pa at andon lagi sila master at si syn kahit yung apat na tuwang tuwa sa kanya, at ngayon ay inuwi na namin, wala naman syang sakit dahil nga malusog malakas nga dumede eh,

"Alagaan mo ang apo ko ng maige jonathan!",paalala na naman ni master

"Yes dad",

"At yung anak k-",

"Ano ka ba naman leonardo! Paulit ulit ka para kang sirang plaka!",asik ni syn

"Hahahahahaha masanay na dapat.",singit ni omel na kumakain

"Hahahaha oo at dapat nagpaalam ka kay Giovanni!",pananakot ni sunny inikotan naman sya ng mata nito

"Alam nya na dito ako lagi pumupunta",

"Hahahahaha sabagay!",

"Kamusta na kaya si erlyn?",natigilan ng biglang mag salita si solely, buti wala rito si jewer

"Hayy! Solely! Wag mong iopen bigla ang topic kay erlyn baka marinig ka non!",asik ni sunny

"Oo, hayaan nating makalimut sya",saad ni syn

"Pero? Kamusta na ho sya? Hindi pa tumatawag si general sakin",saad ko

"Ang balita samin bumubuti na ang kalagayan ni erlyn, may posibilidad na magising sya ngunit. Inaasahan na ron ang wala syang maalala",mahinang saad ni syn, tumango kami

"Tsh. Namimiss ko ang kakulitan ni erlyn",saad ni mercy

"Hindi lang ikaw. Lahat tayo",saad ni omel,

Huminga ako ng malalim at tumingin sa taas natigilan dahil andon si jewer, nakatingin at alam kong narinig nya, malungkot ang muka na tumalikod mukang hindi nila nakita, kaya naman lumakad ako pataas

"Hey",tawag ko rito, pag harap nito ay umiiyak na, niyakap ko ito at inalo

"She's okay?",tanong nya, batid kong si erlyn ang tinutukoy nya

"Y-yun ang balita, pero hindi pa rin gising",saad ko, humigit ang yakap nito sakin
"Shhhhh, wag mo ng isipin yon. Para hindi ka na mamoblema pa",

"T-thats my fault",

"No. Hindi mo kasalanan! Hindi mo ginusto at hindi mo gugustuhin",pag lilinaw ko,
"Kung ano man ang nangyare wala kang kasalanan don niligtas mo sya at ginawa mo lahat para mabawi sya. Sapat na yon. May anak tayo jewer andyan si wayne sya muna ang intindihan at isipin mo ngayon. Ang anak natin",banggit ko saka sya hinalikan sa noo, at inalo sa paghikbi nito

THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon