CHAPTER 25

64 2 0
                                    


Austrias pov

Nagising ako ng may kumatok sa pintuan ko na nag huhumalog, kaya naman napabangon ako at hawak ang noo na naupo sa kama

"What??",inis na asik ko saka nahiga ulit at nagtaklob ng kumot inaantok pa ako

"Ma'am!!! Si ma'am erlyn ho!!",napabalikwas ako ng bangon sa sinabi ng maid

"What happened??",agad na tanong ko

"Nasa balita po ang mommy nya, at andon sya sa Sala ma'am nag iiyak kanina pa",agad akong tumayo at akmang bubuksan ang pinto ng kwarto ko ng maalala ko ang napagusapan namin ni  syn kagabi pagkauwi na pag kauwi namin nila kaizer mula sa park

FLASHBACK

Papaupo na ako sa kama ko ng tumunog ang cellphone ko naiwan ko ito kanina kaya ng buksan ko ito tumatawag si syn kaya agad kong sinagot, kauuwi lang namin mula sa park kaya medyo ngalay ang katawan ko lakad kase kami ng lakad ron

"Anak ng. Nakailang tawag na ako ah! Ano at hindi mo sinasagot??",asik ni syn

"May pinuntahan ako pasensya",usal ko

"Nagtatanong si bermundo kung kelan nya balak sumuko? Anong plano mo?",huminga ako at nahiga sa kama

"Ngayon na",

"Ha?",

"Ngayon mo na ipunta sa prisinto yan

"S-sigurado ka??",

"Nagtatanong ka kung kelan ko gusto dba? Gusto kong ngayon na.

END OF FLASHBACK

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at tumingin sa maid na nag aalala ang muka

"Anong nangyare kay erlyn?",

"Kanina po kase papasok na sana ng marinig nya ang balita, queen yung mommy daw nya inaresto kaninang umaga lang daw",napayuko ako at sinarado ang pinto

"Bakit raw?",kunwareng tanong ko

"E-eh",hindi naman nakasagot ang maid at yumuko ito, dahil alam ko na naglakad ako patungo sa hallway pababa ng hagdan don ay nakita ko sila jonathan at shy sa saka nakatayo sa likod ng mahabang sofa si kaizer ay nakaupo sa single si manang ay nasa gilid ni erlyn na nakatalikod sa gawi ko

"What's goin' on here??",pag agaw ko sa atensyon nila, ang muka nila ay gulat na gulat at hindi lahat makatingin sakin, kaya dumeretso kay erlyn ang tingin ko dahilan para magtama ang paningin namin, tanging blangkong tingin ang ibinigay ko







Erlyn pov

Halos kapusin ako ng hininga ng marinig ang tinig ni ate

"What's goin' on here??",

Papasok na ako kanina ng marinig ang balita, hindi ko alam ang magiging reaction ko nalaman ko na lang umiiyak ako, habang naka alalay si manang sakin, andon si kuya shy at kuya jonathan, nag angat ako ng tingin at don ay nagtama ang paningin namin

Natatakot ako, nangangamba ako na baka iwasan nya ako na baka magalit sya sakin

'pano mo mom nagawa yon?',

"Im asking",ulit na pag salita nya

"A-ahh! J-jewer k-kasi",tinig ni kuya shy na hindi rin alam kung panong sasabihin, kaya naman nilaksan ko ang loob ko na tumayo at lumakad papalapit sa kanya, naguunahang tumulo ang luha ko at halos manginig sa harap nya, parang tinik na nakabara sa lalamunan ko ang blangkong muka nya at tuwid na nakatayo sa harap ko

"A-ate",pilit kong inalis ang utal pero nag kukusa yon

"What happened?", kunot noo nyang tanong ulit, napakuyom ako saka ako agadang lumuhod na alam kong ikinagulat nilang pare pareho

THDOL. DETECTIVE SERIES #1; UNDERCOVER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon