Austrias pov
Walang malay si jonathan ng makarating kami sa hospital, at abot langit ang kaba sa dibdib ko gusto ko syang sapakin sa inis dahil sa katigasan ng ulo,
"Ma'am hanggang dito lang po kayo, kami na po ang bahala sa kanya",pigil ng nurse sakin saka sinarado ang pinto ng E.R, napahilamos ako sa muka saka kinuha ang cellphone at tinawagan si syn
"Hello!?? Ano? Nahuli nyo?",agad na tanong ko
"Nakatakas!",napakuyom ako sa paginit ng ulo ko
"Bakit nyo hinayaang makatakas yan!!!!",gigil na sambit ko
"Hinabol namin ng sasakyan namin kaso ang bilis ng patakbo traffic din kaya hindi na namin nasundan pero hawak natin ang tatlo sa tauhan nya",
"Hanapin nyo si nikki! At dalhin nyo sakin! Pagbabayaran nya ang ginawa nya kay jonathan",gigil na bulong ko saka pinatay ang tawag napahilamos ako sa muka at palakad lakad, hindi ako mapakali masyado akong nag aalala kay jonathan
"Jewer!!! Si jonathan?",tinig ni shy, kasunod nito ay ang matanda na hindi ko pa kilala
"Ang anak ko? Nasaan??",tanong nito, sakin ito nakatingin kaya tumingin ako kay shy
"N-nasa loob",tanging sagot ko, bumuntong hininga ito
"Jew-",
"Ano bang nangyare at nabaril ang anak ko??",tanong ng matanda sakin
"Tinambangan kami sa mall a-ako p-po ang target",pahina ng pahina ang pagsaad ko, hindi ko alam kung bakit pero marahil ay dahil ama ni jonathan ito, aminado ako na kasalanan ko dahil ako naman talaga ang target ng mga oligar dahil sa silver crystal square na gusto nila
"Ikaw ba kamo ang target?? At ano at anak ko ang binaril??",
"T-tito k-kalma hindi maiiwasan yon, andon si jonathan, hindi lang sya ang natamaan dahil sa engkwentro marami", napatingin ako kay shy
"May mga civilian na nadamay yung iba dead on arrival ang iba sugatan sinugod na sa ibang hospital",napayuko ako sa sinabi nito tuloy ay tinamaan ako ng konsensya"Ano ba ang pinagagawa mo at ikaw ang target! Dati mo bang kaaway sa droga yon?", bulyaw ng ama ni jonathan sakin
"T-tito",saway ni shy
"Hindi! Gusto ko malaman kung bakit sya ang target ng mga taong yon!! Pero anak ko ang sinugod sa hospital!",
"Isa sila sa mga gustong makuha ang silver cyrstal square na hawak ni kaizer pero dahil nasa akin ako ang hinahabol",sambit ko
"J-jewer",
"Kasalanan ko kung bakit nabaril si jonathan, h-humihingi ako ng dispensa. Mauuna muna ako",paalam ko sa dalawa saka tumalikod, tumingala ako bago mapapikit pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko, nahihirapan akong humakbang, nang makalabas sa hospital ay pumara agad ako ng masasakyang taxi para magpahatid sa mansyon, naiwan ko sa mall ang sasakyan ko
"Keep the change",usal ko sabay abot ng bayad, hindi ko na inantay ang sasabihin ng driver at lumabas na ako saka pumasok sa mansyon, bumarati naman ang ibang maid na nakakasalubong ko
"Ate!!!",sigaw ni kaizer palapit sakin, kaya nagbaba ako ng tingin natigilan ako ng yumakap ito sakin hanggang bewang ko lang ang taas nito, kaya ginulo ko ang buhok nito at naupo sa harap nya
"Wala bang humarang sa inyo pauwe?",
"May sumundo samin ni kuya shy, wala naman pong humarang",sagot nya
"Mabuti",
"Sino po sila? Bakit kayo hinarang sa mall? Napanood ko ho ang balita pagkauwe ko",
"Isa sila sa humahabol sa silver crystal square mo",
"I-ibig hong s-",
"Hindi ka nila gagalawin, dahil nasa akin ang kailangan nila so you don't have to worry about", huminga sya ng malalim bago Tumingin
"Ganyan ba yan kahalaga para kunin nila sakin?",ngumiti ako bago tumayo
"Oo, ganon nga kahalaga. Hindi sila mag aaksaya ng panahon kung hindi",
'ang bagay na yan ay ang paraan para mahawakan nila ang civilization at ang mga assets na Pwedeng kontrolin ang buong bansa',
"Si ate erlyn mo?",tanong ko
"Andon sya sa kwarto nya",
"Sige na, magpahinga ka na muna kaizer simula bukas ng pagpasok mo dadagdagan ko ang security mo", tumango ito bago tumakbo papaloob sa kusina, huminga ako ng malalim at laylay ang balikat na naglakad pataas, tumingin pa muna ako sa kwarto ni erlyn bago lumakad pakanan para tumungo sa kwarto ko
'sana naman ligtas si jonathan',
Nagising ako sa pag tunog ng cellphone ko kaya pikit pikit pa ng ako ay magbangon, hindi pa ako nakakapagpalit dahil deretso higa ako kagabi sa kama,
"Queen? Akala ko ba sasama ka sa general? Paalis na sila",napabangon ako sa higaan dahil sa tinig ni syn
"T-teka! Papunta na!",hindi na ako nakapagpalit at kinuha ko agad ang susi, bago mabilis na tumakbo nakasalubong ko si erlyn at kaizer na paalis pero hindi na ako nag atubiling hintuan sila at agad na sumakay sa motor ko, yun na ang gagamitin ko para mas mabilis halos paliparin ko yon mabuti at binuksan agad ng guard ang gate
Nakalimutan kong ngayon nga pala ang paglipat ni olivia sa bilibid pero hindi yon aabot, nang makarating ako ron ay nakita ko agad sila syn na binubulyawan ang mga tauhan sa hindi kalayuan pero hindi ako lumapit at tumakbo patungo kay shy
"Shy? Nasaan sila olivia?",tanong ko nahinto ito at sinuyod ang kabuuan ko
"Jewer? Na-",
"Nasaan sila?",inis na ulit ko
"U-umalis na kanina lang!? Bakit?",
"Si general?",agad na tanong ko
"Sumama sya don",halos para akong nabingi sa sinabi ni shy, tumingin ako kala syn na namomoblema ang muka kaya nagpaalam na ako kay shy at tumakbo patungo kala syn na gulat na gulat at hindi makatingin sakin
"Andon sa sasakyan si dad wag nyo-",
"Q-queen napindot nag gagana na a-",hindi ko pinatapos si syn ng dakmain ko ang kwelyo nito
"A-anong!!!!!", patapon ko itong binitawan saka wala ng sinayang na oras, na sumakay sa motor at pinaandar yon, tinatahak ang daan na dinaanan ng sasakyan, nanginginig ang kamay ko sa pagmamaneho pero tiniis ko, abot ang kaba ko tumingin ako sa orasan five minutes ang oras non bago sumabog kaya mas binilisan ko pa pasalamat at hindi matraffic
'mapapatay kita syn!!',
Mula sa malayo ay nakita ko ang sasakyan nito pero naharangan, naman binilisan ko para umiwas sa mga truck at mga kotse sa harapan, ganon din ang sasakyan nila olivia na malayo sakin, tumingin ako sa relo ko at ang bilis ng oras one minute, halos mamawis ako kahit na sumasalubong sakin ang malakas na hangin dahil sa bilis ng patakbo ko, halos kapusin ako ng 50 seconds na lang at still counting, mas binilisan ko ito at sumenyas pero hindi nila nakikita hindi humihinto
'bwesit!!',
"General!!!!!",sigaw ko pero wala pa rin,
"General!!!",*20 seconds
Sumagad ang speed ng motor ko para lang habulin sila pero halos mapahinto ako at mailiko ang motor ng may pasalubong na sasakyan sa sasakyan nila olivia na agad ding naiiwas ngunit
"Wag!!!!!",sigaw ko at iniwan ang motor sa gitna, ngunit huli na, lumagpas sa tulay ang sasakyan nila dahilan para mahulog sa tubig, maraming huminto na sasakyan at bumarabang tao para tingnan ang nangyare, tumingin ako sa baba pero walang lumilitaw at lumubog ang sasakyan
"N-no!!!",
"Ayyyy!! Ang babae!!!",sigaw ng iba
"Miss!! Wag!!!",sigaw nila pero kumawala ako at akmang tatalon ng may humawak sakin kasabay non,
*Boggggssshhhh
Napaiwas ako at halos hindi makalingon mula sa pinagsabugan, nanginginig ako ng buhatin ng kung sino para ibalik sa kalsada tulala at hindi makakilos, naramdaman ko na lang ang mainit na likido na unti unting kumakawala sa mata ko
'd-dad',
BINABASA MO ANG
THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVE
Actionsino nga ba siya? ano pa ang malalaman nya mula sa nakaraan? ano ang tunay nyang pagkatao?